Isang Maikling Kwento #1
#1: May Katapusan din ang mga Bagay na Walang Kabuluhan Gaya ng mga Importanteng Bagay
ISANG ARAW, may isang lalaking nakakita ng isang magandang babae. At tumibok ang kanyang puso. Akala niya'y tumigil ang oras at nawalan ng saysay ang lahat ng bagay sa lupa. Maliban sa isa. Maliban sa kanya.
Pero, chebers lang itong si bebot. Baka raw kasi magalit si Jesus. O ang nanay niya. Eniwei, chebers lang talaga siya. Wala siyang pakialam.
At naging magkaibigan rin naman sila. Korni naman kung hindi, di ba? Tapusin na natin ang kwento kung hindi. Eniwei, nagkikita rin naman sila minsan. Kwentuhan. Texting. Yung mga ganoong ka-kornihan. Magkaibigan. Parang ganoon pero para ring hindi. At lumipas ang ilang taon...
Ilusyunado pa rin si lalaki, wala namang paki si babae. At natapos din ang lahat. Dahil may katapusan naman talaga ang lahat. Hindi naka-porma si lalaki kay babae. Gusto niyang mag-mongha. Pero hindi, parang ganoon lang. Baka raw kasi magalit si Jesus. O ang nanay niya. At dahil hindi siya nanonood ng sine, nakaipon siya ng sapat na pera para bumili ng bagong celfone. At hindi niya pinaalam kay lalaki para hindi na siya makapag-text sa kanya. Oks lang naman kay lalaki. Putangina niya, sabi ni lalaki, habang nakatingin kay babaeng may ka-holding hands sa esem. Oha. Ayaw lang pala talaga sa kanya, kung ano-ano pa ang ginawang dahilan. Tangina, ang korni ng dalawang ito, sa isip-isip niya. Pero sa totoo, inggit lang siya. O naiinis. Pero ok lang. Tama nang sa ilang sandali ng kanyang buhay ay naramdaman niya ang pag-ibig. Parang ganoon pero hindi. Pakshet, sa isip-isip niya.
13 August 2006
Si Patrick Orquia ay isinilang sa Quezon City noong 1984 at lumaki sa Bulacan. Nagtapos sa kursong BS Computer Science mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Mahilig siyang makinig sa mga lumang tugtugin, manood ng mga nakakatawang palabas sa TV, at magbasa ng mga librong sinulat ni Bob Ong, Haruki Murakami, at Gabriel Garcia Marquez. Huwag niyo po siyang ikumpara sa mga nabanggit na manunulat dahil siguradong sasakit lang ang inyong kalooban. Yun lang po, hehe. :D
thanks!
Komento
nakakatuwang writing style...very conversational!...lyk it:-)
bitin...
'adre, sana hinaba-habaan mo. me dating e. para kasing me hinihitay pa akong mangyari e hindi nangyari...pero okay style mo.
maikling kwento nga e...
hehe... sori ha. ganun talaga e. medyo na-gets mo naman kung ano yung nangyari, di ba?
haha
nfernez ha, korni, pero me sense...
congratz................
hmmm...
maganda... pero parang masyadong close to life... nabasted ka anoh? ahehehe... dagdagan mo ng onting imagination yung ending, para hindi "yun lang po" ang labas. mas okay sana pag bigla na lang nasagasaan yung babae at yung ka-holding hands nya.. ahahaha.. di swerte ni pakshet diba? (napaka-sadista ko talaga)
Sulat lang!!!
ok na yung ending
satisfied na ako sa ending, simple lang pero may kurot sa puso, oha. hehe. pangit naman kung nasagasaan, masyadong brutal. at least sa huli e pwede mong maisip na naging masaya naman si babae, sa piling nga lang ng ibang lalaki. bahala nang mag-imagine yung mambabasa kung ano pang pwedeng mangyari sa ending.
eniwei, salamat sa pagbasa't pag-kumento. Ü
hiPoH!!
h!poh !!!FiRsT CoMmEnt Ko!!!!!pRo gAnDa nG KWeNtOpRo nAkAkABiTiN NaMaN!!!
Ganun talaga ang gusto kong ending
...it may seem nakakabitin pero effective naman. i let the reader imagine an extended/alternate ending if he/she wants to. :D
Teynks!
Salamat po sa pagbasa!
Nawa'y magustuhan mo rin ang iba ko pang maiikling kwento. :D
I'd love to turn you on...
Isang maikling kwento
Hoy Patrick... pwede po b imbes na isang maikling kwento ang nasa title ay paki lagay ang totoong title... kasi nman sa new post ay puro na lang isang maikling kwento nakalagay doon eh nabasa ko na pala...Alam ko naman na puro maiksi lang gawa mo. Salamat!~
mabagal kc internet line ko.
...........................................................
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...
hoy ka rin!
yun talaga yung title. and the content is more important than the title.
paki-tandaan na lang kung ano na yung nabasa mo at hindi pa, hehe...
I'd love to turn you on...
Napansin ko...
Napansin ko na laging maikling kuwento ang gawa mo, in fairness nakakarami ka na ha? Actually maganda naman ang bawat estorya kaso nga dahil maikling kwento kaya minsan pakiramdam ng ibang readers ay bitin diba? Pero bilang writer, na-iimagine mo what happen next diba?
