Isang Maikling Kwento #19

Patrickman's picture
| | |

#19: Ang Paglulubid ng Buhangin ay Walang Naidudulot na Mabuti sa Buhay

“POKPOK SI ELISA!!!”

            Iyan ang tumambad sa isa sa mga kubeta sa banyo ng mga estudyanteng babae sa ikalimang baytang sa eskwelahan. Walang may alam kung sino ang sumulat. Nakita iyon ni Elisa, isa sa mga estudyante, habang dyumidyinggel. Pagtaas niya ng panty niya ay ayun at tumambad sa mukha niya na nakasulat sa malalaking pulang letra ang mga katagang iyon.

            Umiiyak na bumalik ng klase si Elisa at nagsumbong sa guro. Dali-dali namang pumunta rin sa kubetang pinuntahan ni Elisa ang guro at nakita niya rin ang masakit na paratang na iyon. Ilang sandali pa’y kumalat na sa buong klase ang kwento. Pokpok daw si Elisa. Kabata-bata pa lang ay kumekerengkeng na, sa isip-isp ng iba pang mga estudyanteng kaklase ni Elisa. Ngunit may pumalag na isa pang estuyante, “Paano mo naman na nasigurado na ikaw nga ang tinutukoy sa pokpok sa kubeta? Ikaw lang ba ang pokpok, este, ang Elisa sa buong eskwelahan?”

            Sa katotohanan, si Elisa nga lang talaga ang tanging pokpok, este, Elisa sa buong eskwelahan. Maliit lang ang paaralan nila Elisa at halos lahat ng estudyante ay magkakaklilala. So, si Elisa nga talaga ang binabanggit sa vandalism sa kubeta.

            Walang may alam kung sino ang pwedeng magsulat sa mga katagang iyon. Ngunit marami rin naman talaga ang may galit kay Elisa, dahil masyado siyang mataray, masungit, at feeling maganda kahit hindi naman. Kulang din siya sa pansin at gustong-gusto niya na pinag-uusapan siya. Dati nga’y nakunwari siyang nawawala ang wallet niya at nasermonan ang lahat ng kaniyang mga kaklase. May mga naiturong mga salarin, at dahil sa hindi naman totoong nawawala ang wallet ni Elisa ay hindi rin naman na-kick out sa eskwelahan sa kawalan ng ebidensya. Kaya malaki ang galit kay Elisa ng marami sa kanyang mga kaklase. Dahil sa mga katangian niyang ito ay marami na rin siyang naka-away sa eskwelahan at suki na sa guidance office.

            Takang-taka pa rin ang lahat sa kung sino ang sumulat ng mga katagang iyon. Kaya’t nagkaroon ng isang masusing imbestigasyon…

            Nag-check ng mga bag ang guro. Gusto niyang makita kung sino ang may dalang pentel pen na pula sa kanilang bag, dahil pentel pen ang ginamit na pansulat ng salarin. Ngunit sa kasamaang-palad ay may dalang pentel pen ang lahat dahil nagkaroon ng drawing chorva sa klase kanina ng sining. Ngunit may naiisip ang guro na makapagbibigay ng liwanag sa misteryong ito.

            Ang lahat ng lumalabas ng klase para tumungo sa palikurang ay kailanang lumagda sa isang listahan. Tinignan ng guro ang listahan at isa-isa niyang tinawag para tanungin ang mga babaeng nasa listahan. Una niyang tinawag si Aning. Tinanong ng guro si Aning kung nakita na niya kanina ang nakasulat sa kubeta. Sinabi ni Aning na hindi. Ang dalawang sumunod na mga babaeng tinawag ng guro ay ganoon din ang sinabi. Hanggang sa tinawag na ng guro si Elisa, ang huli sa listahan.

            “Elisa,” pasimula ng guro, “sino sa tingin mo ang may kagagawan nito?”

            “Hindi ko po alam,” naiiyak na sagot ni Elisa sa guro, “ngunit sa tingin ko po ay si Aning, dahil may matindi siyang galit sa akin.”

            “At bakit naman siya may galit sa iyo, aber?”

            “Dahil may gusto si Enong sa akin kaysa sa kanya.”

            “Okey… ngunit magkasintahan na si Enong at Aning, hindi ba? Punyeta kasi kayo e, kabata-bata niyo pa e… dysokopoh!”

