Isang Dapit-hapon sa Kumakalam na Sikmura
Unti-unti nang kinakain ng dilim ang liwanag. Kagaya nang dati ay maiiwan na lamang muli ang mumunting tanglaw na nagmumula sa sulo na nakatusok sa may bandang tapayan. Sumusuot ang liwanag nito sa siwang-siwang na sawali na siyang nagsisilbing dingding ng dampang kabahayan. Ilang bagyo na rin naman ang muntik-muntikang magpataob dito at mabuti na lamang ay naaagapan.Sinuhayan ito sa pamamagitan nang pagtatali at binigkis na lubid sa tinulos na kahoy sa apat na haligi ng kabahayan. Itinali na rin ito sa dalawang naglalakihang puno ng akasya na siyang pumapagitna rito.
Binabasag ang katahimikan sa panaghoy nang apat na batang paslit na marahil ay sa hindi na maawat-awat pa ang muling pagkalam ng kanilang mga sikmura. Hindi malaman ng ama kung ano ang gagawin sapagkat siya man din ay buong araw na hindi pa kumain. Pinakawalan nito ang malakas na pagtungayaw sa mga anak, magtigil nga kayo at tulungan ninyo akong gumawa ng paraan. Mabilis namang tumalima ang panganay niya na ngayon ay nasa labing tatlong-taong gulangin na si Malok. Hinila niya ang kapatid na si Kaloy upang isama ito sa pagdiskarte sa paghahanap ng makakain. Iniwan nila si Toti upang alagaan ang mas bata pa nilang kapatid na si Marga na dadalawang taong gulangin pa lamang.
Binaybay ni Malok at Kaloy ang tabing sapa sapagkat ito ang pinakamabilis na daan na magdadala sa kanila sa karatig- baryong kinaroroonan ng tindahan ni Aling Perta. Mabilis na paglalakad ang kanilang ginawa. Palukso-lukso sa mga nagharang at mga nabuwal na puno na ngayon ay naghambalang sa kanilang dinaraan. Sa kasukalan ng gabi ay naaaninagan nila ang isang babae na sa usap-usapan ay tagabantay daw sa lugar na iyon. Nakaupo sa kabilang pampang ng sapa. Ngunit hindi tulad nuon na mag-isa ito at umiiyak habang tulalang pinagmamasdan ang tubig sa patay na sapa, ang mga kumakapal nawater lilly at mga palakang naglulundagan duon. Ngayon ay may kasama na ito at may kakaibang aliwalas na ito sa mukha ngunit mababakas pa rin ang pighating dinaramdan nito. Hindi na nila pinansin iyon. Wala silang nasa isip kundi ang utos ng ama. Mas binilisan pa nila ang paglalakad.
May ilang malalaking daga ang nanginginain sa tabing tubigan ang kanilang namataan. Kitang-kita nilang nagniningning ang mga namumulang mga mata nito habang tinatamaan ng liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan at mabilis na tumalilis ang mga ito sa kasukalan ng kagubatan. Natakam ang magkapatid. Disin nga lamang ay mailap na rin ang mga hayop na kagaya nila sa tao dahil madalas ay ginagawang ulam na rin ang mga ito kaya’t dumiretso na lamang sila sa unang plano, ang pangungutang sa tindahan.
Utang na loob naman, umuwi na kayo at sabihin sa tatay n’yo na bayaran muna niya ang mga pagkakautang dito bago kayo mangutang muli, bulyaw ng matandang babae at nagtawanan ang mga kalalakihang tambay sa tindahan. Araw-araw na lang ay walang ginawa ang mga ito kundi mag-iinuman at magitsismisan. Mabilis namang tumalikod ang magkapatid at mabigat ang loob na tinahak nila ang pabalik sa kanilang bahay. Iniisip kung anong klase na naman nang masasakit na mga salita ang sasalubong sa kanila na madalas pa ay may kasama pang hampas ng yantok. Noong una ay lumalatay pa ang sakit nito sa puso nila ngunit pagkaraan nang ilang mga taon pa ay tila namanhid na sila rito. Lalo na nang tumakas daw ang kanilang ina at sumama na raw sa kaibigan nito sabi ng kanilang ama. Sumakay daw ito ng barko patungong Maynila at iniwan na sila.
Nang mamataan nila ang ama nilang nakatayo na sa labas ng kanilang bahay ay inihanda na nila ang kanilang mga sarili. Ano na naman kayang klase ng sakit ang kanilang mararamdaman na siyang maghehele sa pagtulog nila ngayong gabi. Binilisan pa nila ang paglalakad papalapit sa ama at nakayukong lumapit dito na pailing-iling. Pagpapahiwatig nang kabiguan.
