Isang Gabi ng Pagpaparaya

dyeppri's picture
| |

Hindi sasapat  ang liwanag na nagmumula sa nag-aalab na damdamin patungong lagusan na  nais niyang tahakin. Patungo sa bangin ng karimlan.Kung may iba pa sana siyang alam na daan tungo sa pangakong kaligayahan ay baka iyon ang kanyang sinubukang gawing daanan.                        

                    

 

Tinakda na ang lahat ng mga sandaling iyon sa kanya. Tinalo ng takot ang pangamba ng kawalan. Nais man niyang kumawala ay tila wala na rin siyang maaatrasan. Wala ng paraan upang bumalik sa paghakbang. Wala na sa kanya ang susi pabalik sa mundo ng liwanag at tamang daan. Pinilit na lamang niyang lunukin at tanggapin kung ano’t anuman ang kahihinatnan sa kanyang napagdesisyunan. Ninanamnam ang bawat segundong natitira sa kanya na isa siyang malinis at malaya. Katulad ng isang paslit na walang alam sa kabalintunaan ng buhay.

Matigas pa siya sa adobeng binilad sa arawan habang pilit iginugupo nang mga halakhak na nagmumula sa dumadagan sa kanya. Isa-isang bumabagsak ang mga pira-pirasong pagkatao niya habang binabayo ng lalaki. Pilit nitong binubuksan ang masikip na lagusan sa kalooban. Walang salitang nais kumawala sa kanyang bibig,Ang mga salita ay tila naging yelo na kay lamig  at bumabara sa kanyang lalamunan. Hikbi lamang ang naging tugon sa naghuhumiyaw na damdamin. Kung maririnig lamang sana ng  lalaki ito ay baka ikinabingi niya ito. Kung ang talim sa kanyang puso ay pwede lamang sanang ibaon dito ay hinding-hindi  siya magda-dalawang salita pa. Hindi dahil kailangan niyang magparaya, ang katotohanang dahil sa  may kailangan pa siya rito, kahit ngayon lang.

Tila gutom na gutom ang lalaki at nagmamadaling magpakabusog sa kasariwaan niya. Kay tagal nga namang hinintay na mahinog ang bubot sa sanga ng puno. Ang mga kamay nito na marahan man na dumdampi sa mga dibdib niya ay tila ‘sing talim ng kutsilyo na humihiwa sa buong pagkatao niya. Isa-isang pinag-pirapiraso ang ala-ala nang kanyang nakaraan at tila nahuhulog na bubog.Nahuhulog at nababasag sa katigasan ng sahig.

Kirot at hapdi ang patuloy na humihiwa sa kanyang pagkababae. Nagpapagulo sa maamo niyang mukha at kitang-kita niya sa mata ng tagahiwa ang ibayong kaligayahan sa ginagawa nito. Hindi maitago ang ngite at ang umaapaw na kaligayahan. Taliwas sa kanya. Ngunit mas mahapdi ang dalang kirot nito patungo sa kaibuturan ng kanyang puso’t damdamin. Tila maitim na ulap na tumakip sa hubad niyang katauhan.

At isa-isang bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nakaraan na sumasabay sa mga agit-it ng kama tulad ng kanyang kamusmusan. Lumaki siyang salat sa mga materyales na hindi naman lubusang kailangan ng karaniwang tao. Payak kung baga ngunit sapat na sa kanya iyon basta’t kasama niya ang kanyang ama’t ina. Nakapag-aaral naman siya sa pribadong paaralan, hindi siya pahuhuli sa akademya kaya’t halos lahat ng kalalakihan sa paaralang iyon ay ang matamis niyang ngite ang pinapangarap. Iba ang angkin niyang kagandahan, makalaglag salwal nga daw sabi ng mga nag-iinuman sa kanto sa tuwing siya’y madadaan.  Hindi nga lamang siya mabastos ng mga ito dahil tanto nila  na lalabing anim na taon-gulang pa lamang siya at wala pang-alam sa kahalayan ng buhay.