SA akin naman laging long story, iba kasi akong mag-isip, kung naumpisahan ko na ay tuloy-tuloy ang pagkukuwento ko, mas lalong exciting kung merong happy ending eh... (heheh)
yun lang....
sulat na lang tayo ng sulat...
gudluck sa inyo.
it's not the size...
maikling kwento nga e, ikaw naman...
at hindi porke mahaba e mas maganda na. or mas magaling ka kasi kaya mong magsulat ng mahahabang stories. you don't imply that, do you? :D
anyway, i have improved na (i hope) since this bunch came out (IMK #1-20, which is a short story collection called "Isang Maikling Kwento Vol. 1", came out august 2007) and i have developed and used some new styles in story telling after reading some murakami and garcia marquez books. watch out for volume 2 (IMK #21-30, hopefully by the end of this year (but i doubt it kasi tamad ako magsulat/walang time e, hehe!))
salamat sa pagbasa, btw. Ü
I'd love to turn you on...
Ang ganda, damang-dama ko
Ang ganda, damang-dama ko ang kurot sa puso niya sa huli. Parang kawawa at nasasaktan, pero parang mas galit dahil nalamangan... :)
Ruthie
salamat sa pagdama...
sana'y magustuhan mo rin ang iba ko pang akda... Ü
I'd love to turn you on...
Patrickman, Hindi ako
Patrickman,
Hindi ako masyadong nagkakaroon ng pagkakataon na magbasa ng mga akda sa Pilipino, pero dito, wow, ang dami, enjoy talaga. Ang gaganda! Iba talaga pag sinulat mo ito gamit ang wikang malapit sa puso mo, na nananalaytay sa bawat ugat mo, kasi siguradong sa puso pupunta at mananatili dun, kasama ng mga halo-halong alaala ng mga pag-ibig na nagdaan na. Hindi ko maisip kung maganda pa rin ang kuwentong ito pag na-translate na siya sa Ingles. :)
Sige, I will catch up and read some more of your stories. This should be interesting. :D
More power!
Ruthie
wow naman...
may bago akong fan, wahoo! tatlo na kayo! hehe, joke.Ü
ewan ko lang kung me magkakamaling mag-translate ng mga gawa ko (like murakami or marquez)... that would be very cool, kung sakali.
someday gusto ko ring gumawa ng english short stories. and i plan to write a novel din, haha!
anyway, salamat sa lahat ng mga nakabasa na nito... 15,000+ hits!!! wow! kakaluha naman, huhu... haaay... :D
I'd love to turn you on...
pa-comment nga...hehehe
elow! ayos ito ah... close to reality... nangyayari talaga ang ganitong mga pangyayari...
ayos ang style mo kapatid! para ka lang nagkukwento sa kapitbahay mo ng tsismis... hehehe!
keep it up... pasensiya ka na, ngayon ko lang ito nabasa...antagal na pala nito...hehehe.
melay
salamat!
yep, matagal na nga siyang nasulat. impromptu lang sa isang netopia branch. but plano ko na talagang gumawa ng isang collection. so far i have finished one, #1-20, tapos i plan to complete another one, #21 -30, and a third, #31-40. i have already planned up to the 40th pero hanggang #22 pa lang nasulat ko at on the way na and #23. hehe, sori, tamad magsulat. :D
sa mga gusto ng kopya Isang Maikling Kwento Volume 1 (in PDF format), just contact me... Ü
I'd love to turn you on...
ang galing!
Pinabasa ko itong gawa mo sa kaibigan ko para pareho kaming parang tanga. Yoko ngang mag-isa noh!
Ang hirap kasing pumigil...Ayan napunit na yung bibig ko....Ay! (dapat dalagang Filipina pa rin) Naisip ko, paano nalang kung pustiso ang ngipin ko. Eh di nalunok ko yung pustiso...Mabuhay pa kaya ako. Pag nangyari yun mumultuhin kita...Wink.
um... owkeeeey...
hindi ko na-gets yung pinagsasabi mo but i guess it's something good so salamat... :D
I'd love to turn you on...
maikling komento para sa maikling kwento
Hi! Para sa isang bagong salta nakakatuwang magbasa ng mga gawa ng mga batikan. Madaling maintindihan yung kwento mo, at sa dami ng reply mukhang marami ang nakakarelate.
More power and happy writing.
salamat sa pagbasa
hindi po ako batikan... actually, ito ang kauna-unahang maikling kwentong nasulat ko... well, pangalawa pala, pero unang tagalog na kwento.
salamat po. nawa'y maibigan niyo rin ang iba kong gawa. :D
I'd love to turn you on...
NICE ANG STORY!!!! BITIN NGA
NICE ANG STORY!!!! BITIN NGA LANH! HE HE HE. HAI PALA! BAGONG SALTA LANG AKO DITO! NICE MEETING YOU ALL GUYZ!!!!
Maganda 'tong istorya mo 'pre.
Ayos. Talagang na damdam ko ang sakit na dinadaanan ng lalaki. Para sa akin, okay ang maiksing kwento. Pwedeng pwede 'to sa commercial. Alam mo yun? Yung commercial na may bahaging drama? Ano'ng tawag nga pala doon? 'limutan ko na. Basta. Ayos to. Astig, man! Sulat ka pa!
You earned yourself a fan.
hi fans! hahaha! :D
salamat po sa lahat ng nakabasa at nagkagusto! 18000 hits and counting! wow! salamat po talaga nang marami!
sana po'y magustuhan niyo ang iba ko pang gawa! Ü
I'd love to turn you on...
Whoa!
Grabe, di ka na talaga maabot Patrickman! Whooo daming fans! :)
Ruthie
oi, grabe na yan...
sus, hindi naman... unless they start THE SUPER PATRICKMAN FANS CLUB anytime soon... (wink! wink!)
(hehe, just kidding, guys. )
anyway, thanks to all the 19000+ pips who have read IMK #1. sana manalo sa lotto yung reader number 20000, hehe! :D
salamat uli sa lahat. :D
I'd love to turn you on...








nice blog.
very creative... like ur idols.;p