Huwag na kayong mag-alala at may pagkain na. Nakahuli ako ng baboy-damo. Halos lumundag ang kanilang puso sa narinig at nagpabilis pa lalo nang pagkalam ng kanilang sikmura. Dali-daling tinungo nila ang hapag kainan. Naroon nga at nakahain na ang adobo na nanonoot ang bango sa ilong nila. Parang napakasarap nang pagkakaluto nito. Napatakam sila at halos tumulo na ang kanilang mga laway sa nakita. Hindi na nila halos matandaan kung kailan pa sila huling nakakain ng ganitong kasarap na pagkain. Limot na nila ang lasa ng karne sapagkat sari-saring mga bungang kahoy at dahon-dahon lamang ang kanilang nakukuha at nakakain dito.
Sige na mga anak kumain na tayo, halika na Toti, pautos ng ama nito habang nilalagyan niya ang mga anak sa kani-kanilang mga plato. Walang usapan at katahimikan ang namayani. Paspasan sila sa pagsubo na halos mabulunan na sila. Napakasarap ng hapunan nila. Napakasarap nang kanilang pagkain habang nagtatawanan at nagbibiruan. Masmasarap pa raw ito sa iihawing mga dagang-tubigan na nadaanan nila kanina. Sana raw ay parating ganito. Nagpakabusog silang tatlo. Busog na busog. Pagkatapos kumain ay dumiretso ang ama nila sa papag na kawayan at nahilata ito. Animo’y pagod na pagod sa pangangaso sa kagubatan.
Duon lang din nila nakitang nananatili pa rin palang nakaupo sa sulok si Toti at tulala. Saka inusisa ni Kaloy kung kumain na raw ba ito. Hindi umimik si Toti at umiling na lamang ito bilang tugon sa kanya.
Toti, asan na si Marga? Kumain na ba siya? pagtatanong naman ni Malok kay Toti. Ngunit wala itong isinagot. Kahit iling ay hindi nitona gawa.
Ang ama na nito ang sumagot sa kanilang katanungan, huwag na ninyong hanapin si Marga at sumama na ito sa inyong ina. Nagkatitigan silang magkakapatid.
Po, sumama na siya kay inay... at mabilis na hinila ni Malok ang dalawang kapatid papalabas ng bahay. Papalayo sa ama.
End.
dyeppri
January 27, 2009
para sa "Sibol sa Aspalto".
Salamat Melay...
Ngayon lang ako ulit nagkabakanteng oras para maipasok ang mga mungkahi mo. Naipasok ko na. Salamat.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
wala un kuya dyep!
maraming salamat din kuya... good luck! aja!!!!
wow! buti ka pa may entry na....
ayan binasa ko na ulit!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Maganda ang opening.. maganda ang pagsasalarawan....
Bilang magbabasa napaisip din ako kung ano ba talaga ang ending... at sa pagkakaunawa ko.. si Marga na iniwan sa bahay ay niluto ng ama para sa isang masarap na hapunan.. kaya sumunod na siya sa kanyang inang namayapa na....
Tama kaya ako?
Maganda ang karakter ni Toti.. dahil nakatulong ito para bigyan ng idea ang mambabasa... pinakita na ang bata ay tulala... maaaring ito ang saksi sa krimeng ginawa ng ama...
jonsd
Tama ka jonds...
May tama ka jonds at ang galing mo na bumasa ngayon....
pero hindi pa rin namamayapa ang ina nila, ikaw kaya ang gawing adobo?! ahihihi
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Binasa ko uli!
At maganda naman... Ito na ba ang pang awards mo? ihihhihihi
Pwedeng pwede na ito sa sibol.... okay ang pagkakasulat...
Marami ka namang kwento... maganda din ang star city...
Lahat naman ok kapag obra mo na ahiihihhihi
jonsdmur
Wala akong masabi sa iyo bro!!
Nice, ito ba ang isesend mo, okay ito, maganda. Mukhang naunahan mo ako sa plot bro, kakainis, babaguhin ko na yung plot kasi halos katulad nito.
Maganda, pang Sibol sa Aspalto talaga!!!
Para kay melay:
Kinain nila si Marga, dala na rin ng gutom at problemang kinaharap ng tatay nila (iniwan kasi siya ng asawa) ay nagawa nyang kainin yung anak nya. May ganitong pangyayari talaga sa totoong buhay.
