Isang Maikling Kwento #3

Patrickman's picture
| | | |

#3: Huwag Piliting Mapasaiyo ang mga Bagay na Pag-aari ng Iba

MAHAL NI Lover Boy si Honey Girl. Kaso ayaw ng tatay na pastor ni Honey Girl kay Lover Boy. Kasi hindi siya kapanalig sa kanilang relihiyon. Pero naging pursigido pa rin si Lover Boy na manligaw kay Honey Girl. Dati, ang gusto ni Honey Girl ay ang kabarkada ni Lover Boy na si Rocker Boy. Kaso, torpe si Rocker Boy kaya umepal si Lover Boy. Kaso, talagang walang gusto si Honey Girl kay Lover Boy, kahit pa binilhan pa siya nito ng cake at lobo noong nag-bertdey siya.

       At dahil talagang torpe si Rocker Boy at olats naman si Lover Boy sa puso ni Honey Girl, may umepal na isa pa nilang kabarkadang mangingibig... si Good Boy. Low profile ang gimik ni Good Boy kaya nagulat ang lahat nang napasagot niya si Honey Girl. Syempre, sino ba naman ang hindi mapapa-oo sa lalaking mahilig manlibre ng sine, hindi nagmumura, mama's boy, at palasimba. Kahit siguro sikmuraan sa Cowper's Gland e hindi papalag itong si Good Boy. Sasagot lang ito ng "may araw ka rin kay Lord..." Pero bati-bati pa rin naman ang mga magkakabarkada kahit na nabiktima silang lahat ng alindog ni Honey Girl.

       Ngayon ay may mga ibang prospect na itong si Lover Boy. Medyo olats pa rin pero at least maraming pinagpipilian, sa isip-isip niya. Ito namang si Rocker Boy, nagkasyota na rin, isang babaeng dugong bughaw. Kaya minsan, hindi na siya maaya ng ibang kabarkada kahit man lang maglaro ng Monopoly. At siyempre, growing stronger pa rin ang drama ng mag-syotang Good Boy at Honey Girl. Siguro pagbalik galing Dubai ng tatay na pastor ni Honey Girl e ikakasal na ang dalawa. Amen.

 

30 August 2006

Patrick Orquia

Si Patrick Orquia ay isinilang sa Quezon City noong 1984 at lumaki sa Bulacan. Nagtapos sa kursong BS Computer Science mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Mahilig siyang makinig sa mga lumang tugtugin, manood ng mga nakakatawang palabas sa TV, at magbasa ng mga librong sinulat ni Bob Ong, Haruki Murakami, at Gabriel Garcia Marquez. Huwag niyo po siyang ikumpara sa mga nabanggit na manunulat dahil siguradong sasakit lang ang inyong kalooban. Yun lang po, hehe. :D

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com


Pmel's picture

Hi!!!!! Dx

I'm just rather confused as to how to illustrate this one here. I mean, it's pretty similar to IMK#1 so, if you have an idea on the look of it, let me know how you want the composition to be. Since you called the girl, "Honey Girl" I was thinking of dressing her up in yellow and black buuuuuuuutttttt, should I include all three guys or just the two of them? Honey Girl and Lover Boy?

Patrickman's picture

i'll send you...

a guide to illustrations chrova for ALL the stories. i have an idea na for this one. :D

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Pmel's picture

Merci!

Jah! I got it! Thanks! I'll send you the sketches maybe tomorrow evening! Thanks Patrick! ;D

jonsdmur's picture

wow!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

23785 reads as of 2:30PM June 11, 2009

maganda ang kwento.. maikli pero maganda... minsan nangyayari talaga sa tunay na buhay....

natapos ba ang illustration? parang kailan lang... close pa kayo....

"Huwag Piliting Mapasaiyo ang mga Bagay na Pag-aari ng Iba"

sabay minsan tama yan.... wag ipilit ang mga bagay na hindi naman iyo... lalo na kung pagaari na ng iba....

galing.....Cool

jons

 

Patrickman's picture

aba, oo nga ano?

big hit na pala ito a, almost 25000 hits na. oldie but goodie, hehe...

 

salamat sa pagpansin, hehe. wag mo nang pansinin yung illustration ekek sa comment. isa na lang yang gunita ng nagdaang panahon. btw, never kaming naging close ha, hehe.

salamat! :D 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jealousy29's picture

naalala ko sa  kwentong ito

naalala ko sa  kwentong ito ang mga barkada kong lalaki.... hehehe tatlo sa kanila ang nabighani sa alindog ng babaeng bagong lipat saming lugar... at muntik ng mabuwag ang aming barkadahan ng malaman ng tatlong friend ko na pinagsasabay sila ng GIRL na yon.... 

kameng mga girls sa barkada ang gumawa ng paraan para mapagbatibati silang tatlo... at sa awa naman ng ni Diyos ei nagkabatibati rin sila....

ung girl naman dahil sa ginawa niya... wala ng nagkamaling lumapit sa kanya....

