Isang Pagtanaw sa Nakaraan
Ika-dalawang lingo ko na dito sa bahay simula ng makauwi ako galing sa Dubai para magbakasyon ng apat-napo’t-limang-araw. Namasyal na kami sa Cebu ng tatlong araw, nakapunta na din sa Baguio ngunit dalawang araw lang kasi ma-ulan doon at sobrang lamig. Hindi makayanan ng anak ko at nagyaya ng bumalik sa Maynila..naikot ko na din ang Mega-Mall, SM Edsa, Quiapo, Makati, Cubao at Ermita na halos ikahilo ko na sa kapal ng pollution at daming tao.. mga taong paro’t parito, walang ginawa kung hindi ang maglakad..siguro’y kagaya ko din sila na galing bakasyon na gustong masulit ang bawat minuto na ilalagi sa sariling bayan.. bayan na “miss” ko sa loob ng tatlong taon.
Napagtanto ko sa pag ikot-ikot ko na wala pa rin naman halos pinagbago ang bayan ko. Masikip na kalye na pinuno ng mga jeep at kotseng halos ‘di gumagalaw na animo’y nagmamasyal din gaya ko sa buhay-buhay ng mga pinoy. At sinubukan ko muling sumakay sa jeep. Halos anim na taon ko din yata itong hindi nagawa. Samantalang ito lang ang paraan ko araw-araw sa pagpasok sa Quipo na minasan pa nga ay tumitirik ang sinasakyan kong jeep sa gitna ng baha. Wala na kaming magawa kundi itaas ang puting pantaloon at sumuong sa umaagos na tubig. Agos na nagmumula sa ibang malalaking sasakyang nakakatawid. Sa isip-isp ko ay na-aawa ang mga nakakakita sa amin pagkat nakakunot ang noo ng ilan… Sa loob ng jeep ay siksikan, may mga magkakatabing bading na nagkwekwentuhan na akala mo ay matagal na hindi nagkita-kita. Tumatalsik pa nga ang laway noong isa sa mukha ng kaharap na isa pa ding bading at hindi naman nito inaalintana. Ayo slang kung baga at kapag ako naman ang nagsalita ay tatalsikan din kita. Makabawi man lamang! Mga usapang kay laswa, about sa BF nitong pandak ngunit kay laki naman ng pag-aari at “Dakota-harizon plaza” daw, chuba-chuba ek-ek..
May roon din namang tulog na tulog na binata pero tagihawatin ang mukha. Nagtatalo ang isip ko nab aka nagtutulog-tulugan lang ang mokong kasi panay ang hilig ng ulo nito sa magandang estudyante sa tabi niya. Nakasimangot man ang mestizang dalaga ay wala itong magawa kundi balikatin ang ulo ng katabi. Ikapipitlag naman nito at sabay sabi sa mahinang boses ng “sori”.. Ngunit ang sorry ay hindi na dapat ulitin pero bakit ayon nanaman si binata at nakahilig na muli sa mukha ng dalaga. Siguro’y nagsawa na sa pangigising kaya’t pumayag na din. Napapangite ako pagkat yan din ang style ko noon pero medyo malupit nga lamang kasi pati kamay ko ay kung saan-saan napupunta..
Ibat-ibang klase ng tao ang sakay sa jeep. May mamang naninigarilyo na halos lunukin na ang usok dahil sa pagsaway ng aling mataba.. Napagsabihan din ng driver ang naninigarilyo ngunit ‘di nito pinansin pagkat mas nagalit ang driver sa aling mataba..Dapat daw ay dalawa ang bayad nito bukod sa madaming bit-bit ay dalawang tao na ang inukupa nito. Nagdedmahan na lamang ang tatlo pagkat baka pa makisalo sa away ang manyakis na binatang natutulog sa balikat ng mestizang estudyante..
Hindi naman talaga umaandar ang dyip na kung susumahin ay ten tayms na ang layo ng naglalakad.Nainip na ako at sinabi ko na lang sa driver na may naiwan ako sa tindahan ng bakya kaya’t babalikan ko na lamang, pero ang totoo ay gusto ko lang makalibre tutal ‘di naman kami nailayo ng jeep.
Naglakad ako ng mabilis para mawala sa paningin ng driver na namumula ang pisnge sa galit kasi nabawasan ang kita niya ng walong piso.Sa pagmamadali ko nakabanggaan ko ng balikat ang matagal ko ng kakilala…matagal na matagal na ngunit ‘di ko pa din nalilimutan ang ginawa niyang pag-aahas sa GF ko noong elementarya pa kami. “Putcha, kamusta ka na onyok…na---nagboboksing ka pa ba?! Balita ko ay ikaw na ang binoboksing ng misis mo na inagaw mo sa akin noong elementarya pa tayo…”
Wala kasi siyang trabaho sa ngayon at nagbebenta na lang ng bakya ang misis nya na kanina ko pinuntahan sa ilalim ng tulay doon sa Quiapo. Siya ang nagkwento tungkol kay Onyok. Si Onyok na walang ginawa noon kundi ang basag-ulo kayat ngayon ay basag-basag daw ang mukha kapag binabato ng kutsilyo ng asawa niya. ‘Yun nga lamang at talang mapagmahal itong si Onyok kaya’t hindi magawang iwanan ang magandang asawa. Hindi ko na inantay pa sagutin ni Onyok ang tanong ko at nagpaalam din ako na nagmamadali ako dahil galit ang driver na patuloy pa din sa pagkakatitig sa akin.