Bro ikaw mag proof reading sa sanaysay at maikling kwento ko. Bigay mo sa akin email add mo!!!
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Malalim kasi...
Malalim kasi na parang kelangang balikan ang unang mga tagpo.
Tama ka Pards at sinubukan muli ng ama ang kakaibang putahe, inadobong tao. Hindi magagawang iwanan ng ina nila ang mga bata pards dahil mahal niya sila. Naroroon nga siya't nagbabantay pa rin sa kanila kahit naging iisa na sila. Gets mo? Pakibasa ulit. ahihihi
Salamats.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Nakita ko na!!
Naoverlooked ko lang!! Pero sa totoo lang gusto ko kasi yung napapaisip ka, medyo nalito ako ng konti, but overall maganda ang paglalarawan. Navisualize ko ang setting, at kahit konti ang dyalog buhay na buhay ang bawat karakter. May lito factor lang talaga sa babae sa sapa, eh kailangan talagang basahin uli para mas maunawaan ang buong istorya. Pero okay yun, maganda ang istilo.
Ang galing mo pagdating sa maikling kwento, halatang petiks ka lang sa ospital, hahaha!!
Ingat
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
:)
ASAN N SI SPIKEY KAYA???
https://dyeppri.wordpress.com/
"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."
kuya
maganda po ito. maganda ang pagkakakwento at pagsasalarawan.
may isang liliwanagin lang po ako.. (baka kasi mahina lang talaga ang panunaw ko).. yung title kasi DAPIT-HAPON pero pagdating dun sa gubat ay parang biglang malalim na ang gabi dahil sa description mo dun sa mata ng daga na namumula habang tinatamaan ng bilog na bilog na buwan.. yun lang..
maganda ang kwento mo kuya. salamat po! sana marami pa akong mabasang gawa mo =)
salamat sa mga nagkomento...
Kuhang-kuha naman na ang kwento at mababaw lang talaga,,, (Ok melay at kakatayin ko gawa mo pati na rin kay P spikewest. Ingat Jonds, pagaling ka)
Adle: Una ay malabo nga ang titulo nito. Hindi pa ako kontento kaya lang wala ako makuhang sasakto eh. Suhayan ko na lang na kunyari ay december o january ngayon kayat pagsapit ng hapon sa gubat, mga 5 PM ay madilim na. Kita na rin ang bilog na buwan.ahihihi... Kapag may suhestyon ka na sasakto ay papalitan ko ang titulo nito. tnx
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
oks ito
Ugh! may kadiri factor...bagay na nagpapaigtad sa mambabasa oks ito.
nalala ko yung nakasulat sa bibliya na darating ang araw sa tindi ng kahirapan kakainin ng ama ang anak nila. malapit sa reyalidad ito. nung una akala ko papatayin ng ama ang mga anak nila bilang mass suicide oks din ang hindi predictable na ending. Yung babae sa sapa ay isang simbolismo di ba? yung lungkot niya sa patay na sapa at yung mga dagang namumula ang mata sa tingin ko ay simbolismo din.
oks ang pagkakagamit ng simbolismo, sana may konting dagdag ng pag uugnay sa mga simbolismong nadaanan ng magkapatid pauwi na para bang may impending disaster na darating--sort of building up lang ng intense ending...tapos sabay execute ng whooping ending! sakto bagsak ang emotion ng mambabasa hehe...
magandang entry ito dyepp, sa una pinagaan ng kwento ang magandang pagsasalarawan mo sa huli naman piniga ang puso. hindi na rin siguro kinakailangang i-justify ng husto ang ugali ng ama kasi the mere fact na inuutusan niya ang mga anak na mangutang instead na siya ang gumawa ng paraan patunay na na iresponsable sya kaya capable siya na 'katayin' ang bunso nila.
nice job Dyepp!
salamatz po kuya...
mahirap kasi gumawa ng akda na limitado ang salita. Hindi yata nakita na dati ay mag-isa ang babaeng bantay sa sapa at sa huling bahagi ay nagkaroon na siya ng katuwang sa pagbabantay duon. Hindi tuloy ako Hapi dito...Ako ba ang nagkulang?
salamatz po ulit. may napasa ka na ba kuya? baka ikaw ang wala e ikaw ang isasama ko kay marga.ahihihi. masarap ka kayang adobo kuya? tatanong lang po.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
pamilya aswang
hehe..ako adobo? inihaw mas masarap ako hehe...
naisip ko lang bigla pwede rin itong i relate sa filipino myth na aswang. pwede ring sa pondahan na pinuntaha ng magkapatid may usap-usapan na lahing aswang ang mag-aama kaya dun sila sa liblib naninirahan at ayaw sila pautangin ng babae sa tindahan. tapos yung lugar nila sa kaparangan pinamumugaran ng mga engkanto lalo na sa ilog.
umandar lang ang utak ko ha di kasama sa suggestion yun pero kung mapapalawig lang sana ang dami ng words sarap paglaruan e
pwede nga iyon kuya...
minsan talaga ay maganda ring kulang at bitin kasi nasababasa na ang bahalang magpalawak nito tutal kanya-kanya namang imahinasyon iyan eh.
