Isang daang gabing pagluluksa

sinta isaac's picture
| |

Ngayon,

Umaatungal ako na parang isang batang sabog,

At nakaligtaan kong ngumiti sa itim na

Tubig na inilalabas ng mata kong

Hindi sumusunod,

Sa lahat ng aking pinag-uutos…

“Bwakang ina ka, huwag kang umiyak!”

At pumila ako sa marungis na lababo,

Upang maghilamos,

At sa likuran ko ay ang mga kaluluwang

Pinolusyon ng sandamukal na libog,

At sa labas ng bintana ng aking buhay,

Ay ang mga gumagapang na katawang

Nakapangburol,

Nakakapanghilakbot,

Gusto kong matakot,

Nakakapanindig balahibo ang kanilang suot…

 

At nakita ko ang mga katawang yaon na

Nagpatong patong,

Nagkantutan…

At ang mga buto nila’y umigkas

At naging panggatong,

At sila’y sinilaban nang apoy sa kalan,

 

“Minumulto nila ako…”

 

Minumulto ako ng mga ungol nang pagkukunwari,

Isang sinungaling na orgasmong

Aking itinatahi,

Sa loob at labas ng aking ari.

 

At pinilit kong abutin ang mga tira tirang pagkain

Ng mga sandaling lumipas,

Mga alaalang inaagnas,

Inuuod at pinamamahayan ng lamok.

 

“marahil, matatamaan ng dengue ang puso kong

Nagsisimulang takasan ng antok…”

 

At ang kaluluwa ko’y nilalagnat,

Ang espiritu ko’y pinagpag,

Upang mahimbing sa pagkakatulog,

Ngunit ito’y ginising nang ang araw ay mahulog,

At sa sahig kong marupok,

Ito’y nambulabog…

 

At sa isang libong beses na umutot

Ang aking bibig,

Ngayon lamang isinuka ng aking sikmura,

Ang kasinungalingang

Hindi ko na maididighay,

O mailalalabas,

At ito’y magsisilbing lason,

Na sisira sa lahat kong relasyon.

 

Gusto kitang kausapin,

Gusto kong ang anino mo’y buhatin,

Upang ako sana ang maghagis nito sa hukay,

At ako ang sa iyo’y maglilibing…

 

“Huwag mong takasan ang ulan mahal ko…”

 

Gusto kong burahin ang ngiti sa iyong mukha,

Na sa aki’y lumalasing,

Na sa aki’y umaangkin,

Gusto kong burahin ang iyong mga halik,

Na hindi kailanman dadampi,

sa aking labi,

na napagod maghintay at umasam.

 

“Halika, salubungin natin ang umaga…”

Ang sambit mo.

Gusto kong tumanggi,

Ngunit hinawakan mo ang aking kamay

At hinila ako sa dalampasigan,

Kung saa’y naglaro tayo sa ulan,

At ang alon ay lumaki,

Naging halimaw,

At hinatak niya ako sa kanyang piling,

At ikaw ay nanatiling nakatingin lamang

Sa akin.

 

Ito marahil ang sandaling kailangang

Hugutin,

Ang mga inubang bulbol sa puking

Sinalanta nang tagtuyot…

Dahil ang ating kahapon ay pinagtaksilan

Ang ating ngayon,

At sila’y nagsabunutan,

Nagsuntukan,

At inawat sila ng mga pagkakataong

Sa limot ay nabaon.

 

Oo Mahal,

Kay lambot mo,

Ikaw ba’y nananabik din sa aking haplos?

Kailangan kong iabandona ang aking

Sarili,

Upang lumipad kasama ka,

At ako’y magiging ikaw,

At ikaw ay magiging ako…

 

Ito na nga ba ang ika-isandaang gabi ng

ating lamay?

Kailangan pa ba nating iburol ang

Mga aksidente sa ating buhay?

Kailangan pa bang ipagluksa ang

Malamig nating mga bangkay?

O baka maaaring,

Limutin na lamang ito na para bang

Hindi tayo kailanman namatay?

 

“Hindi maaari, dahil tayo’y totoong naganap.”

 

Napayuko ako at tumangis,

Hindi,

Hindi ako ang kailangan mo…

 

Ganito pala,

 

Ganito pala ang pakiramdam,

Puno ng init, puno ng alinsangan,

Mahal,

Ganito nga ang hanging aking sasambitin,

Dahil kakaiba ang natirang damdamin,

Kung isang birheng puki ang aking

Kakantutin…

 

...


leigh13diwata's picture

hahaha

pag nabasa ito ni "ehem" eh siguradong mali sa rules according sa poetry ek-ek...

sinta... nilabasan ako sa tula mo, at dahil nilabasan ako eh kelangan ko na sigurong mag-move-on... kagaya ng nais ipahiwatig ng iyong obra.