            “A, e… oo nga po pero… pero… may galit po talaga si Aning sa akin!”

            “Hoshasha… sige’t bumalik ka na sa upuan mo…”

            Nagmamadaling bumalik sa kanyang upuan si Elisa. Ngunit dahil sa pagmamadali ay nadapa si Elisa. Bubwelo pa lang ng tawanan ang buong klase ay pinandilatan na agad ng guro ang lahat at parang may lumabas na laser beam sa kanyang mga mata, at sila’y nagsitahimik na parang walang nangyari. Habang papatayo si Elisa ay may isang kung anong bagay ang nalaglag sa bulsa ni Elisa: isang malaking krayola na kulay pula, na mabilis niya namang pinulot. Nakita iyon ng guro. Hmmm… napaisip ng kung anong ideya ang guro. Nagpaalam ang guro sa klase at tumungo sa kubetang nasusulatan ng vandalism.

            Tinitigang mabuti ng guro ang nasusulat. Lumapit din ang guro at inusisang mabuti ang nasusulat. Hinawakan ng guro ang bawat letra at kinutkot ng kanyang kuko ang mga letra. At nagulat ang guro! Hindi pala pentel pen ang ginamit na pang-sulat gaya nang akala niya kanina, kung hindi’y krayola!

            Bumalik nang klase ang guro. Tinawag niya uli si Elisa.

            “Alam ko na kung sino ang may sala, Elisa,” bulong ng guro kay Elisa.

            “Alam… alam niyo na po?” nangangatal na sagot ni Elisa.

            “Oo. At alam kong alam mo kung sino ang salarin.”

            “Er… sino po?”

            “Secret!”

            “Ows… walang clue?”

            “Heh! Alam mo kung sino, Elisa. Alam na alam mo, lecheng bata ka…”

            “Pakshet…”

            Nang sumunod na araw ay wala na ang nasusulat sa kubeta. Naging misteryo ang pagkakasulat at pagkakabura ng mga katagang iyon, at parang walang nangyari. Hindi naglaon ay nakalimutan na rin ng lahat ang nagyari.

           

 

 

Ang misteryong yaon nawala na sa alaala ng lahat. Maliban kay Elisa. Simula noon ay naging matapat na siya at iniwasan niya na ang magsinungaling. Nanumpa siya sa kanyang guro, na nagsalba sa kanya sa matinding kahihiyan.

 

 

 

12 May 2007

Patrick Orquia

salamat po sa lahat ng mga nakabasa na ng aking mga ibang gawa! :D

 

rakenrol!!!

 

http://walruscreativeworks.blogdrive.com


Rom's picture

.

haha! totoong totoo ito bro, hanggang paglaki malamang dala ni Elisa ang ganitong ugali. naalala ko may kasama ako sa studio dati tuwing valentines day nagsesend ng valentines card sa sarili niya through post office tapos kapag tinawag siya ng guard para iabot ang V-card nagugulat pa sya as in chever lang kuno. haha!

nice story 'pre! 

 

 

karikatuura button

Patrickman's picture

wow

sobra naman ang pagka-loser nun, hehe. buti hindi pa naman ako umaabot sa ganoong kalagayan...

 

salamat ser!

 

pakibasa na rin yung iba kong gawa. salamat!

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Rom's picture

.

 

binabasa ko lagi gawa mo bro. oks yun gusto ko style mo sa pagsusulat, ikaw na ikaw. simple pero tumatanim sa isip yun bang makalipas ang ilang araw may recall pa.

sana maka submit ka para sa compilation.

 

salamat sa kwento. 

 

karikatuura button

Patrickman's picture

magsa-submit na ako bukas, yey!

actually yung kwentong isa-submit ko na-post ko na dito sa FW. ie-edit ko lang nang konti at lalagyan ko ng konti pang detalye para mas mabangis, hehe. gusto ko sanang magpasa ng bago na wala pa dito e kaso mahahaba na yung mga bago kong gawa, lagpas 1500 words na so luma na lang.

btw, magpapasa rin ako ng mga tula. gusto ko rin sana ng essay kaso wala pa akong nasusulat. tignan ko kung makakagawa ako bukas.

 

salamat uli sa pagbasa!

