Isang Maikling Kwento #13
#13: Parating sa Huli Pinagsisisihan ang mga Bagay-bagay na sa Kasamaang Palad ay Hindi Naganap
PAGKALIPAS NG ilang taon ay muling nagkita ang dating magkaklaseng sina Ricky at Becky. Manonood sila ng sine na matagal nang panahong pinagplaplanuhan at hindi matuloy-tuloy, dahil busy sa kanya-kanyang gawain ang dalawa. Noong magkakalase pa sila sa kolehiyo, never nagkausap nang masinsinan ang dalawa. Basta magkakilala lang sila. Noon lamang nang maka-gradweyt na sila nang biglang nag-krus ang kanilang mga landas. Ganito kasi yun...
Parehong hayok sa Friendster ang dalawa. Isang nakakaantok na hapon, nakita ni Becky si Ricky sa Friendster. At dahil magkaklase naman sila noon, ininvite niya si Ricky para maging friend, you know, chebers lang. Inapprove naman ni Ricky. Actually, noon pang freshman sila sa kolehiyo nang naging magkaklase ang dalawa. Mga apat na
taon din ang nakaraan.
May kaunting crush si Ricky dati kay Becky noon, kaso nag-shift ito ng kurso kaya hindi na uli sila nagkita kaya, olats, walang nangyari. Si Becky naman, na-elibs sa mga pinagsususulat ni Ricky sa kanyang profile sa Friendster. Nagulat siya dahil mahilig pala magsulat nang kung anu-anong ka-ekekan si Ricky. Nagulat din si Ricky sa biglang pagpaparamdam ni Becky. Nagulat siya dahil kilala pa pala siya nito.
Pagkaraan ng ilang palitan ng mga mensahe sa Friendster ay nagkasundo ang dalawa na magkita. Manonood sila ng sineng tungkol sa pag-ibig. Shet! Pag-ibig nga! Eniwei, naunang dumating sa tagpuan si Ricky. Pagkaraan ng mahigit sa isang oras, dumating rin si Becky. Medyo humahangos ito dahil tumakbo pa siya pagbaba ng taxi. Si Ricky naman ay hindi naman nabanas, kahit na hate na hate niya sa Earth ang mga taong hindi marunong tumupad sa pinagkasunduan, bagkus ay naawa pa siya kay Becky. Pero ito namang si Becky, poised pa rin at hindi pinapahalata na hinihingal siya.
Makaraan ng ilang sandali ay bumili na sila ng ticket at pumasok na sa isang madilim na lugar. Pumasok sila sa loob ng sinehan, tange. Manonood ng sila ng sine e, davah?
Maganda ang kwento ng pinanood nila, tungkol sa isang pag-ibig ng dalawang taong napaghihiwalay ng panahon. Hanep, ano? Meron palang ganun! Eniwei, sobrang nagandahan sila sa napanood nila at tila may kutitap pa sa kanilang mga mata na parang inlab sila pero hindi. Paglabas nila ng sinehan ay kumain muna sila, nagkwentuhan, feeling close kahit hindi. Nagkapalagayan naman sila ng loob na parang kailan lang ay nasa eskwela pa sila, na parang matagal na silang magkilala.
Pagkatapos kumain ay tila babay time na para sa dalawa. Ngunit sa isang malupit na da moves ay biglang nagyayang mag-videoke si Ricky. Napa-"eng? ok ka lang?!" naman ito si Becky pero pumayag naman siya. Nauna pa nga siya sa loob ng ktv e. Tumuloy ang dalawa, umorder ng konting toma at chicha (syempre mas okey kumanta pag medyo lasheng nang onti, davah?) at nagkantahan nang isang oras (mahal kasi e).
Makaraan nang isang oras ay masayang-masayang lumabas ang dalawa. Dahil nga sa medyo may amats ay tuloy ang tawanan nila habang naglalakad. At nagtungo sila sa sakayan ng dyip, nagpaalaman, at masayang umuwi.
Habang nasa daan ay nagmumuni-muni si Ricky. Feeling niya ay inlab siya na hindi. Noon lang siya nakaramdam nang ganoong kagalakan. Sana maulit muli, sa isip-isip ni Ricky, sabay tugtog ng kanta ni Gary Valenciano sa radyo.
Ang tagpong yaon na panonood ng sine at pag-atungal sa ktv ay naulit pa ng mga ilang beses. Unti-unit na silang nagkakapalagayan ng loob na parang matagal na silang magkakilala, na parang hindi sila nawalay sa isa't isa. Ngunit talagang busy sila parati sa mga kanilang gawain at hindi na sila nagkikita. Pa-text-text na lang. Hanggang sa umabot na kahit sa text ay hindi na nagrereply itong si Becky kay Ricky dahil sa kanyang mga inaasikasong mga bagay-bagay.
