Isang kahinaan nakulong sa salamin(by cassandra)
Tinitigan kita
habang nagtatakang nakikita kong
umiiyak, tiningnan kita sa iyong
mga mata hindi ka pa rin tumatahan
umiiyak ka pa rin
sa mga bagay-bagay na
alam mong hindi naman
kailangan bigyang pansin
sinusugal mo ang iyong mga
luha para sa mga bagay
na walang pakialam sayo
pinilit kong ngumiti
habang nakatitig sayo
pero nagtaka ako
ng makita pa rin kitang umiiyak
patuloy na tumutulo ang iyong mga luha
mula sa maamo mong mga
mata.
at patuloy din ako
nagtataka kung bakit andito ka pa
hindi ka pa rin nagbabago
nananahan ka pa rin
sa aking pagkatao
ikaw pa rin ang mahinang kilala
ko magmula noon pa man,
akala ko nawala kana
akala ko natakasan na kita
akala ko malayo na ang natakbo
ko palayo sayo
pero hindi pala
itinago lang pala kita sa aking kamalayan
sa sulok ikaw ay pilit
pinatahimik,
nagbalik ako sa iyong tabi
habang binubulag ang
aking kamalayan na ikaw ay
hindi na muling mailalabas pa
ngunit nagkamali pala ako
nadatnan ko na lang
aking katawang lupa na
na nakaharap sayo,
sa pamamagitan ng salamin
nakita kitang malungkot
at umiiyak
tulad pa rin dati
mahina ka pa rin
tahan na
kaya mo yan,pero
kahit mahirap akin pa rin pipilitin
kaya kumuha ako
ng patalim at
isinaksak sa akin repleksyon,
at pagdesisyunan na
kailangan ko na ikaw
ay basagin
kasabay ng pag wasak
ko sa aking repleksyon
katuwang nito ang matibay na
paniniwala ko na
dito sa mundong kinaiibawan natin
tanging reyalidad lamang
ang matitira
at ito ay isa sa
mga katotohan
kaya pinili kong patayin ka
na akin sariling kahinaan
para sa buhay na
aking
pinaglalaban
patawad pero ito ay
kinakailangan
| Attachment | Size |
|---|---|
| editIMG_3140.jpg | 162.13 KB |
yan yun about sa isa
yan yun about sa isa nyang ugali na laging umiiyak
sa kaiiyak nya napapabayaan na nya sarili nya,
na gusto lumaban
salamat po sa pagbasa
thanks po sa comment
read nyo din po yung iba kung sinulat a
thanks
sa bawat sinusulat ko ay ang bawat letra ng Buhay ko
ganun ba?
pwede siguro hindi mo na lang patayin iyung umiiyak na part mo kasi ang dating sa akin nung tula, galit ka dun sa iyakin na part mo at gusto mo siyang mawala. Pwede namang tulungan mo na lang siyang tumayo at lumaban kasi bahagi din naman siya ng ikaw.
sa akin lang naman iyun, ewan ko sa iba.
anyway, keep on writing!
napadaan lang...
ayoko kasi ng umiiyak e
ayoko kasi ng umiiyak e hhaha
sa bawat sinusulat ko ay ang bawat letra ng Buhay ko
sino bang gustong umiyak?
pero natural reaction kasi ito ng pusong nasasaktan. May nabasa nga akong sabi "a tear can only be dried once iti is cried", nakakatulong kasi siya sa healing process unless nagpapakalulong na lang sa pag-iyak at hindi na lumalaban di ba?
okey lang umiyak, basta after mong magpunas ng luha, laban ulit! :)
napadaan lang...
yeap totoo yun pero may
yeap totoo yun
pero may mahina kasi ng part nabuhay nya na laging nagpapahina sa kanya
kaya stagnant sya sabuhay
sa bawat sinusulat ko ay ang bawat letra ng Buhay ko
ganun ba? hehe
dun siguro papasok ang problema at dun ang kailangang ayusin, paano iyung dapat gawin para mas madaling maka-move on mula sa pag-iyak. Nasa tao din kasi iyan, kung nalulunod siya sa hinanakita at self-pity, hindi nga siya makakausad. Kelangang harapin ang reyalidad at humakbang pasulong.
Naaalala ko, may mga pagkakataong sobrang nahihirapan ako sa work kaya umiiyak ako. Pero while crying, tuloy ang trabaho ko. Pag tapos ko nang maiiyak, wala na iyung bigat sa dibdib, tuloy pa rin sa work hindi nasasakripisyo ang trabaho. Pero matagal-tagal ding pagsasanay at struggle bago ko nagagawa iyun.
Iyun, siguro ang mas problema ay ang pagtingin sa sarili, basta isipin mo hindi ka mahina at kaya mo iyan. Kung hindi mo man kayanin, laging merong nagmamahal sa iyo na handang tumulong, hehe.
napadaan lang...
i've been bad... =(
in the salty, warm water by caz
i am saddened by the tears
that came out because of me.
i am saddened by my inability
to make you happy.
in your sadness,
i drown in your tears.
in the salty, warm water,
i embrace my fears.
when i woke up,
i'm surprised to be alive.
but that's when my own tears
began to arrive.
in my fears,
i drown in sadness.
in the salty, warm water,
i realize my madness.
i held you tight because
i didn't want you to go.
i had hope that our love
would continue to grow.
i am broken,
for i felt i had lost your love.
in the salty, warm water,
i prayed to God above.
and so my redemption
will not come at once.
not until i have
served my penance.
i the salty, warm water,
you held my hand.
and after all those tears,
our hearts understand.
**Luv, thank you so much for making my week end w/ a wonderful comment. i really feel overly blessed to have you in my life. and i will be forever thankful to God, not just for the gift of love you gave me, but for the gift of you. i love you so much! always remember that.
as for the writing, i find myself speechless. the imagery was amazing. it reminded me of something i wrote before, and of my shame. don't ever stop scribbling.
Hi cas. sana mabisita mo rin
Hi cas. sana mabisita mo rin 'yong mga sulatin ko sa site na ito. Gayundin ang aking blog sa http://www.allanandres.blogspot.com/ para sa regular na pagpapaskel ng mga bago kong trabaho (tula -- orig, halaw, at mga salin)
sa bawat sinusulat ko ay ang
sa bawat sinusulat ko ay ang bawat letra ng Buhay
salamat po sa invitasyon mo po visit ko site mo
pati mga slat mo dito FW
thanks





hindi naman masamang umiyak
dahil tayo'y taong may damdamin at may tear ducts, hehe.
wala lang, hindi lang ako agree na porke umiiyak ay mahina na. Marami rin kasi akong nakilalalng hindi nila ipinapakitang nasasaktan sila, ayaw nilang ipakitang umiiyak sila pero deep inside, halos mamatay na sila sa lungkot. At ito ang mga taong kadalasan ay nagpapakamatay o pinipiling takasan na lang ang lupit ng buhay at reyalidad.
ang mahalaga, sa bawat pag-iyak, pagkatapos nating punasan ang luha natin, taas-noo tayong muli sa mundong nanakit at nagpaiyak sa akin.
tapos sasabihin natin, "hindi porke napaiyak ninyo ako, panalo na kayo..."
ako iyakin ako, pero palaban din ako kung kinakailangan.
huwag mong patayin ang emosyonal na ikaw dahil iyan ang marka ng pagiging tao, kailangan lang kaya nating pangibabawan ang emosyon para magpasya kung ano ang wasto at mali.
magandang tula, ito lang naman ang napuna ko.
napadaan lang...