Nagsimula ang dagok sa kanyang buhay nang masawi ang kanyang ama sa isang aksidente nang mahulog sa ginagawang gusali. Hirap ang kanyang ina sa pang-araw-araw na pangangailangan nila. Paglalabada, paglilinis sa bahay-bahay at pagtitinda ng kahit ano, Pinasok ito ni Aling Marta. Kakayanin daw niya na itaguyod ang pag-aaral ng anak. Marahil ay kinakaya ng isipan ngunit hindi ng katawang-lupa nito. Nanghina at naratay din sa banig ng karamdaman ang ina. Wala na sa kanilang tutulong kundi ang kanilang mga sarili lamang.  Tumigil siya sa pag-aaral. Namasukang waitress sa club. Marami ang humusga sa kanya, nagsawa na nga siyang ipagtanggol ang sarili na hindi siya ganoong babae. Hindi siya kaladkarin. Hindi siya puta.

Duon nagsimula ang napakaraming alok sa kanya, mga alok ng demonyo. Nais nilang bilin ang kanyang dangal at puri, ang kanyang pagkababae. Ibat-ibang presyo, pataasan.

Ilang beses siyang tumanggi ngunit tao lamang naman siya, tao  na nangangailangan ng mga materyales na bagay upang patuloy na umikot ang mundo. Hindi siya nakatanggi sa alok ni Congressman, isang gabi lamang daw sa piling niya kapalit ng pagginhawa ng buhay nilang mag-ina. Sino pa nga ba ang hindi makatatanggi duon? Nagugutom din naman siya at nangangailangan ng gamot ang kanyang ina. Pumikit na lamang siya habang binibigkas ang salitang payag na ako Sir.  

Napakagandang lugar ang pinagdalan sa kanya ni Congressman. Mala-paraisong lugar sa isang putik na tulad niya. Para siyang mantsa sa puting damit ang kanyang nadaramdaman. Ngunit wala sa kanya iyon at ang nais lamang niya ay ang maibigay sa kanya ang gusto nito at kapag daka ay umalis na rin dala ang kapalit na pangako nito. Isang kapirasong papel. Isang kapirasong papel na naglalaman ng kasunduang buwanang sustento nito sa kanilang mag-ina.

Mataas na ang haring araw ng mamalayan niyang mag-isa na siya sa kama. Masakit man ang kanyang balakang ay balewala ito na pinulot sa sahig ang halos nagutay-gutay na damit nito sa sahig. Mabuti pa ang damit at nasusulsihan kapag napunit, ang naisip niya habang isa-isang sinusuot ito. Hindi naman na siguro kailangang ganap na itago pa ang nakita na ng iba. 

Nagmamadali siyang tumakbo papalabas ng Mansyon at tinungo ang naghihintay na sasakyang maghahatid sa kanya sa bago nitong buhay. Pinilit niyang ngumite at namnamin ang isang pag-asa na muli siyang mahuhugasan at lilinis kahit papano kapag natapos na niya ang pag-aaral. Walang makakaalam sa nangyari kagabi. Wala dapat. Wala. 

Inay asan na kayo, sambit niya pagbukas ng pinto. Isang mala donyang babae ang bumulaga sa kanyang harapan. Kulay ginto ang buhok nito at kumikinang ang kasuotan. Mababanaag ang kasosyalan sa pagkatao nito. Sino ka? tanong niya.

Ako lamang naman ang parating  tagalinis sa kalat ng asawa ko. Ilang beses ko na ba itong ginawa, lima o pito o sampu ngunit wala pa rin  talagang kadala-dala ang mga katulad ninyo.Hindi ako magsasawa sa ganitong mga eksena. Ang basura kailanman ay mananatiling basura kaya’t nararapat lamang sunugin upang hindi umalingasaw ang masangsang na amoy. Sige, Mando sunugin ninyo  ang basura kasama ng kanyang ina at ng hindi magdulot ng kabahuan sa mundo. Kayo na ang bahala sa kanya. Gawing malinis ang lahat. 

Natagpuan niya ang sarili sa tabing dalampasigan. Ang mga hampas ng alon sa kanyang paanan at ang kakaibang bigat na muling dumadagan sa kanya ang nagpagising sa kanya mula sa pagkawala ng malay galing sa suntok sa sikmurang inabot kanina. Muling niyurakan ang kanyang puri at pinagpasapasahan ng hindi mabilang na ulit ngunit wala na ang hapdi at kirot, ‘di tulad nang nagdaang gabi. Alam niya na ito na ang huling pait na mararanasan niya. Marahil ito ang tugon sa hiling niya. Ito ang kalutasan sa mga pasakit niya, ang katapusan ng lahat ng problema nilang ma-ina.

Bilisan n’yo naman..... Bilisan ninyo.  

 Bang...

at dahandahang pumikit ang mga mata niya patungong kawalan. Dahan-dahang tinangay ng alon ang kanyang katawan patungo sa pusod ng karagatan. Ang katawang minsa’y pinagnasahan ng kalalakihan at ngayo’y tila mga lamang dagat na lamang ang makikinabang. Lamang dagat na rin ang huhusga kung ano ang lasa ng nangitim na dugo na binabalutan ng dating napaka puting pagkatao at kaluluwa. Siya lang ang makakaalam at Siya ang huhusga. Siya lamang ang makapagsasabi. Siya lamang. 

end.

Dyeppri1975@yahoo.com  ay isang OFW sa Dubai. Isang Pisikal Terapist na nagpupursige sa pagsusulat ng mga samutsaring mga kwento bilang  pagkikibahagi sa Makabagong Literaturang Pinoy. Laughing

dyeppri

dyeppri


kafka2501's picture

isang napaka simpleng

isang napaka simpleng istorya na nagawan mong matalinhaga ang kuwento. Nice!  

 

http://www.individualkitsch.wordpress.com

dyeppri's picture

salamat Kaf...

sangkap kasi  iyan ng kwento. ibig sabihin na ang buhay natin ay simple ngunit matalinghaga, mahirap ngunit may kadalian din--->isipin lang kung papano ito gagaan. Minsan nga kakain ka na lang ng spaghetti ay 'di mo pa alam kung kutsara o tinidor ang gagamitin mo, parang ganyan.  Tnx 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Nagustuhan ko ang mga

Nagustuhan ko ang mga salitang ginamit mo... Okay naman ang kwento at masaklap ang nangyari sa bida. Ang kwentong ito ay nagpapakita ng pagsuko sa buhay.. kung hindi ako nagkakamali nagpakamatay ang babae dahil sa lahat ng pagsubok niya sa buhay. Makikita rina ng kahinaan ng isang babae sa kwento...

Keep posting! Kailan ang uwi.... Para makuha ko na pasalubong ihihhihihihi

jonsdmur  

dyeppri's picture

Hi Jonds,salamat sa pagbasa...

ikaw na lang ata ang matsagang bumabasa dito ah! tnx

sagot: 'di siya nagpakamatay-->pakibasa ulit.heheheCool 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Adlesirc's picture

of course not!

cyempre nagbabasa rin ako =)

kanina ko pa umaga nabasa..nagiisip ako ng tamang words na makakapagdescribe ng reaction ko sa sinulat mo. magaling ka dyep, ramdam yung pait at sakit ng bida kasi maayos yung choice of words mo.  tragic.. grabe. parang ganito yung mga story na tumatatak sa isip ng tao. kahit hindi happy ending, maganda pa rin. kaya lang sumisigaw sa utak ko ang "NASAN ANG KATARUNGAN?". another proof that the world is'nt fair.

 

jon.. hindi sya nagpakamatay.. pinatay siya =)

 

keep on writing dyep!

 

jonsdmur's picture

Hello Anne! uo nga no?

Hello Anne! uo nga no? humina na kasi memory ko hihihihi... napakasaklap nang nangyari sa babae.. tama ka... parang walang katarungan..

Tama ka maganda ang kwento kahit hindi happy ending...

jons

Adlesirc's picture

jonathan..

uu.. kasi hindi naman dapat laging happy ending ang lahat ng kwento. parang buhay ng tao, hindi lahat masaya.. pero lahat may aral. yun nga lang, mas maraming mambabasa at manonood ang nag-aasam ng happy ending.. umaasang kahit papaanoy makangiti kahit sandali sa kabila ng hirap ng buhay. =)

dyeppri's picture

:)

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

dyeppri's picture

Hi Criselda

Oo naman may nagbabasa pa rin ngunit kakaunti (tila) ang nakakaramdam...  Ganyan lang nmn pero sulat pa rin dahil d'yan tayo sumasaya.

