isang dipang langit
sino po ang mayroong kopya? pwede humingi?
salamat po muwah! muwah!
ate pauline,
gud am po.
wow!! salamat po!!!!
may sentimentality and nostalgia ang tulang ito sa aming magkakapatid. nawala kasi ang libro namin tungkol kay amado hernandez eh. salamat po
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
any relation?
musta na?
kuya rom
oo nga noh, ask ko ate pauline.
nga pala, naluluha ako sa 'sa iyong pamamaalam', wala akong makitang salita...
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Ganda po nito...
Galing po ng kwento at puno ng emosyon at damdamin. Sinulat po 'ata niya ito sa New Bilibid Prison noong 1951 sa kasong rebelyon at pagpatay na 'di kalaunan ay napawalang sala siya. Salamat po at gusto ko rin po ito tsaka mga iba pa niyang gawa tulad ng Luha ng Buwaya at Mga Ibong Mandaragit.
amado!!!! haligi ng tulang may saysay...
tama ka baby star nasa kulungan siya nito...
highschool ko siya nakilala, at simula noon nahumaling na ako sa kanyang mga akda.. at itong tulang ito ang palagian kong binibigkas sa mga progama namin. at kasama rin ang kapatid ko bumigkas. damang dama ko ang emosyon ni amado rito....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
kung di ako nagkakamali, si
kung di ako nagkakamali, si amado hernandez ba yung madaming naisulat na kwento at tula sa public school textbooks? di ko kase matandaan, kase hilig ko magbasa ng textbooks pero di ko natatandaan mga writers. at itong isang dipang langit ay nailathala ba sa textbooks noon? salamat, gusto ko rin tong tula no to eh..
Si Ka Amado at ang kanyang asawa
mas vivid ang memory ko sa asawa ni Ka Amado na si Bb. Atang dela Rama, bilang kauna-unahang aktres ng Philippine Cinema, at isang tunay na alagad ng sining. Si Ka Amado naman ang nagsilbing inspirasyon ng mga makabayang tunay na nakikibaka sa kapakanan ng nakararami, ilang beses siyang nakulong at nakipag laban hanggang kamatayan.

si atang dela rama
si atang dela rama, bilib na bilib ako sa kanya bilang aktress. tama ba ako kuya rom, bodabil pa ang tawag noon sa venue ng pag-aarte? pero sikat na syang gumagawa ng pelikula noon... nakakatawa ang mga naaalala kong eksena pag nabanggit ang atang dela rama...
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
yup tama ka bodabil pa noon.
yup tama ka bodabil pa noon. si atang ang tunay na 'tondo girl' laking tondo kasi yan tapos siya din ang nagpursige na mamayagpag ang kundiman noong panahong sinakop tayo ng amerikano at hapon. lagi siyang nagpag kukwentuhan namin ng namayapang Ishmael Bernal nung nasa teatro pa ako. buhay pa si Bernal at Brocka noon.
alala ko pa nagkaroon kami ng GABI NG MGA MAKABAYANG TULA si Ishmael Bernal ang nag direk at mga tula ni Ka Amado ang mga pangunahing pyesa na tinula namin--isa sa mga highlight ng buhay ko...
salamat kuya rom! wow ang
salamat kuya rom!
wow ang swere mo naman, nakatrabaho mo ang mga hinahangaan kong alagad ng sining pelikula Bernal at Brocka....
sa library namin sa baguio dati, ang pinupunthan ko filipiniana section. at lagi kong nababasa sila amado, at iba pang alagad ng sining. bilib talaga ako sa kanilang hangarin. sana may bagong sibol na amado sa henerasyong ito.
(frustrated film director eh kasi ako)
nga pala, sana magawa mo iyong video re: manila.. God Bless
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa
matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
maybe this month
schedule ko pa kung kelan ako maka shoot ng video sa manila pero definitely this month yun.
thanks for viewing the Manila video
in the meantime you can also view my Indian experience video here in case you haven't seen it yet.
http://www.blah-blahblogs.com/2008/05/my-indian-experience.html
or this one http://current.com/items/88961741_my_indian_experience
just want to share with you guys my quite 'unpleasant' experience caught on video in India.
Thanks
dai, sa fourth year textbook
dai,
sa fourth year textbook nakalimbag iyong isang dipang langit. at halos marami nga syang tulang nakalagay sa textbook. kasama niya sina alejandro, si idelfonso santos at lope k. santos, marami pa eh. nakalimutan ko na ang iba...
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
oh, okay. natandaan ko na.
oh, okay. natandaan ko na. pati yung idelfonso guy. hehe.. salamat! tunay na napakadakila ng mga manunulat nuon. salamat at may mga taong tulad mo na patuloy na nakakaalala sa kanila. mabuhay ka talulot! ^^
mabuhay tayong lahat na
mabuhay tayong lahat na hindi nakakalimot sa literaturang pinoy!
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
an armstretch of sky
There's a 2003 publication of Hernandez' work, translated--Bullets and Roses: The Poetry of Amado V. Hernandez, a Bilingual Edition. This is by Dr. Cirilo F. Bautista (et. al.)
here are some lines: [Isang dipang Langit]
From the narrow window all I can see
Is an armstretch of sky full of tears,
a meager cover to a wounded heart,
a ghastly emblem of my falls and fears.
thanks for sharing it dtn..
thanks for sharing it dtn.. i will surely look for that book.
welcome to my blog. i must commend your writings. i like it. God bless.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."






isang dipang langit
Isang dipang langit ni Amado V. Hernandez
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahi’t buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’y walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kalakaladkad ng paang madugo,
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat—may takas!—at asod ng punlo;
kung minsan’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang muog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdigko ngayon—
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batitis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!