Isang Maikling Kwento #4
#4: Minsa’y Talagang Hindi Maiwasan ang mga Kinaiinisang mga Pangyayari sa Pang-araw-araw na Buhay
“TANGINANG SPAGHETTI yun a, mukhang nabiktima pa ang sikmura ko… shet,” bulong ni Berto sa sarili habang papasok sa kanyang klasrum. Kakatapos lang ng recess at kumain siya ng spaghetti na umaapaw sa sabaw sa kantina.
Madalas ay pinagbabaon siya ng nanay niya sa eskwela, ngunit sa kasamaang palad noong araw na yaon ay nahuli siya sa pag-gising at hindi siya nakapaghanda ng baon.
Math ang sunod na subject, ang pinaka-hate na hate na subject ni Berto. At nasakto pang medyo natatae siya dahil sa soupaghetti na kinain niya. Pinagpapawisan nang todo si Berto na parang naglalaro ng basketbol. Hindi niya malaman ang gagawin. Gusto niyang magpaalam sa guro na lumabas para magbawas ng sama ng loob pero alam niya na hindi siya papayagan nito, dahil nga katatapos lang ng recess at bitch din ang Math teacher niya.
“Okey class, please finish the seat work at may recitation tayo mamaya. Tatawagin ko kayong lahat para magsagot sa blackboard,” bulalas ng guro habang pumepetiks sa mesa niya.
“Shet! Lalabas na…” hirit ni Berto. Hindi niya malaman ang gagawin. Hindi siya makapag-concentrate sa seat work dahil sa sama ng pakiramdam. Maya-maya’y kinuha niya ang kanyang pad paper at inupuuan niya ito, dahil alam niyang maya-maya’y lalabas na ang ikinasasama ng kanyang kalooban.
Tahimik ang buong klase na nagsasagot ng kani-kanilang mga seat works. Hindi pa uso ang kopyahan noon kaya pahirapan ang mga stupidents. Ngunit sa kanyang upuan, balisa pa rin Berto, naghihintay ng katapusan ng kanyang mundo.
“Ambaho! Shet, ano yun?” hirit ng isang mag-aaral na tila naistorbo ng isang masamang ispirito. “Honga, amoy tae,” hirit ng isa pa. At ng isa pa. At isa pa. Hanggang sa ang buong klase na ang nakapansin. Ito na ang katapusan, sa isip-isip ni Berto. Napatayo ang guro matapos mapansin niya rin ang gumagambalang masamang ispirito sa buong klase. “Okey class, everyone stand up!” utos nito sa mga balisang mag-aaral.
At tumayo nga ang lahat. Maliban sa isa.
At gumuho na nga ang mundo ni Berto nang mga sandaling yaon.
15 September 2006
check out my other works!
http://patrickman.blogdrive.com
http://walruscreativeworks.blogdrive.com
ano meaning ng vicarious? hehehehe...
if this happened tou you while you're young, it gets funnier and funnier as the years go by but less and less humilitating. but it's a different story kung matanda ka na tapos nangyari sayo ito. buti naman at hindi pa nangyari sa akin either, hehe.
I'd love to turn you on...
I know now why your stories are good!
They are simple, and contain quite dynamic character(s). The events and situation in which each characters are placed are common "happenings" that are unforgettable for many of us. We all experience them so they are easy to relate to. :)
Vicarious:
1.performed, exercised, received, or suffered in place of another: vicarious punishment. 2.taking the place of another person or thing; acting or serving as a substitute. 3.felt or enjoyed through imagined participation in the experience of others: a vicarious thrill. 4.
Physiology. noting or pertaining to a situation in which one organ performs part of the functions normally performed by another.
--->from dictionary.com
thanks!
thanks for the good observation and feedback. :D
^ang hirap pa rin ma-gets nung meaning, haha! Ü
I'd love to turn you on...
My Pleasure!
I believe Ruthie meant vicarious as in, experienced through wild imagination. So, the story is not really something that occured based on reality. You wrote it purely out of situations, blown to proportions. :D
Just thought I'd fill in her absence. She went "fishing." xD
went fishing eh?
do you two know each other?
anyway, it's the first time i heard of the word so thanks for teaching me a new one...
I'd love to turn you on...
No... we don't know each other. ^_^
But she sure is a pretty sweet gal! I'll tell ya that! Call me crazy or insane, I really don't mind, but I liked the story #5 so much I made a drawing of it. TADA~~~!!!

I am a lazy colorist, so I'll leave the coloring later when the mood strike. If you don't like it, I'd like your permission for me to keep it. Cause I like it! :D
whoa...
do you know that i have been scouring the earth for an illustrator this past 3 years?
I'd love to turn you on...





Vicarious experience? Ha ha ha ha!
Nakakatawa. :) Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin yung pangalan ng kaklase ko nung elementary na nakaihi sa klase at nakatulog na naglalaway. Kung nangyari sa totoong buhay, kahit pa maging successful ka na balang araw, di ka makakalimutan ng mga kaklase mo. Para sa kanila, ikaw pa rin si Berto, ang nambulabog sa buong klase "once upon a time". Isang napakasaklap na pangyayari, kung ako ang tatanungin.
Hehehe.
:)
Ruthie