 

sulat pa po kayo....

 

ngat....Smile

 

 

 

Patrickman's picture

yeah, may mga slutty girls

yeah, may mga slutty girls na pakalat-kalat talaga minsan... dito sa kwento na ito, hindi naman talaga slutty yung girl. olats lang yung dalawang guys at naunahan tuloy nung nice kid of the bunch. 

 

dami ko na pong nasulat, as in andami na at karamihan wala pa dito sa fw. tamad ako mag-post e tapos dinededma lang naman ng mga tao so pahinga muna ako. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jealousy29's picture

hindi naman po slutty yong

hindi naman po slutty yong girl sa kwento ninyo... nagpakatotoo lang siya nung tangihan niya c lover boy... pero dahil sa mukhang hindi naman siya like ni rocker boy pinili na lang niya si good boy.... hehehehe

Mr. Patrickman... pano ninyo naman po nasabing dededma ng iba? 

dahil po ba sa walang itong comment??? tanong lang po....

 

 

sulat pa po kayoSmile

 

ngat....Smile

 

Patrickman's picture

sabi ko nga hindi nga slutty

sabi ko nga hindi nga slutty yung babae sa kwento, hanubers... hahaha... 

 

Mr. Patrickman... pano ninyo naman po nasabing dededma ng iba? 

dahil po ba sa walang itong comment??? tanong lang po....

 

- hmmm... parang ganoon na hindi naman pero prang ganun talaga, hehe... well, maybe not this particular story kasi halos 25k hits na ito e (harhar!) pero yung iba kong akda lalo na yung mga bago... huhuhu... pati pala i'm referring to the pandededma sa mga sulatin sa site ko. halos lahat ng mga tula na nasulat ko ay naka-post doon tapos... wala, olats, hehe... pati rin yung mga poetry at short story collections ko na na-compile, wala halos nagda-download. ang hirap-hirap mag-compile at mag-edit at mag-copy read tapos wala lang din, libre naman pero olats din, hehe...

 

basta parang ganun na parang hindi.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jealousy29's picture

ano po ang ibig sabihin ng

ano po ang ibig sabihin ng hanubers??? hehehe

 parang ang gulo naman.... parang gano na parang hindi???? hehehe

ahmmm. Mr. Patrickman sana naman po wag kayong panghinaan ng loob marami naman po ang nakaka appreciate ng mga gawa ninyo dito sa FW ah... sulat lang po ng sulat....  

 

ano po ba ung site ninyo... dadalaw po ako... 

 

wag pong sumuko....

 

ngat....Smile

Patrickman's picture

antanong mo naman,

antanong mo naman, hehe... basta ganun na yun...

please drop the "mr.", bata pa po ako at isa lang akong nobody so ok lang kahit patrickman na lang.

yung link po sa site ko ay andun sa link na nasa baba.

hindi po ako sumusuko... pumepetiks lang muna pasumandali. i'll start wriing siguro within the month or after lumabas ang aking bagong short story collection na malapit nang ma-publish sa net so abangan nuninuninu...

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jealousy29's picture

ows sorry po.... hehehe

ops sorry po.... hehehe

kulit ko talaga oh oh.... 

pwd pong lagyan ko ng kuya???? hehehe

sige po babasahin ka na lang don ang mga akda ninyo...

 

sana po maraming mag-abang sa mga bagong akda ninyo...

 

gud luck po....

 

ngat....Smile 

 

Patrickman's picture

asa pa...

i don't expect much about it. basta sa akin i feel good sharing my works to others. wag lang ipe-plagiarize kasi bad yun. anyway, whether may bumasa o wala, ang mahalaga lang sa akin is maibahagi ko yung mga gawa ko sa iba. kung may humanga, e di ok. kung may yumurak, well, medyo hindi ok yun pero kanya-kanyang trip naman ang bawat tao e, i can't please everybody.

 

huwag niyo po akong tawaging kuya kung ayaw niyo pong masaktan... JOKE!

hehehe... basta huwag. just my name, ok na yun. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jealousy29's picture

ay kuya ala na akong

ay kuya ala na akong masabi... kundi gud luck sa mga akda mo... at sana maraming magbasa nito...

bakit naman ayaw mo patawag ng kuya??? hehehe ay nako nagtanong na naman ako... sorry....

 

 

ngat....Smile

 

Patrickman's picture

hangkulet mo... basta,

hangkulet mo... basta, please huwag mo akong tawaging kuya. pantay-pantay tayo dito.  owtey?

 

salamat sa mga nasabi mo nang magagandang bagay. good luck din sa pagsusulat mo. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jealousy29's picture

hehehe makulet po ba talaga

hehehe makulet po ba talaga ako??? sorry naman...

yah... pantay pantay nga tayo pero ung ibang kuya dito ok lng na tawagin silang kuya.... hehehe ok sige na po hindi ko na po kayo tatawagin kuya or mr. kung ayaw ninyo talaga PATRICK na lang.... hehehe

 

naku! patay tayo dyan... nagsisimula pa lang ako ei hehehehe...

 

ngat....Smile

Patrickman's picture

may trauma na ako sa mga

may trauma na ako sa mga mahahabang sagutan na gaya nito. kung inaaway mo ako i would suspect na ikaw ay isang incarnation na naman ni okiyama pero hindi naman siguro. sana naman hindi.

 

anyway, sige, ganun na lang. sorry ha, medyo supladito mode ako ngayon e, dito pa ako sa opizzz, naka-forced OT kasi absent yung dapat na rerelyebo sa akin, buset...

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jealousy29's picture

Patrick mukha bang ng aaway

Patrick mukha bang ng aaway ako??? Surprised

hindi po kita inaaway.... at wala po akong balak mang ayaw ng taong hindi naman ako inaano...

 

ok lang po yon... pasensiya na rin po kung medyo makulit ko...

 

ngat....Smile

Patrickman's picture

pansin mo ba na hindi na

pansin mo ba na hindi na related sa kwento ko itong sagutan natin?

 

yep, medyo makulit ka nga, hehe. sana yang enthusiasm mo sa pagiging makulit e ma-convert mo into energy to write something really good oha. basta parang ganun. Ü

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jealousy29's picture

SORRY PO.... hindi na ako

SORRY PO....

hindi na ako mangungulit proms....

 

ngat...

Patrickman's picture

hala, naging emo na...

hala, naging emo na... ahaha... Ü

 

hosha, sige. start writing na. if you need help, i'd gladly help you. pati yung iba pang mga magagaling na writers dito for sure.

 

sige po. :D 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

SimplengRebelde's picture

napansin ko lang..

parang dalawa lang kayong nagbabatuhan ng kung ano ah.. nyeheh..

well dude, ang ganda ng takbo ng story. nabasa ko na ung iba mong gawa at talaga namang parang ano.. ano.. yung ano.. ayon, parang gawa ng hindi tao..

apir dude bangis mo. ^_^

Patrickman's picture

hindi tao?

hmmmm... ok... pero ako'y simpleng tao lamag po at ang kwentong ito ay simple lamang.

pero, yeah, mabangis talaga ako, wehehe... rawr! :D

 

salamat po sa pagbasa. sana comment ka rin sa iba ko pang mga akda, yeah! 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Kinse's picture

Ang kulet ng story eh... ang

Ang kulet ng story eh...

ang kulet ng mga istorya mo..

itago na lang natin sya sa pangalang...blank

i like the way u write, entertaining..

ciao!Smile 

Patrickman's picture

salamat po! :D   I'd love

salamat po! :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

cassandra's picture

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

Pamilyar sa akin ang kwento hehehhee!!

 

hehehhe.. Sapol!

Ganda naman katuwa

Write and rock

Patrickman's picture

ok. . . . . thanks! :D

ok. . . . . thanks! :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

MrToinks's picture

nice.

ang ganda po ng kwento.

bago plang po ako sa site na to at ang  gawa mo po ang unang nbasa ko.

npakaganda kahit super short.

 

hehehe. galing. !!!

paruparongberde's picture

anong kagandahan sa kwetong

anong kagandahan sa kwetong ito eh nagpaikot-ikot lang?  yung pangyayari naman masyadong typical kahit nga simpleng aral di kapupupulutan

 

"Dont shake the roof for the mess of your preferences, Life is a matter of choices, choose and keep the best before somebody picks it"

Patrickman's picture

it's flash fiction. maikli,

it's flash fiction. maikli, simple, straight to the point. opinion mo yan kung sabihin mong hindi ito kapupulutan ng aral. hindi naman lahat ng kwento ay kailangang kapulutan ng aral o magtapos nang happily ever after.

 

baka maibigan mo ang iba ko pang magaganda at mas mahahabang akda, pakibasa na lang po. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star