Sa kabilang kanto ako lumiko upang magpahinga sa pagkahapo ko at malapit na iyon sa Ever-Recto. Nilapitan ako ng isang matipunong lalaki at sa malaki nitong boses ay nagtanong..”Sir, gusto mo nood ng sine at ako ang taya!”. Tiningnan ko siya mula ulo hangang paa. Sa isip-isip ko ay napagkamalan yata akong nagbibigay serbisyo-personal, punyeta ito ah. Naginit ako na parang gusto ko manapak ng tao pero dehado ako sa laki ng kaha ng babangain ko. May lumapit sa amin at kinausap ng isang bading si matipunong lalaki “Day, gwapo naman nyan akin na lamang siya…” Sabay nagkurutan at naglandian ang dalawang bading na kaharap ko sabay beso-beso. “Pesteng buhay ito!” sabi ko sa matigas na tono sabay layas…
Nag-shopping na lamang ako sa loob ng Mall kaysa magmasid sa labas. Sapalagay ko ay medyo mala sang araw at baka dito sa loob ay maging iba.
Naandoon pa rin si t’yo Paeng na isa pa ring bading. Walang nagbago sa kanya kundi nadagdagan ang puti niyang buhok at siya namang pagkabawas ng bilang ng hibla. Ang nagbago lamang sa kanya pakiwari ko ay itsura. Napromote na daw siya at hindi na siya janitor sa first floor bagkus tumaas ng isang palapag… sa second floor na ang kanyang nililinis ngayon. Nadagdagan ng dalawang daan ang sweldo niya. Tsk..tsk..
Nabili ko ay karagdagang damit tatak ay pidro… makuwelang mga litanya ang nakaimprenta doon na ikakagalak na panalubong sa kwelang tropa sa Dubai.. Isang pares ng Spartan kasi may tibay na itatagal sa paglalakad sa disyerto. Bumili din ako ng limang pares ng medyas na Burlington kasi walang himolmol sabi ni pakyaw para hindi ako matisod… Grabe namang himolmol yun!
Nag LRT na lamang ako kahit siksikan ay sigurado namang makakarating sa Monumento.. Kung bakit kasi hindi pa hangang Valenzuela ang LRT?!… Sagot ng ilan ay dahil sa sigaw sa balintawak ni Bonifacio na “hangang dyan ka lang LRT!” Korny man ang joke pero totoo naman kasi papano nila itatawid sa kabila. Hindi naman siguro magandang mag “excuse” me po sir at ilipat sa Munoz ang bayani, QC na kaya ‘yun.
Sinalubong ako ng pamilya ko pagdating sa bahay. “Kamusta ang pamamasyal mo daddy?” tanong ng anak ko… Masaya kasi ayaw nyo sumama eh. Masaya naman talagang balikan ang dating buhay dba?.
“Sige Daddy sama kami ni Mommy pero sakay tayo sa kotse at isama natin ang driver ha…” makulit na sabi nya..
“Okey bukas sama-sama tayong tatlo pero sa Makati-Square tayo ulit!” tugon ko..
“Nanaman po…”
……………………………
Sunod ay sa Makati naman tayo….
kababawan ng istorya...
mababaw nga lamang po ito...
isa lamang naman pong pagsasalamin ng buhay-buhay... wala nga pong mabigat na aral ang nais ibigay ng may akda. paningit lamang po habang tinatapos ko pa ang isang mabigat na kwento...
salamat sa pagbasa...
...........................................................
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...
medyo naging slow ako! he he he
Sinalubong ako ng pamilya ko pagdating sa bahay. “Kamusta ang pamamasyal mo daddy?” tanong ng anak ko… Masaya kasi ayaw nyo sumama eh. Masaya naman talagang balikan ang dating buhay dba?.
“Sige Daddy sama kami ni Mommy pero sakay tayo sa kotse at isama natin ang driver ha…” makulit na sabi nya..
“Okey bukas sama-sama tayong tatlo pero sa Makati-Square tayo ulit!” tugon ko..
“Nanaman po…”
oo nga pala pag-tanaw nga pala sa nakaraan. kuya pag namasyal ka sama mo naman ako, pero dalhin mo yung kotse at isama natin ang driver ha! sa makati-square gusto ko ha. he he he
PEACE
Wow, mayaman, may kotse!!
Wow, mayaman may kotse!! Pasakay naman!!!Tricycle lang kasi meron kami eh!! TEka bat ka pa nag-dyip, titipid ka noh!! Mataas na kasi yung gasolina eh!!! Mukhang pati pamasahe tataas din!!! Kaya tayong mga OFW ay tatlong beses nabubugbog. Una, tumataas ang bilihin sa bansang pinagtatrabahuhan natin, pangalawa, lumiliit ang halaga ng dolyar meaning lumiit din ang sahod natin, pangatlo, ubod sa tataas ng bilihin sa atin!!! Hay, ang buhay nga naman ni Juan!!
Pwede bang makautang na lang sa iyo dyeppri? Whahaha!!!
But all in all, okay yung sinulat mo!!!
Curious lang ako ano ibig sabihn ng tagline mo na "mananalaytay ang pulang tinta sa itim na ballpen... ay pluma pala" di ko magets, pauso ba yun?
PEACE
MASALAM,
SpIke
hindi ko po mabibigay ang
hindi ko po mabibigay ang kahulugan nyang litanya ko sa ibaba pagkat para sa akin ay malawak ang kahulugan at minsan ay dumedipende sa mood ko pati na din sa babasa...parang isang tula na may ibat-ibang kahulugan... pasensya na po at baka maging borring ang mga salita!
salamat sa iniukol mong panahon!
hindi din po ako nagpapautang bagkus ay namimigay sa karapatdapat!!! hehehe...
...........................................................
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...
Sana...
makauwi uli ako ngayong pasko at makagala sa loobng manila!!!
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."





hayyyyyyy!
di ko makuha ang logic! but anyway natawa naman ako ng konti!
PEACE