Sakto ang sinabi mo na pansuhay yung mga nadaanan ng magkapatid kuya Rom...Kung titingnan mo ay iyon din ang tagpo sa bahay nila, inulit lang ang istorya. Nanginginain ang daga sa tabing sapa. Ano kaya kinakain nila? baka adobo ding daga.
salamatz po. Antok na ako. 3 am na dito. Nyt
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
nabaon na ito ah,,,,
asan na kaya ang compilation natin kuya rom???sana maibalik ang planong iyon, kung pangtustos lamang naman ang problema ay magagawan siguro iyon ng paraan? asan kaya si spikeywest?nag message ako s fb pero deadma lang siya.waheheheheh
https://dyeppri.wordpress.com/
"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."
Unang-una napansin ko agad
Unang-una napansin ko agad ang title nito. Kakaiba. Isang Dapit-hapon sa Kumakalam na Sikmura. Madrama ang dating dahil sa dapithapon. Gumuhit kaagad ang katahimikan at nag-contrast ang kasunod na mga katagang ''kumakalam na sikmura''. Nakakaengganyong basahin. Pero matapos kung basahin ang buong kuwento mukhang di akma ang napakahabang titulo. Mas okay kahit isang salita lang ngunit malakas ang impact at kayang pukawin ang readers. Parang cliche ang dapithapon.
Maganda ang pagkakalarawan sa setting ng kuwento. Ngunit nagkulang at di nai-focus sa mga characters. Okay yung pag-detalye sa edad. Sana binigyang pansin din kung ano na ang kanilang kalagayan, ang kanilang pangangatawan, ang kanilang kalusugan sa dinadanas na kahirapan. Hindi sapat na banggitin na nagugutom lang.
Napansin ko rin:
1. buong araw na hindi pa kumain- hindi pa naman siguro ganon kalala. Pwede pang itawid sa pamamagitan ng tubig.
2. ang isang babae na sa usap-usapan ay tagabantay daw sa lugar na iyon- biglang pumasok ito sa eksena at tila may malaking bahagi sa kuwento. Inakala kong may follow-up pa na pahiwatig pero wala naman.
3. nagniningning ang mga namumulang mga mata- di naman nakakatakot ang nagniningning at di bagay sa namumula lalo na sa mata ng daga.
4. liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan-di ako sure pero dapithapon pa lang.
5. kaya’t dumiretso na lamang sila sa unang plano, ang pangungutang sa tindahan.- ito parang inulit lang na banggitin o ni-reiterate lang kahit alam na ng reader.
6. Araw-araw na lang ay walang ginawa ang mga ito kundi mag-iinuman at magitsismisan.- i-rephrase mo to kasi inunahan mo na kami.
7. hampas ng yantok na kahoy- rattan ang yantok di ba. pwede nang hampas ng yantok.
8. Lalo na nang tumakas daw ang kanilang ina at sumama na raw sa kaibigan nito sabi ng kanilang ama. - dapat in-emphasize mo to kasi isa to sa malaking factor ng kuwento mo. ano ang dahilan?
9. klase ng sakit kanilang mararamdaman na siyang maghehele sa pagtulog- never maghehele ang sakit.
10. Halos lumundag ang kanilang puso- di bagay sa horror scene.
11. nanonoot ang bango sa ilong nila- bango o amoy?
12. halos tumulo na ang laway sa nakita- di bagay sa eksena
13. Limot na nila ang lasa ng karne sapagkat sari-saring mga bungang kahoy at dahon-dahon lamang ang kanilang nakukuha at nakakain dito. - dito nakakakain pa pala sila para tuloy gusto lang nilang karne para maiba ang ulam. parang di na tuloy sila nagsa-suffer ng gutom.