Panoorin mo yung "pagdadalaga ni Maximo Olveros". Parang ganito yun. Ang ganda dahil payak ang istorya, pinapakita kahit walang dayalogo ang buhay (pamumuhay at galaw ng tao) sa atin.Wala ring hustisya pero mabigat ang aral nito. Kay daming mapupulot na aral. Hinde kabaklaan ang tema nito ha, na akala ng iba. Isang metaphor lang iyon. tnx

 

 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Napanood ko ang movie na

Napanood ko ang movie na yan.. yong pagdadalaga ni Maximo... tama ka magandang movie nga... may aral na makukuha hiihhihihi

jons

Adlesirc's picture

si Maximo

oo, napanood ko yun. simple lang ang istorya pero maganda. may aral at hindi kabaklaan ang movie na yon. hanga nga ako sa mga kuya nya (ni maxi) kasi sobrang tanggap ang pagkatao nya. may malasakit sa kapwa si maxi sa murang edad nya.

siguro maraming magdi-disagree kung sasabihin kong maganda rin yung brokeback mountain. =) kasi hindi kabaklaan yung tema nun para sakin kundi isang klase ng totoong pagmamahalan =). mahirap intindihin yun, na dalawang lalaki ay totoong magmamahalan pero para sakin posible yun. hay...

im waiting for more of your stories dyep and please dont call me on that name again =)

jonsdmur's picture

Masyado kasing matalinhaga,

Masyado kasing matalinhaga, ihhihihihi  Siguro pinatay na? Nasa huling talata kasi... may bang! At tinangay ng alon... kung mali pa rin... humina na yata utak ko at hirap ako umintindi ngayon...

keep on posting!

jons 

 

fhearl08's picture

Kalungkot naman...

Kalungkot naman ng mga nangyari sa buhay niya, kung kailan niya e-give up lahat, pati ang sarili niya sa akala niyang iyon ang makakatulong sa kanilang mag-ina pero hindi pala. Ang hirap talagang magtiwala... sana, nagtiwala na lang siya sa sarili niyang kakayahan, di ba “Hard work is worthless for those that don’t believe in themselves?" 

Kulang lang siya sa pagtitiwala sa Diyos, magsisi man siya ay huli na ang lahat, wala na ang pinakamamahal niyang ina na pinaglalaanan niya ng lahat ng pagsisikap. Kung masuwerting makaligtas pa siya sa pagtapon sa kanya  karagatan, for sure mas malungkot pa siya sa LONELY...CryCryFrown

Kaya guys, kahit anong hirap ang pagdaraanan always think positive at lagi mong sasabihin sa sarili mo, "Kaya Ko 'To! [Tira-Tira]" heheh!

Thanks sa  Story mo Dyepp, sana marami silang matutunan...

Bye2!

Just keep on posting kahit minsan bz...

Ingatzkie lagi sir...

RJ Santos's picture

nasabi na nila...

gusto ko din mag-comment... kaso nasabi na nila yung mga gusto ko sabihin. sa kin lang, sana kahit na baon na tayo, pilitin pa rin na sa marangal na paraan umangat. pero naiintindihan ko 'yung babae. nakakaawa. ang nangyari pa, hindi lang pagkababae niya ang pinagsamantalahan, pati pagkatao niya, buhay niya. hay, ang mundo nga naman.

