isang pag ala-ala sa ala-alang kakalimutan ko na.
.,tatlong taon na kaming mag kakilala..
pero kalahati ng tatlong taon na'yon ay ako na lang ang nakakakilala sakanya..
dahil hindi na nya ako maalala..
Pinilit kong ibalik ang samahan namin..
kaso wala na akong nagawa..
NAPAG LIPASAN na ng panahon ang storya namin..
Umiikot ang mundo,pero nag pasya akong tumigil kasi baka sa pag ikot ng mundo nya,bumalik sya kung saan nya ako iniwanan..kung saan nya ako kinalimutan..
Pero nag kamali ako,hindi lang pala umiikot ang mundo,nag babago din pala ang direksyon nito..
At ang masaklap..
Naiwan ako..
Napag lipasan ako..
NAKA LIMUTAN NA NYA AKO..
--iyak.lungkot.iyak.mukmok.iyak.drama.--
>>dyan umikot ang buhay ko sa pag hihintay sa araw na mapadaan uli sya sa lugar kung saan nya ako iniwanan.<<
Akala ko hanggang doon na lang ako,kaya hinayaan kong makulong ang sarili ko sa mundong inakala kong aming dalawa..
pero hindi pala.....
Nabuhay ako sa mundong yun sa pamamagitan ng "ala-alang" natira..
pero ala-ala na lang pala talaga....
pinilit kong dugtungan ang storya namin gamit ang ala-ala at pag mamahal ko sakanya..
PERO ngayon..
naubos na..
Naubos na ang ala-ala..
at ang pag mamahal..
nauubos na rin..
"akala ko noon,pag mahal mo ang isang tao,dapat ipag laban mo kahit marami pa ang kontra sa inyo..
pero ngayon nalaman ko na kaya pala maraming HADLANG,
kasi hindi talaga kayo para sa isat-isa.."
hindi ko alam kung kailan darating ang umagang hindi na sya ang unang taong maaalala ko pag mulat ng mga mata ko..
oh..
kailan sasapit ang gabi na hindi na sya ang huling taong iiyakan ko bago ko ipikit ang mga mata ko..
Hindi ko alam..
Ang sigurado ko lang,nagising na lang ako isang umaga at may narinig akong boses galing sa kaibuturan ng puso ko..
na nagsasabing..
"tama na..sobra na..hindi na tamang buhayin mo ang buhay mo sa isang ala-alang alam mong hindi na nya naaalala.."
- - - masaklap nito mahal na mahal ko sya..
- - -pero MAS masaklap kasi alam nyang mahal ko siya,pero binalewala nya..
hanggang dito na lang ako..
masyado ng malayo ang nilakad ko papalapit sakanya para balikan ko yung mga taong DINAANAN ko lang at di ko napansin kasi nag mamadali akong makarating sakanya..
Pero alam kong hindi pa huli ang lahat para baguhin ko ang daan na dinadaanan ko..
naniniwala akong kung nakatakda parin kaming magkita,
magkakasalubong uli ang mga landas namin sa dulo ng mag kaibang daan na tinatahak namin.
FEB. 27,2007 - FEB. 27,2010
[--the end--]
welcome jazsiee...
welcome jazsie...
blog ka lang blog..
>>>dont worry magkikita pa kayo nun...in the near future...
asahan mo...
maraming ganyang story...
kakaiba lang dahil exactong 3 years...
bat ganun?
one thing more...
walang permanent sa mundo...
if you have read Eli rueda guieb's KASAL
marami kang matutunan dun...
favorite short story ko yon...
so that's it...
marami kang makikilala dito...
if you'll be an active FWer...hehe
bye...
....itaga mo sa bato...tiyak sira ang itak mo!!!
SALAMAT
jaszie27
.,tnx sa pag wewelcome..hehe..
oo lam ko namang nag babago lahat..
ngayon nga e,unti unti ng nababago ang lahat..
I am next to BETTER. ;))
salamat..
no worry hilig ko mag blog,
magiging active ako dito..
SALAMAT PO!
para kang si jan di sa ayos mo...
JAN di
thanks and welcome...
if you mind, ill appreciate kung magcocomment ka rin sa mga blogs ko...hope you'll enjoy reading...
....minsan ang panulat ay mas nakakasugat kaysa sa tabak!!!
Nice
Very Nice!
Ganyan lang talaga ang buhay.
Move on....
Napakadaling sabihin, pero alam ko, mahirap talagang gawin. alam ko. pero minsan talagang kailangan. Hindi lang para sa'yo kundi para din sa mga taong nasa paligid mo..Ü
My blogs:






hey readers..
jaszie27
this is my first blog here..so I would be very much happy if you will put some comments. ;))