Isang Maikling Kwento #5

Patrickman's picture
| |

#5: Huwag Gumawa ng mga Bagay na Siguradong Pagsisisihan sa Bandang Huli

MAY PAGKA-KLEPTO si Marvin. Ugali niya na ang pandedekwat ng mga bagay-bagay kapag walang nakatingin. Gaya na lamang nang minsang walang nakabantay sa tindahan ni Aling Mameng. Inabot ni Marvin ang lalagyanan ng pera at kumupit ng may halagang tatlong daang piso. O kaya nama’y noong pinagdiskitahan niya ang kita ng tatay niyang si Mang Ben sa pagta-tricycle. Na-depress ang tatay niya dahil akala nito’y ibang tao ang kumuha ng pera.

Kupal talaga si Marvin. Walang pinapalampas na sandali. Ngunit isang araw ay nakahanap din ng katapat itong si Marvin.

“Oy! Mangga! Putcha, masarap kumain ng mangga!” bulong ni Marvin sa sarili nang makita ang puno ni Mang Robert ng hitik sa bunga. Walang pinagsabihan si Marvin sa kanyang binabalak. Alam niyang wala namang tao sa bahay ni Mang Robert dahil nagpunta ito at ang kanyang mag-anak sa probinsya. Iyon ang akala ni Marvin.

Inakyat ni Marvin ang pader ni Mang Robert. Swerte nama’t may nakaabang nang panungkit sa bakuran. Dali-daling kinuha ito ni Marvin at inumpisahan nang pitasin ang mga hinog na bunga ng mangga. Dahil nga sa kampante ang loob nitong si Marvin na walang tao sa bahay, naupo pa ito sa isang bangkito na nakakalat sa bakuran at inumpisahan nang ngatain ang mga napitas na mangga. Jackpot na naman, sa isip-isip ni Marvin.

Samantala, dalawang mata ang kanina pang nakamasid sa mga pinag-gagagawa ni Marvin. Hindi ito kumikibo, bagkus ay nagmamasid lang at naghihintay. “Sige kain lang, tangina ka. Sige, pakabusog ka…” bulong nito sa sarili. Ang nagmamay-ari ng dalawang mata na kanina pang nanonood kay Marvin ay walang iba kundi si Mang Robert. Hindi siya sumama sa probinsya dahil medyo inaatake ito ng rayuma. Dating parak itong si Mang Robert, at paborito niyang hulihin dati ay ang mga magnanakaw na tulad nitong si Marvin. Maya-maya pa’y kinuha na ni Mang Robert ang kanyang air gun at unti-unting pinihit ang siradura ng kanyang pinto. Gugulatin niya ang isang batang magnanakaw na kanina pa nagpapakabusog sa kanyang puno ng mangga.

“Sige, putang ina mo, kain pa!” bulalas ni Mang Robert kay Marvin. Hindi nakakibo si Marvin at muntikan pa ngang mabulunan sa manggang nginangata.

“M-Mang Robert, s-sori po!” sagot ni Marvin, na tila tumetyempo nang tumakas.

“Sige, tumakbo ka. Para barilin kita nitong bakal ko! Sige!” kontra ni Mang Robert.

“Dahil sa gusto mo rin lang naman kumain ng mangga, pagbibigyan kita,” dagdag ng parak

“H-huh?” pagtataka ni Marvin.

“Kakainin mo’ng lahat ng pipitasin ko…”

“Waddyamean?!”

Bang! Bang! Sabay laglag ang dalawang mangga. Bang! Bang! At dalawa pa. At maraming beses pa na bumaril ng mangga sa puno itong si Mang Robert.

“Kainin mo ang mga yan,” utos ni Mang Robert, “pati buto kung gusto mo. Basta kainin mo. Kundi’y hindi ka makakauwi!”

“Huwaaaat?!” gulat na sagot ni Marvin, “hindi ko na po kayang kumain! Parang awa niyo na po, Mang Robert, pauwiin niyo na po ako. Hindi na po mauulit!”