rj

~~~~~
http://authorshaunt.com

dyeppri's picture

salamat sa inyo...

salamat sa inyo fhearl at Rj...tuloy-tuloy lang sa pagsusulat ng mga kwento.

huy, jonds papauwi na 'ko sa nov 23. hhehehe.baka makadaan me s laguna kpg umuwi ako s amin (kung 'di magmamadali). salamat sa inyo...Cool

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

uy kuya

kuya maganda ito. pwede ko pa itong gawing halimbawa sa mga h.s students dito? hingi ako permission na iprint ito. pero syemps ikaw ang nagsulat. makita lang nila mga magagandang maikling istorya?

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

dyeppri's picture

okiy lang talulot...

salamat po. 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

dyeppri's picture

Ayusin muli...

                                                                                                                  libog at pagkauhaw------------->

Ayusin muli ang ating mga gawa at baka pwedeng maisama sa binubuong complilation sa"sibol sa aspalto"..... Laughing konting sipag lang.hehehe

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Pmel's picture

Great!

Hay ... sure wish I've an editor ... Good Luck Dyeppri and other people! You have my full spiritual support! ^____^

dyeppri's picture

:)

thanks pmel... 

 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Aba!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Talagang pinaghahandaan ah! Good luck! MUkhang nag-phophotoshop ka na ah.....

Buti ka pa may entry ulit!

jons

dyeppri's picture

Hindi kita matyempuhan...

                                                                                  libog at pagkauhaw----->

Hindi kita matyempuhan sa Ym mo Jonds. Papaturo ako papano pagsasakupin yung dalawang tao sa dalawang picture tapos ipapasok sa iisang background. "Yung parang ginunting. Paturo naman oh! Di pa ako magaling sa Photoshop. Gamit ko lamang ay ang ACDsee. Isa pa pala nagiiba ang file kapag naglagay ako ng Text- hindi na sa Jpeg sa PhotoShop. Hindi na maupload sa site na FW. Bakit?tnx (sa iba patulong na din po?) 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Yup... Madali lang yon....

 

 I-select mo lang ang object then copy paste sa new background... At dapat di pasmado ang kamay hihihihihi... Sige kapag naka online ako... Busy pa kasi me ngayon.. marami kasi akong activities.. editing... lay-outing.. then audition ko pa sa PBB hihihihihi.... kapag nag-save ka.. dapat naka jpeg format na.. minsan kasi nagiging psd format....

Sige pag nagka time tayo.. at magtagpo sa ym hihihihih...

Godbless! Goodluck sa entry mo.... isusulat ko pa lang ang next entry ko...

jons 

 

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

dyeppri's picture

anak ng putsa...

                                                          libog at pagkauhaw------->

Ayaw talaga pre. Halimbawa ako sa background ng (son of a) beach. Kukunin ko lang ay ang pics ko (parang gugupitin) tapos ililipat ko sa ibang background as in sa New York. Papano yun Jonds? 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

sige try ko mag online.....

dyeppri's picture

ayos at konting praktis na lang!

salamat pre.... malapit ko na maperpekto ang pagbabagong anyo ko. salamat kay jondsmur, salamat sa photoshop.ahihihi 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

at sa tulong ng mahiwagang photoshop

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Maililipat mo na ang pic mo sa facebook at ilalagay sa tabing dagat... yong pic mo na sabi nila eh para kang natatae hihihihihi joke.....

Ingatszki....

jons

jealousy29's picture

ala na akong masabi

galing mo kuya dyeppri.....

kawawa ung bida.... ang gusto lang naman nia ang maging maginhawa ang buhay nilang mag ina.... pero anong nangyari lalo lang silang nagdusa.... dahil sa maling paraan ang nakita niyang akala niya ay magiging sulosyon sa mga problema nilang mag - ina 

bakit kaya may mga taong mapagsamantala??? sinasamantala ang kahinaan ng kapwa niya.... tsk tsk tsk 

 

 

ngat............Smile

 

dyeppri's picture

Salamat po!

Hanggang may nagpapasamantala ay may magsasamantala....kaya dapat tayo ay matutong lumaban at tumayo sa sariling mga paa. Thanks.Smile

                           http://dyeppri.wordpress.com /

                       

jealousy29's picture

welcome po!

hay tama po kayo....

pero hindi po sa lahat ng pagkakataon ay kaya nating mag isa... simpre po kailangan din nating humingi ng tulong sa mga tunay na nagmamahal sa atin... ung wala  silang  hinihintay na kapalit.... sa bawat tulong na kanilang gagawin  para sa atin....

makakaya lang po natin na lumaban at tumayo sa sarili nating mga paa kung alam natin na may kakampi tayo... para pag hindi na natin kaya andyan sila para tumulong....

 

opinyon ko lang po!

 

 

 

ngat.....Smile