Minsan, inaya ni Ricky manood ng sine si Becky, parang noong mga naka-gawian na nila. Ngunit sa pagkakataong ito, may pagkakaibang magaganap. Magtatapat na si Ricky kay Becky tungkol sa kanyang nararamdaman para sa huli. Tinext niya si Becky. Walang reply, pakshet, sa isip-isip ni Ricky
Pagkalipas ng ilang oras ay nagreply din si Becky. Galing pala siya sa isang rally na tumututol sa pagtaas ng tuition fee ng kanilang dating pamantasan. Ngunit hindi gaanong maganda ang reply ni Becky. Hindi raw siya pwede, kasi wala siyang pera tsaka busy siya sa araw na sinabi ni Ricky. Kahit masama sa loob ni Ricky ay wala siyang magawa. Hindi niya naman syota si Becky e, kaya kapag sinabi niyang hindi, ibig sabihin hindi. Walang pilitan.
Tumuloy si Ricky sa panonood ng sine mag-isa. Hindi niya alintana na iyon na pala ang huling beses na maaaya niya si Becky na manood ng sine.
Ilang linggo ang lumipas, bago mag-bagong taon, nangamusta si Ricky kay Becky. Tinext niya si Becky ng hapi nyu yir. Masayang nag-reply naman si Becky. Sinabi niyo kay Ricky na mami-miss niya ang panonood ng sine at pag-atungal sa karaoke kasama siya. Natuwa naman si Ricky sa sinabing iyon ni Becky. Ngunit nagtaka siya, dahil para namang hindi na pwedeng maulit sa susunod na taon ang mga gawain nilang iyon. Tinanong niya si Becky kung bakit niya nasabi iyon.
“Busy na talaga ako e. Balik ako sa pag-aaral kaya concentrate muna doon. Chaka may boyfriend na rin…” tugon ni Becky
Holy crap! Laking gulat ni Ricky. Biglang parang nalungkot siya pero masaya na rin kasi masaya na si Becky. Alam niya dati na kaya naman sumasama sa kanya si Becky dahil malungkot siya. Kaso olats kasi itong si Ricky at hindi agad nagtapat ng kanyang saloobin kaya ayun… olats.
Ngunit sa huli’t huli’y masaya naman itong si Ricky para kay Becky. At patuloy pa rin silang nagpapadala ng mga text sa isa’t isa kahit na nagmahal na ang unlimited texting dahil swapang sa pera at kupal ang kumpanya ng telepono. Hindi man ganoon ang ending na gusto ni Ricky ay okey lang sa kanya. Ang mahalaga’y kahit sa sandaling panahon ay naging masaya sila sa piling ng isa’t isa.
06, 12 February 2007
aaargh... txt lingo...
hehe... ehem... well, MAYBE. stand-alone ang aking mga kwento, not necessarily true-to-life or what not. bahala na ang mambabasang umunawa at gumawa ng kanyang sariling reaksyon o interpretasyon.
word.
I'd love to turn you on...
You!!!!!!!!
Just because nobody pay attention to you, doesn't mean you have to go around insulting those who are! I HATE YOU! You leave Patrick alone! I've tried to understand you, but you're just going too far!
No-Reader, my FOOT!
calM down...
ringgaw.
eei,,y so mad?it takes an OPEN mind to takes pipol reaction...well, do u think u hav an OPEN one?
i DON'T NEED attention...i received enuf of it already datz y i'm giving u sum..hehehe..maybe it's u hu nids it datz y u'r hir..jokE!!!
'm Not d type of person hu says sumting RUDE 2 aders...wat was wrong wid wat i've sed?
u'r opinion is NONE of my business......
cum to think of it........widout us readers, hu do u think will read ur works?
wid attitude lyk dat HINDI KAPA SUMISIKAT maLALAOS KANA AGAD.
'm a peace -lover my friend......... find sum1elz 2 argue wid.
c:
what the hell...
whoah! hey! no fighting here, aight?
to you non-reader: yeah, stop insulting people (so far, those people are me and pmel). just don't read my stuff if you don't like it. to each his own. don't insult pmel because she is very talented and she is about to hit the big time pretty soon (to pmel: wink, wink!). and i HATE text lingo when it is used on anything other than a celfone.
to everyone: leave comments about the story and ONLY about the story, ok?. thank you very much.
no more fighting, aight? peace lang, ok? sheesh...
I'd love to turn you on...
PEACE.......
ringgaw.
PEACE.
BYE.
bkt gnun ??
uala puh mxadong thrill , peo okei n rn !! ^^
huh? ano raw?
teka ha, ita-translate ko lang yung sinabi mo (para sa pag-unawa ng iba pang mambabasa)...
wala po masyadong thrill, pero okey na rin!
tama ba yung translation? anyway, ganun talaga intention ko, hehe. may continuation pa yan so... abangan! (nuninuninuninuninuninuni...)
salamat sa pagbasa!
PS: i HATE text lingo overuse. peace! :D
I'd love to turn you on...
Hi Patrickman!
Well, i hate text lingo too. :)
Ruthie
haha...
parang ambait-bait pa ni pmel noon noh? hehe... anyway, i hate text lingo talaga as in. kay pag nagte-text ako, minimal lang paggamit ko ng text lingo. :D
napadaan lang sa aking past posts...
I'd love to turn you on...




torpe?
i beliv dat authrs create der masterpieces sumhow based on their experiences....
i 1der f TORPE k rin jz lyk ricky and oL d ader characters dat u made....
watchathink?
newei, it doen't matter..continue scribbling ur towts maybe 1 day it'l finally turns me on.
non-reader kc aq kya cguro ganon.,,aaahihihihi.