“Hindi! Kainin mo’ng mga yan! Kundi’y ikaw ang babarilin ko, tangina ka!” sagot ni Mang Robert.

Ilang sandali pa’y may ilang kabataang umuuzi na sa bakuran. Sila ay mga kalaro ni Marvin ng basketbol na kanina pa siya hinahanap. Laking gulat ng mga ito nang makita si Mang Robert na tangan ang air gun at si Marvin naman na ngumangawa habang kumakain ng mangga.

“Tangina, Marvin, andito ka lang pala! Umatake na naman ang pagka-klepto mo!” hirit ng isa sa kanila.

“Tawagin natin si Mang Ben para maayos na ‘tong gulong ‘to,” hirit ng isa pa.

“Huwag, parang awa niyo na,” pagmamakaawa ni Marvin, “gugulpihin ako nun!”

“Daldal nang daldal! Kain! Putang ina, ikaw na puputukan ko diyan e!” sigaw ni Mang Robert.

At ganoon na nga ang nangyari. Hindi tinawag ng mga kalaro ni Marvin si Mang Ben at nanood lang ang mga ito sa pagsubok na nagaganap sa buhay ni Marvin. Pagkaraan ng isang oras o mahigit pa’y naubos na ni Marvin ang lahat ng mga manggang pinakain sa kanya ni Mang Robert. Botchok ang animal, at magang-maga ang mga mata.

“Ayoko nang Makita ang fez mo malapit dito sa bakuran ko ha. Kundi’y tutuluyan na kita sa susunod, bwakanangpakingshet ka!“ bulalas ni Mang Robert habang papasok sa kanyang bahay.

“Opo,” tugon ni Marvin, “Hindi na po mauulit. Pramiz.”
At tumakbong pauwi si Marvin. Mula noo’y tinigilan niya na ang pandedekwat ng mga bagay-bagay kapag walang nakatingin. ‘Yan ang pagkakaalam ng marami pero wala talagang nakaaalam nang tumpak.

22 September 2006

Patrick Orquia

Please check out my other works!

http://patrickman.blogdrive.com
http://walruscreativeworks.blogdrive.com

Salamat po! Ü


Damaris_Vera's picture

Nakakatawa!

Grabe, nakakatawa talaga!  Salamat sa kuwento.  Maganda ang pagkakasulat!  Sana mahawaan mo ako ng talento mo.  :)

Patrickman's picture

salamat!

salamat at nagustuhan mo... apir!

nawa'y magustuhan mo rin ang iba ko pang mga gawa... :D

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Har har har har! :)

A joke is funny when it's not on you, so they say.  I can't stop myself from laughing hard everytime I read this story.  Salamat sa parusang iginawad mo kay Marvin sa kuwentong ito.  Katawa-tawa pero may aral.  

Sulat ka pa! 

Ruthie

Patrickman's picture

crime is kuripot

 salamat uli, hehe...

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Pmel's picture

Poor Marvin... *giggles*

I have a friend named Marvin. And he would sleep 3 hours of the working time. Bad, bad, Marvin. But he's a sweet guy. I love him very much--- as a friend of course.

This story is rather inspiring... It also reminded of those good ol' days when I was wild and unkempt. Though I never picked mangoes without permissions, I monkeyed around the branches till I find the right mango. Not too ripe, not too young, just right. :)

Patrickman's picture

it's good to ask permission before getting the mangoes, methinks

thanks for the comment. Ü

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Pmel's picture

Indeed!

That reminds me of a proverb that says, "It's easier to seek forgiveness than ask for permission." Poor Marvin, the old man won't forgive him. ^^;

You're most welcome Patrickman! :D

jonsdmur's picture

I love the story... funny

I love the story... funny pero may aral ding makukuha...

Keep on writing... jonsdmur

Patrickman's picture

thanks!

thanks for the comment! hope you enjoy my other works as well. Ü

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Ailem23's picture

nice one!

Hahaha... nakakatuwa at may moral lesson... keep it up!!!

melay

Patrickman's picture

salamat!

:D (speechless)

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com