14. Napakasarap nang kanilang pagkain habang nagtatawanan at nagbibiruan. - di bagay sa eksena.
15. Kahit iling ay hindi nito ginawa. - sabihin na lang tulala para mas klaro.
16. huwag na ninyong hanapin si Marga at sumama na ito sa inyong ina. - lumihis sa naunang pangyayari dahil nakipagtanan ang nanay nila. rephrase mo to. kahit sabihin na lang 'huwag na ninyong hanapin ang kapatid niyo. ang mahalaga di na kumakalam ang sikmura nyo."
Napanood ko yung ''Hannibal Rising'' naging hostage sina Hannibal at kanyang kapatid. At doon nung time na trap ang mga bandido sa isang bahay at malakas ang snow, wala silang pagkain at nakaranas ng matinding gutom. Kinatay at niluto nila ang bunsong kapatid ni Hannibal.
Marami tayong nababasa na noong unang panahon at kahit ngayon lalo na sa mga liblib na lugar at malayo sa kabihasnan ay practice ng ibang tribu na pumatay at kumain ng laman ng kapwa tao. Iyong iba tinatawag na cannibalism. Hindi man katanggap-tanggap pero ito ay para sa kanilang paniniwala at ritwal.
Ang pumatay para mabuhay. Tragic at kadiri man ang ending but the story has one thing certain revealed and that is what we call survival.
MAGANDA ANG KUWENTO MO...
May ilang mga parte lang na mas napa-diretso pa sana ang pagkakalahad. pero, halos nasabi na lahat ni Jack yung mga kapansin-pansin. Sa opinyon ko naman, maganda ang tuntungan o kabuuang ideya ng kuwentong isinulat mo. Malinaw ang imahismo at yung mga dagang nakita ng mga bata ay parang naging salamin na rin ng di nila pagkain, pati yung magiging pagkain nila kay Marga. Para rin sa akin ay kumpleto at buo na ang kuwentong ito. Ayos na ang katapusan. pero mas maganda sana kung hindi na nga lang talaga isiningit yung sinabi ng tatay na sumama na si Marga sa nanay nila.
Mas malakas kasi ang dating ng katapusan kung parang sinabi na lang ng tatay na wag ng hanapin si Marga, tapos, maiintindihan nung dalawang bata kung anong nangyari sa bunso nila batay sa reaksyon na ipinakikita ni Toti. Bale, magiging mas malinaw kung bakit pagsagot ng tatay nila na huwag ng hanapin si Marga at base sa mukha ni Toti kaya hinila ni Malok yung dalawa niyang kapatid palayo sa ama nila.
yun lang po. salamat sa pagbahagi. :)
E.M.
ganda, pareng dyeppri...
me ilang tanong lang ako.
1. panaghoy ng apat na paslit... sinu-sino sila? si Manga, si Toti, sino pa? si malok 13 na, hindi na paslit. si Kaloy, malamang mga 9 o 10. so sino yung mga paslit?
2. kung dapithapon, bakit me sulo na sa bandang tapayan? so madilim na sa loob ng bahay. pero kung wala na silang makain paano sila nakabili ng gaas o diesel na gatong ng sulo?
3. sa tingin ko ang mata ng daga ay laging itim kahit tamaan ng liwanag ng flashlight, hindi namumula tulad ng sa kalabaw o baboy. di ko sure pero wala yatang tapetum ang mata ng daga na nagbabalik (reflect) ng liwanag.
4. ano ang simbolo ng babaeng nagbabantay ng ilat? at bakit masaya na siya at me kasama na rin ngayon?
5. kung katahimikan at walang usapan habang kumakain sila, paano nagkaroon ng biruan at tawanan?
meron pang ibang mga bagay pero sa mga iyan lang ako nagtaka. ang ganda ng konsepto, dre. bilib ako sa iyo mag-isip ng kwento.
congrats. manunulat ka talaga...











eto ung entry mo???
kuya, nagcomment ako...send ko sa email mo...galing sa isa ko pang email ung lanaya_writer....hope na makatulong iyon sau. pero kung makakagulo lang, deadmahin mo na lang...
send ko rin po yung edited ng "Dear pare kong tunay" pa-okray naman po ha... thanks...
napaisip ako sa kwento... ewan ko kung masyado lang akong pagod sa pag-aalaga ng parents kong sabay na may sakit ngayon o baluktot lang talaga ang level of understanding ko...
2 ung naisip ko eh. 1. ipinagbili si Marga. pero hinde eh, walang element un! 2. Si Marga ung kinain nila??? therefore, pinatay ni ama ung asawa niya?
pero kuya okay 'to..
pa-check na lang ng email mo...
ingatski,
melay