Isang Maikling Kwento #6

Patrickman's picture
| | |

#6: Mahirap Tanggapin ang Katotohanang Matagal na Panahong Inilihim

 

ISANG ARAW, ilang linggo bago sumapit ang Pasko, tinanong ni Isay ang kanyang kaibigang si Popoy na kung sa tingin ba nito’y may iba nang pamilya ang tatay niya sa ibang bansa. Ang tatay ni Isay ay may labing-anim na taon nang namamasukan bilang isang inhinyero sa isang kumpanya ng langis sa Kuwait.
“Siguro,” sagot ni Popoy.
Nagitla si Isay, dahil inaasahan niyang isasagot ni Popoy ay hindi. Hindi, dahil tapat sa Diyos ang tatay niya. Hindi, dahil mahal ng tatay niya ang nanay niya. Hindi, dahil ang isang magiting na ama ay hindi tatalikdan ang kanyang pamilya.
“Bakit mo ba naman nasabi yan?! Mahal kami ng tatay ko at hindi niya magagawang mambabae,” tugon ni Isay, na halos maiiyak na.
“Nagtanong ka pa!” hirit ni Popoy. Oo nga naman. Tinanatanong siya e. At isinagot niya lang ang kanyang opinyon.
“Tingnan mo ha,” dagdag ni Popoy, “huling beses mong nakita ang tatay mo e katorse anyos ka pa lang. Sobrang tagal niya na dun sa Kuwait. Sabihin na nating mahal niya kayo na pamilya niya. Pero may mga pangangailangan din ang tatay mo na mahirap isawalang-bahala. Pisikal na pangangailangan, Isay. Hindi naman siguro puro salsal lang ang ginagawa ng tatay mo doon, noh? Haler! Malamang e tumitikim-tikim din yun ng mga chikababes. At malaki ang tsansa na may iba nang pamilya ang tatay mo doon.”
“Subali’t,” sagot ni Isay, sabay talikod kay Popoy na parang eksena sa isang telenovela, “hindi iyon magagawa ng tatay ko. Tapat siya sa Diyos at sa nanay ko. Tapat siya sa amin…”
“Right… hoshasha, mabuti pa’y itanong mo na lang sa nanay mo. Kung anu’t ano man ang katotohanan e malamang alam na iyon ng nanay mo.”
“Sige.”
Kinagabihan, pag-uwi ni Isay sa kanila, kinausap niya ang nanay niya. Tinanong niya ito kung may iba nang pamilya ang tatay niya. Nagulat ang nanay niya, at sabay tayo sa kinauupuan nito’t tumalikod din kay Isay na parang eksena sa isang telenovela.
“Alam kong balang araw e itatanong mo rin sa akin yan,” sagot ng nanay ni Isay na si Aling Mercy, isang guro sa isang pampublikong paaralan na big fan din ni Brother Mike. Naghintay ng sagot si Isay.
“Totoo ba, Inay?”
“Oo, Isay. Matagal nang may ibang pamilya ang tatay mo sa Kuwait. Sinabi niya sa akin iyon walong taon na ang nakararaan noong huling uwi niya dito sa atin. Ngunit ayaw niyang ipaalam sa inyo dahil alam niyang masasaktan kayo ng kapatid mo. Masakit ang katotohanang iyon, anak, ngunit iyon ang totoo. May iba nang pamilya ang tatay mo.”
Hindi nakaiimik si Isay. Wari’y tumalsik sa labas ng katawan niya ang buong respiratory system niya’t tila hirap siyang huminga. Siya’y umiyak nang todo, at nagkulong sa kwarto niya nang walong oras na parang naka-shabu. Matapos nang ma-dramang eksena na ‘yon e lumabas na rin nang kwarto si Isay, dahil may exam pa siya sa Math 64. Nagrebyu lang pala siya nang walong oras kaya hindi lumabas. Hirap pa rin siyang tanggapin ang katotohanang nabatid ngunit talagang ganoon. Niyakap niya ang kanyang ina nang nagpaalam siyang papasok sa eskwelahan.
Sa eskwelahan, malapit sa CASAA pagkatapos ng exam niya, nakita niya si Popoy.
“O, anong sabi ng ermats mo?” bati ni Popoy kay Isay.
“Tama ka. May ibang pamilya na nga ang tatay ko.”
“Kitams!”
“Honga e. Pakshet.”

KINAGABIHAN, nag-ring ang telepono nila Isay.
“Hello?”
“Anak! Meri Krismas! Miss ko na kayo! Kumusta kayong lahat diyan?”

Isang pamilyar na tinig. At napuno ng ligaya ang puso ni Isay.

02 October 2006

Patrick Orquia

Para sa iba ko pang kwento/tula/chenelins (kung trip niyo basahin...), punta po kayo dito:

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com salamat po! Ü

 


Pmel's picture

Meh... jumping from one number to another is starting to confuse

Me. Sooooo..., I'll just do em accordingly starting from here. And yes, I will try to finish all by December cause I has somewhere to go! xD

Um... reading this story #6 stiffens my heart. It's a story very much applicable to some of the people and friends I've come to know. I love the ending despite the fact that the father has a different family. Well, actually if the Philippines wasn't such an Orthodox nation, polygamy would have been a norm from the past to this day; times change. 

Patrickman's picture

it happens...

well, it happens naman talaga in real life, di ba? kaya ako, ayoko mag-abroad to work. hangga't kaya dito, sige lang. mami-miss ko luto ng mommy ko, hehe...

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Similar entries