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Gaya ng dati, ayos ang

Gaya ng dati, ayos ang kuwento mo, Patrickman.  Buhay na buhay ang mga tagpo... Ayos ang paggamit ng red sa iyong kuwento, dahil nga naman, matingkad ito at kung ikaw ay ksp tulad ni Melissa, gagamit ka ng red para kapansin-pansin.  Maganda rin ang paggamit ng krayola dahil madali itong mabura, gaya kapag ikaw ay bata pa, lenient pa ang mga tao sa iyong mga pagkakamali at madali nilang palampasin ang pagiging pasaway mo. 

Sa totoong buhay, may mga batang ganito, pero sa tingin ko hindi katawa-tawa ang pangyayari kung susuriin ang mas malalim na kahulugan dahil ang ibig sabihin pag nagpapapansin, ay may mga pangangailangan ang batang hindi napupunan ng mga magulang o ng mga taong dapat uma-alalay sa development niya o di kaya'y may karanasan itong hindi kanais-nais.  Actually, kung titignan ang lugar kung saan nilagay ang "pokpok si elisa", ang kulay na ginamit, at ang paraan upang isiwalat ito mismo ng batang ksp ay kakikitaan ng mga isyung sikolohikal na hindi dapat balewalain.  Kung nangyari nga ang ganito sa totoong buhay, dapat isalang ang batang gaya ni Melissa kung magpapansin sa counseling pagkatapos matukoy na siya rin ang may akda sa kuwentong nasa pader.

Kung sa showbiz o politics, may kasabihang, "there's no such thing as bad publicity", ganun din sa mga pangkaraniwang tao.   Lahat ng tao ay gustong magpapansin upang punan ang kani-kanilang mga kahinaan o kaya'y insecurities.  Up to a certain degree, normal pa ito, pero kapag katulad na nung binanggit ni Kuya Rom, hehehe, iba na yun.

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

Patrickman's picture

ruthie, you continue to outdo yourself... Ü

wow, thanks!

actually, i thought this story sucks. pretty much my least favorite of the stories i have written so far kasi feeling ko medyo underdeveolped siya and i hit a dead end sa character development. i almost scrapped it off my collection dati. but anyway, i will make it better in the near future. thanks uli! :D

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Hello Patrickman!

 

So, nagsumite ka na ba ng mga akda mo?  Gusto  ko sanang abangan yung tula mo eh, kasi pagdating sa kuwento, walang mintis ka na.  Hmmm.   Good luck na lang at sana naman, i-post mo rin dito, if ever. 

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

Patrickman's picture

oo ba, sabi mo e...

mamya magsa-submit na ako. :D

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Buti ka pa...

 

Obvious ba na isa ako sa marami mong fans!?  Hehe.  Sige. 

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

isangsakongtubig's picture

kakatuwa

 

 

may ganyang klasmeyt din ako dati sa overpass naman sinulat yung mga pangalan nya pero di naman sya ang nagsulat pero pinabili pa rin sya ng acetone ng titser namin tapos samahan daw namin syangg kuskusin lahat ng mga nakabandal. wahahahaha.

 

apir!

 

 

kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay

Alexander Dagrit's picture

  Hi. Ako si Alex. Maganda

 

Hi. Ako si Alex.

Maganda ang pagkakasulat. Tuloy-tuloy ang daloy ng mga pangyayari. Suwabeng-suwabe.

Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang parteng ito:

"Okey... ngunit magkasintahan na si Enong at Aning, hindi ba? Punyeta kasi kayo e, kabata-bata niyo pa e... dysokopoh!"

 

Hindi yata iyan masasabi ng isang guro sa harapan ng kanyang mga estudyante. Puwede sanang ganito:

“Okey… ngunit magkasintahan na si Enong at Aning, hindi ba? Kayo talaga, kabata-bata niyo pa e… dysokopoh!”

Tanungin mo pa si vima. Titser siya.

 

Rom's picture

.

 

sus alex kelan ka ba pinanganak? nagpuputang-ina nga ang mga titser sa public school e. nandun ako sa PTA meeting nung sinabi yun ng isang titser sa estudyante niya kaharap pa mga magulang. 

 

karikatuura button

Alexander Dagrit's picture

  Langhiya naman

 

Langhiya naman 'yon!

Dapat tanggalin sa serbisyo 'yon. Kasi dapat example sila ng good manners.

Ako, wala pa akong nakikitang ganoong titser. Sa public o private schools man. Mababait ang mga titsers na nakikita ko.

