Isang Maikling Kwento #2

Patrickman's picture
| |

#2: Ang mga Bobo ay Yaong mga Nagsisikap na Magpakamangmang

SI JOSE ay gradweyt ng Peyups. Isa siyang matalinong bata, gaya ng ibang estudyante sa unibersidad na iyon. Isang araw, nakita niya ang isang dating kamag-aral na si Edgar, isang big time na programmer sa isang sosing kumpanya sa Makati.

“Uy, Jose! Kumusta na?” bati ni Edgar

“Ito, ok lang. Ikaw?” sagot ni Jose.

“Ayos lang, pare! Medyo hassle lang kasi nasira auto ko’t
kelangang kumpunihin sa talyer.”

“Buti ka pa. Ako wala pang pambili ng kahit scooter man lang.”

“E kasi nag-resign ka pa dun sa pinapasukan mo dati e.”

“Honga e. Shet.”

Biglang may umepal na isa pa nilang kaklase, si Rodrigo. Isa sa pinaka-maangas sa block nila dati itong si Rodrigo. Ma-chicks. Kahit medyo hindi ganun katalinuhan e medyo habulin pa rin.

“Uy, mga dudes! Namputsa! Kamusta na kayo?” bati ni Rodrigo.

“Okey lang,” pasabay na sagot nila Jose at Edgar na parang nag-duet.

“Balita ko e big time na raw kayo! Libre naman dyan!” banat ni Rodrigo na may halong pang-aalaska

“Si Edgar lang,” pa-humble-epek na sagot ni Jose

“Bakit pre, ano ba trabaho mo?”

“Tech Support Agent, pre.”

“Ano ginagawa dun? Tunog astigin a.”

“Sa call center yun, pare. Tumatanggap ako ng tawag mula sa mga…”

“Tangina! Call center?! Antali-talino mo, pare, sa Peyups ka pa grumadweyt tapos pambobo yung trabaho mo! Tangina, pare! Nagpapaka-bobo ka na ba ngayon?! Nakakahiya naman, pre! Hahaha! (Ubo! Ubo!)” buong gilalas na hirit ni Rodrigo.

“Uy, pare, sobra ka naman! Hindi naman ganun yun! Mahirap ata ang trabaho sa call center baka akala mo…” pagtatanggol ni Edgar sa inapi-aping si Jose.

“Tama. Hindi naman pambobo yun, pre. Mahirap ding trabaho dun,” sagot ni Jose na halos pabulong, “teka nga, ano nga pala trabaho mo’t anlakas mong makapang-alaska dyan?” dagdag niya.

Sumagot si Rodrigo, “ako? Ah, eh… hindi pa ko gradweyt e. Pero pag-grumadweyt ako e sisiguraduhin kong big time din ang tra-”

“E putangina mo palang pukinanginangbwakanangpakingshet ka e! Wala ka pa palang trabaho e napakalakas mong mang-alaska diyan! Bago ka manlait dyan e siguraduhin mo nang hindi ka na palamunin sa bahay niyo, putangina ka!!!” buong galit na bulalas ni Jose na halos malagutan nang hininga sa galit.

“Ah, eh… basta ako pagka-gradweyt ko hahanap ako nang malupit na trabaho. Hindi sa call center!” bwelta ni Rodrigo, na nagba-blush na parang nakakita ng multo.

“Syadap! Sinabi ko rin dati yan. Siguraduhin mo lang talaga na hindi ka magko-call center, kundi’y tatawanan kita at yuyurakan na parang tae, putangina kang hayup ka! Pwe!” kontra-hirit ni Jose.

“Hoist! Tama na yan mga dudes! Toma na lang tayo, sagot ko! Para namang wala tayong pinagsamahan niyan e. Taralets!” awat ni Edgar, sabay kaway ng taxi.

(At tumoma na nga lang ang tatlo’t medyo nagka-sorihan at nagkalamigan rin ng ulo. Baydawey, medyo minalas pa si Rodrigo ng sem na yaon dahil na-incomplete siya sa EEE9 at binagsak siya ng tabatchoy na prof niya sa CS131 kaya na-delay pa nang isang taon ang mga pangarap niya. Nagbabalak siyang mag-audition sa Pinoy Big Brother pagka-gradweyt niya. Big time ini, sa isip-isip niya.)

20 August 2006

Patrick Orquia

Si Patrick Orquia ay isinilang sa Quezon City noong 1984 at lumaki sa Bulacan. Nagtapos sa kursong BS Computer Science mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Mahilig siyang makinig sa mga lumang tugtugin, manood ng mga nakakatawang palabas sa TV, at magbasa ng mga librong sinulat ni Bob Ong, Haruki Murakami, at Gabriel Garcia Marquez. Huwag niyo po siyang ikumpara sa mga nabanggit na manunulat dahil siguradong sasakit lang ang inyong kalooban. Yun lang po, hehe. :D


Dude!

Galing mo dude!

By the way I work in a call center.

 

Hehehe

 

 

 

I used to be indecisive, now I'm not sure.

Patrickman's picture

Sweet! ...er, i mean... salamat!

salamat sa pagbasa. nawa'y magustuhan mo rin ang iba ko pang mga kwento, yeba!

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Pmel's picture

Yo Patrick!!!!!

Could you send me a sample picture of what these guys (Jose, Edgar, and Rodrigo)look like? I have no idea how they dress like and stuff. I'll do this next since it seem like a lesser task than #4. Thanks! :D

Patrickman's picture

sure, manure!

...er, wait a tic... sample picture? um... basta si jose, casual lang damit, simpleng porma lang, parang polo shirt and jeans and sneakers. si edgar, naka-long sleeves na parang pang-opisina. si rodrigo, parang raver yug dating, ma-porma, parang ganun, hehe.

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Pmel's picture

Rodger that! ^^b

Thanks dude!

 

 

 

Added:: Check your email! Please reply asap!  

Patrickman's picture

nakita ko na, over... (kzzzzt!)

...kaso lang hindi ko ma-open yung pic, yung thumbnail. but i think it looks ok. check ko uli mamya sa bahay.

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Pmel's picture

Ha ha ha!

Oki doki! Later!

waha!

ok ah

 

"May I torment your soul with my personal opinions?"

jonsdmur's picture

Basta maikling kwento isa ka

Basta maikling kwento isa ka sa hinahangaan ko...  

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha

Patrickman's picture

salamat!

salamat sa pagbasa! babasahin ko rin ang mga gawa mo.

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

jonsdmur's picture

Wow salamat bro...   Si

Wow salamat bro...  

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha