isang PAANYAYA sa lahat ng MANUNULAT na narito

rom26factolerin's picture

 

Para sa lahat ng manunulat at mambabasa, 

Sa aking obserbasyon sa site na ito sa mga nakaraang araw madalas ako makakabasa ng mga puna patungkol sa kalagayang pang literatura ng Pilipinas. Maraming post dito ang tahasang pumupuna sa pagkabulok ng  mga sitwasyong pang kultura ng ating bansa. Nariyan ang paglipana ng mga sulatin at kwentong lalong nagpapalala sa mababang kalagayan at nang iinsulto ng tahasan sa kaisipan ng mga Pilipino. Kabilang dito ang mga “tagalize” o tinagalog na soap opera mula sa mga bansang Latina o Korea.

Walang masama dito kung tutuusin, yun ay kung ang literatura mismo natin ay malusog at maunlad. Sa sitwasyong ang lumalaganap na popular na kultura at literatura mismo natin ay kakikitaan ng mababang-uri (gaya na lang ng mga palabas sa primetime TV) nakikita kong hindi sapat sa isang manunulat (inaari ko na ako ay isang manunulat) ang basta  na lamang mag walang bahala at di kumibo sa gitna ng ganitong kabulukan at pagbulusok ng kalidad ng mga likhang sining.

Dito mismo sa site na ito ay kakikitaan ng mga ganitong uri ng pagbagsak ng kalidad at ang tahasang pamumuna ng iilan upang iangat ang “standard” ng pagsusulat. Ang pamumunang ito ng iilan, kabilang na ang inyong lingkod ay paminsan-minsang sinasalubong ng may di kagandahang reaksyon mula sa author na siyang napupuna. Natural lamang ito, natural lamang sa isang manunulat ang mapuna, ngunit iba ring usapin ang kung paano tinatanggap ang puna.

Naisip ko, kung pupuna lang ako ng pupuna ay walang mangyayari. Sa muntikan ko ng pag alis sa site na ito (namahinga ako ng may ilang buwan sa pag post) bunga ng pagka dismaya sa iilang ‘obra’ dito na napapansin kong hindi sana dapat narito bagkus ay nasa Friendster sana o sa ibang site. Naisip ko na magbahagi na lang.

Inaanyayahan ko ang mga miyembro dito na magbasa ng mga Classic Novel na nasa porma ng eBook. Sa aking blog site www.blah-blahblogs.com ay naglagay ako ng eBook player na tuwing isang linggo ay may ibat-ibang ‘featured eBook’ mula sa mga kilala at batikang manunulat ng ating panahon. Sa Pasimula ay mababasa ninyo doon ang “The Hound of Baskervilles” ni Arthur Conan Doyle.

Inaanyayahan ko din ang lahat ng makakabasa na pag-usapan natin dito at i discuss, pag talunan, alamin ang tungkol sa nabasang eBook. Sa ganitong paraan maaaring lumawak ang ating pang-unawa sa mga literaturang ‘may laman’ na maaari rin nating pag hanguan ng inspirasyon at impluwensya sa ating pagsusulat.   Pagpapaunlad ng nalalaman ito, samantalahin natin na mag-aral at maghasa ng isipan.

Hinihingi ko din ang mga suhestyon ninyo na kung anong eBook ang maaari pa na ilagay sa blog site ko upang mas may pagkaka iba-iba ang mga nilalaman. Balak ko rin ibahagi ang aking koleksyon ng Neil Gaiman stories bilang eComics at iba pang Pop culture sa mga susunod na panahon.

Sa ngayon gawin sana nating ugali ang pagbabasa ng mga librong maaaring makatulong sa ating pagsusulat at sa pagkakaroon ng kaisipang kritikal na maaari din namang makatulong ng malaki sa pag unlad ng kulturang Pilipino.

Narito ang listahan ng iba pang mga eBook na ilalabas kada isang linggo sa www.blah-blahblogs.com

1.       The Brothers Karamazov –Fyodor Dostoevsky

2.       Paradise Lost – John Milton

3.       The heart of Darkness – Joseph Conrad

4.       Moby Dick – Herman Melville

5.       Dracula – Bram Stoker

6.       Anna Karenina – Leo Tolstoy

7.       Crime and Punishment – Fyodor Dostoevsky

Sana ay magustuhan ninyo at mapag diskusyunan natin dito pagkatapos ninyong basahin. Kung may eBook kayo ng mga Literaturang Pilipino maaari ninyong ibahagi rin at ng mabasa ng karamihan.

Salamat po.

Rom 

 

 


Pmel's picture

An E-Book Club!!

What a splendid idea! Thank you Rom. Thank you!

rom26factolerin's picture

Hi Pmel!

 welcome.

Hope you're feeling well, if not you should rest

and shut down that computer and put away your pencil.

we need someone like you here.

i hope it's not dengue. 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

Pmel's picture

No ... it's not.

But I know now how to avoid it.

Thanks. I'll go now. Heh! xD 

 

 

 

franzheed's picture

gritings

It sims yor not well,., By the way i am zik

A well VAliant Relluigious meber Newbie,., Hope You cAn comment me back,. i Started to make some noise,., Tnx A lot

Pmel's picture

Why, thanks Franz. I am well.

I'm a bit astounded however, at your unexpected approach for I don't believe we're that acquainted. In any case, I'll comment on your future posts when I find suit.

Thank you.

meanmissy's picture

nice idea!

bawat isang idea na iyong naiisip ay lubos akong humahanga...gusto ko ang iyong naiisip na e-book sa iyong blog, mukhang maghahanap ako ng oras nyan para magbasa ulit ng libro...salamat sa iyong idea ha....

 

 http://www.technoconvergingzone.com

Adlesirc's picture

e-book

il look forward to it. =)

isa pa lang sa mga nabanggit mo ang nabasa ko (at hindi ko ata tinapos dahil sa lalim ng mga words) Yung the brothers Karamazov.. classic talaga

thanks!

rbolsqp's picture

Project Gutenberg

For More Ebooks, you can try visiting Project Gutenberg.

Varieties of things to read can be found on the site.  You have the option to transfer it to your CP or other portable devices so that you can read them when you have the time.

 

rom26factolerin's picture

yes i've seen the site

project Gutenberg is good, i found JD Salinger's Catcher in rye there. but sad to say they offer text files only. but that's ok we always have the options to convert it to PDF and make an ebook.

if you have any info where to get Filipiniana eBook please share, there are lots of Filipinos craving for that.

thanks for the comment 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

bro ingat ka!!

Bro ingat ka, baka makasuhan ka nyan kung walang pahintulot from the author o kaya ng publisher. Tandaan may copyright sila.

Eh payo lang naman kasi medyo nag-aanyaya ka eh, marami dito sa site na ito ang talagang manunulat, kaya baka isumbong ka nila kasi nga nanakawan ang mga kapwa nating manunulat.

Eh isa lamang pong payo yun, nasa iyo yun bro.

Salamat

Spike

 

 

dyeppri's picture

Hindi Naman Siguro...

Hindi naman siguro Pards Spike kasi pang personal na pagbabasa lang naman at hindi ilalathala/komersyalismo.(Itanong na lang kay talulot) 

Mr. Rom papano kami makakapagcontribute kaya eh nasa abroad kami? Lungkot-lungkutan naman kami at hindi kami makakasali? (sad meCry)tnx 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

rom26factolerin's picture

di siguro

bago ko ginawa ito tiningnan ko ang mga maaring mangyari. ang P2P o peer to peer sharing ay di bawal. Hindi piracy na matatawag ang P2P hanggat hindi nagpapabayad ang isang nagbabahagi nito at hindi pinag kakakitaan.

Kung bawal ang P2P sharing sana ay noon pa nakasuhan ang Utorrent, bitorrent, limewire ISOhunt, the pirate bay at marami pang ibang katulad na site. May mga article ako na gather na magpapatunay ng hindi nakaka apekto ang P2P sa kita ng mga author ng librong ito.

Isa pa ang mga CLASSIC eBook ay di na sakop ng copyright sa kadahilanang nalipasan na ito. sa aking pagkakatanda ay hanggang 70 years lamang mayroon ang isang awtor bilang karapatang ari.

Nakuha ko din ang mga librong ito sa isang site PlaneteBook.com na libre din nilang ipinamamahagi ang mga libro ng walang anumang bayad at may pahintulot na ipamahagi. matagal na ang site nila at kung may makakasuhan man ay sila sana ang naipasara noon pa.

salamat sa concern 

 

 

www.blah-blahblogs.com

rbolsqp's picture

Bro, there's a crackdown on

Bro, there's a crackdown on torrent.  Limewire and ISOHunt have corresponding charges on hand too as I've read from www.techrepublic.com.  However mostly from sharing software files.  

As with copyright, yes they expire.  Some ebooks have copyrights, as indicated in the manuscripts within it.  They may be shared and given away for FREE.  Commercial use is prohibited, if not limited.

rom26factolerin's picture

thanks for the info

 i don't think sharing ebooks with expired copyright is commercial use. the lists of books i mentioned above have been published within the late 1800s so i don't think there is still copyright infringement in there.

right now i'm working some arrangement with Gawad Carlos Palanca Memorial Awards to grant me permission to publish in my site eBooks of those who won on their contest. Pumayag na sila at ibibigay na nila sa akin to this date yung contact numbers ng mga authors na gusto kong ilagay sa site. Sana pumayag ang mga authors at ng marami tayong mabasa.

let's hope for the best! 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

antoneli's picture

salamat sa paanyaya at maaari rin namang...

dumalaw tayo sa http://panitikan.com.ph. your portal to Philippine literature para naman sa magagandang halimbawa ng panitikang Pilipino, Ingles man o Filipino na likha ng ating mga premyadong manunulat. Iba't ibang porma ang naroon. May kritisismo, tula, drama, panitikang pambata atbp.

Upang maging magaling na manunulat, dapat munang maging magaling na mambabasa. Kung hindi pa nakaugalian ang pagbabasa at nais sumulat, simulan na natin.
Maligayang pagbabasa at pagsusulat sa ating lahat!

noid's picture

Palanca Winners Online

Recently discovered that most of the winning works of the Palanca Awards for the years 2006 and 2007 are already available online at the Palanca Awards' new web site. Just click Literary Works in the main menu.

rom26factolerin's picture

salamat kuya

malaking bagay ang site na yan ng Palanca. dati nagkokolekta ako taun-taon ng mga nagwaging akda sa Palanca, hanggang nitong huli napabayaan ko na. ngayon pwede ko na balikan yung mga na miss ko na edisyon ng libro ng mga nagwagi. salamat po.

ngayon wala na po tayo excuse na di magbasa at maglinang ng kaisipan, bigyan natin konting panahon ang pagbabasa para na rin sa pag-unlad di lang ng ating pansariling kaisipan kundi para na din sa pag-unlad sa pamamagitan ng pagtangkilik sa likha ng mga magigiting na manunulat ng lahing Pilipino.

mabuhay ang mga manunulat at mambabasa! 

 

 

www.blah-blahblogs.com

that's nice

ur idea is very nice... malaking tulong nga 'yan para sa mga gustong magsulat na tulad. sa iyong paanyaya mas lalawak ang kaalaman ng bawat isa at sa pagkakaroon ng discussion mas magiging produktibo ang kalalabasan... (sana gnun din isipin ng iba..)

sana makapg comment ka sa mga gnwa kong tula t maikling kwento na pinost ko dito sa site. iwant ur comment pangit o maganda man ito... for me it's all part of what we call constructive criticisms... sana matulungan mo akong pagyamanin ang kahinaan ko sa pagsusulat sa pamamagitan ng mga comment mo... tnx in advance... and more power!!!!!! 

rom26factolerin's picture

sure thing

tulungan lang tayo basta walang pikunan at di naman personal ang mga pamumuna. ako man nag-aaral pa rin kung paano mapapaunlad ang sarili sa larangan ng pagsusulat. 

hayaan mo bibisita ako sa mga gawa mo at magkokomento

salamat sa pagbabasa 

 

 

www.blah-blahblogs.com

tama ka

tama ka... pagtutulungan tlga ang kailangan natin.... sana maiwaksi na natin ang crab mentality ng mga pinoy... umpisahan natin dito

ang pikon ang laging talo di ba???? kaya dapat tlga walang pikunan....