 LUV IT!

... bata-batuta... malaki ang batuta...

sinta isaac's picture

...leigh

salamat sa pagbabasa.

Masarap magsulat kapag bahagyang basag ang iyong ulirat, napakadaming imahe ang lilipad sa utak mo. Mga insektong imahe na nanaisin mong hulihin at ikulong sa papel.

Masarap mambarang sa pamamagitan ng tula lalo nat alam mong may isang utak ang tatanggap sa iyong pananalakay.

noelbarcelona's picture

Donselya

higit sa impit na ungol,

hingal, daing, at halinghing

ang halaga ng ritwal natin

 

Antanda ng kundut-kundot

balumbalunan ng manok

ilaga mo'y di lumambot

nguyain mo'y lumalagutok...

 

Dinadaig natin ang araw

sa init ng ating mga damdamin

at binabasag natin sa ating marahas-marahang

pagkatok ang pintuan ng nakasarang langit.

 

Salaminin mo sa kaluluwa

ang di maubos na pagnanasang maapoy

na parang hurnong naglalagablab

at kayang sumupok ng kahit ano

maging ng matigas na asero.

 

Sa una'y ang iyong paggibik

dahil sa nawalang muni at bait

subalit sa kalauna'y kakawala rin

sa kadenang nakahalabid sa leeg:

bahagi ng pagkatao at pagpapakatao

ang anghang at tamis ng pagsalakay

ng tinatawag na libido --

ang primordiyal na pandama ng tao

 

At makailang ulit, makailang ulit

na tatamasahin ang pait at tamis

ang asim at pakla ng luto ng langit

kahit na bawal ang bunga'y

pipitasin at kakaining pilit

sapagkat bahagi ng sumpa

ang pagkawarat ng malay

at pansamantalang pagkawala sa bait... 

 

 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

noelbarcelona's picture

sagot

tula rin ang naisagot sa isang tulang nakapagpapawala ng antok. :) salamat sinta sa iyong "sundot."

 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

sinta isaac's picture

...sir

 

kahit kaila'y hindi kayo nabigong palaglagin ang panga ko tuwing nakakabasa ako ng tula mula sa inyo.

 

Gusto ko itong ipagmalaki sa buong mundo, na sinagot ni Noel Barcelona ang tula ko. :)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


Alexander Dagrit's picture

Hi, sinta

 

Sorry talaga.

 

 

===

Magkahalong panambitan-paloob (tradisyonal-postmoderno) ang tinig ng tula mo.

Maganda.

 

 

====

Hindi ako si kritiko. Totoo iyan. Masasabi ko sa iyo iyan nang harapan at kahit ilang ulit.

 

Sorry, sinta.

 

 

 

RJ Santos's picture

Hay naku, Sinta, kanina pa

Hay naku, Sinta, kanina pa ko type nang type dito, at kanina ko pa binubura nang binubura. Hindi ko alam kung pano ko sasabihing "ISA PA PLEASE" sa paraang mararamdaman mo ang nararamdaman ko. Haaaay.

Rom's picture

galeeeng! kung makakagawa

galeeeng! kung makakagawa nga lang ng instant painting, pagpipinta ang isa sa mga magandang isagot dito sa tula mo sinta. hayaan mo minsan ipipinta ko itong tula mo--napakaraming imahe at kulay, pero pawang nagtatago sa dilim kaya kailangan pang aninagin.

 

salamat sa ganitong sulatin... 

 

KarikaTuura

sinta isaac's picture

...

 

kuya rom, 

alam mo kung gaano ko dinadakila ang mga imahe at kulay na nakapaloob sa mga larawang iginuguhit mo at magiging isang katuparan ng pangarap ang magawan mo ng painting ang tula kong ito. :)

 

Rj,

lagi mo na lang akong pinapangiti. 

 

Alex,

...

...

...

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              

 

uwaknivicentebentesingko's picture

... astig. *speechless*

ang ganda. nakakalungkot yung tula. nalungkot ako sa pagbasa ko. pero maganda talaga. :)

 

"Destiny is a matter of choice. This I can say for I have chosen my Destiny."

sinta isaac's picture

...uwak,

 

salamat sa pagbabasa...

 

Sulat lang ng sulat, basa lang ng basa dahil iyon ang unang ginawa ko noong nag-uumpisa pa lang ako sa pagtahak sa mga eskinita ng literatura.

 

 

God bless. 

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/