 

...     Now I'm thinking

...

 

 

Now I'm thinking that the street kids in charity schools are better off than those in the public schools. Teachers are warned not use violence or obscenity in the campus. I say campus cause those charity schools tend to be, atleast, half the size of Ateneo University.

Patrickman's picture

uh huh...

charity schools? like those run by priests?

 

kahit saan school naman ata e bawal ang violence at obscenity e. hindi pa ako nakakita ng school na pwede ang violence at obscenity, hehehehe...

 

but the bottom line is, isang katotohanan na meron ding nakalulusot na mga hindi magagandang gawain sa mga paaralan.

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Yes ...

Charity schools run by priests. Sometimes being religious has its advantage, you tend to avoid profanities and violence with an exception to cult practices where the flesh is abused to eradicate greed from the soul -- a useless tactic, in my opinion.  The fact that you would want to punish yourself is another form of intense emotion.

I would say, being free from any form of "want" is purity of the soul and so far, only Buddha was able to achieve that cause even Jesus himself got emotional. Just saying.

But Alex has a point. We are all humans and being humans, what happens in one nation can happen in another. 

 

 

Rom's picture

.

welcome to the Philippine school alex matagal nang ganyan ang school at teacher lalo na sa public 

 

 

karikatuura button

Alexander Dagrit's picture

  I think that situation is

 

I think that situation is found everywhere. Cruel people.

I once read a news of a teacher in Holland who stripped himself of his pants and told his students to play with his you know.

 

Patrickman's picture

it's a bit exaggerated...

nag-aral din ako sa public school dati nung kinder to grade 2 ako at honestly, hindi pa naman ako namura ng isang guro. pero talagang nagyayari ito. ang aking ina ay isang guro sa isang public high school at sabi niya minsan talagang hindi niya mapigil ang sarili niya na manigaw at possibly magmura sa mga estudyante kasi marami rin namang mga pasaway na mga estudyante sa paaralang tinuturuan niya. nakapunta na ako dun, at talaga naman, marami nga, hehe...

 

btw, medyo ginawa ko rin namang exaggerated ang mga pangyayari para medyo light ang dating at nakakatawa (sana, hehe!), tulad ng mga iba ko pang gawa.

salamat po sa pagbasa! Ü

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

jonsdmur's picture

Buhay na buhay!

 MAtapos kong basahin parang tumatak na sa aking isipan... At nagustuhan ko rin ang moral lesson ng kwento...

Makatotohanan.. at talagang nangyayari sa tunay na buhay...

Mahusay ang pagkagawa ng kwento...

Isa sa mga the best na nabasa ko....

Isa ka sa mga idolo ko dito kaya pinapangarap ko rin na makagawa ng kwentong katulad nito... maikling kwento na buhay na buhay... na talagang tatatak sa isip ng mambabasa... 

Jonsdmur 

 

 

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Patrickman's picture

salamat, ser!

salamat sa pagbasa! rakenrol! :D

 

pansinin niyo rin yung iba ko pang gawa na na-post ko na dito sa FW. mas magaganda pa kesa dito, promise! hehe...

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

jonsdmur's picture

Nabasa ko na ilang akda mo...

 

 lalo na ang kwento #1.. hindi lang maganda.. mega super boxoffice hit pa....

 

 

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Patrickman's picture

50,000 hits and counting, grabe na ito! :D

^honga nga e. hindi ko inexpect na papatok yun, hehe. (salamat sa lahat ng mga bumasa, yeah!)

 

btw, sana mag-comment rin kayo sa iba ko pang gawa kung ok lang sa inyo. :D

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

nasan.sy.has's picture

haha

 

same old days as mine.

 

i'll read some of your works. I think those would be interesting and easy to read 

 

 

Reading is my pleasure, writing is my frustration.. :(

Patrickman's picture

bakit naman same?   salamat

bakit naman same?

 

salamat sa pagbasa. sana magustuhan mo rin yung iba. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Kinse's picture

speechless   masyadong

speechlessSealed

 

masyadong marami ng pumuri

hehehe....

makikigaya na rin ako...

ok sya.. (apir!)

parang totoong me mga ganyan nga sa school..

 Smile

Patrickman's picture

uy maraming salamat sa

uy maraming salamat sa pagbasa mo ng aking mga gawa, yeah! :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star