Ilang pahina sa Diary ng isang OFW

dyeppri's picture
| |

 

page. 188

 

Septemberer 16, 2007

Dear Diary,

            Kay tagal kong inantay ang tatlong taon. Salamat sa Diyos at patapos na ulit ang isa ko pang kontrata dito sa dubai.  Magkikita na muli kami ni Inay at ng mga kapatid ko.

            Tumawag agad ako kanina kay Boy para ipaalam na sigurado na ang uwi ko bago magpasko. Kinamusta ko na din ang kalagayan ni Inay at maayos naman daw. Napatingnan na sa doctor ang nanglalabong paningin nya. Kelangan daw maoperahan ang kanang mata ni Inay dahil sa lumalalang katarata nito at kung hindi ay tuluyan na syang mawawalan ng paningin. Ang masama pa nito ay delikado nang sumunod ang isa pang mata nya. Malaking pera pa rin ang kakailanganin ko nanaman. Kung bakit kasi hindi nag-iingat kahit alam nyang may diabetes siya.  Tumatanda yata ng paurong!

            Himala naman ngayong walang pabili si Boy samantalang noon pa nya bilin ang playstation 3 at kung ano-ano pang games na akala mo’y napupulot ko lang ang pera.

Hindi nya alam na halos ibenta ko na ang sarili ko dito sa abroad. Siguro naman ay nagbago na sya at nakikitang mas kelangan nila para pambayad sa ospital kay inay at sa pangmatrikula nila ni Belen. Ilang taon na lamang naman at may mga kapatid na akong propesyonal na ‘di tulad sa akin na isang hamak na saleslady lamang dito sa Dubai. Minsan pa nga ay nagsa-sideline para lang makaipon. Hirap talaga ang life ko!

            Si Belen naman ay ayos din daw at nag-duduty na sa internship. Kukunin ko na lamang sya pagnakatapos na kasi maraming bakante sa Nurse dito. Matalino naman kasi yung batang ‘yon. Nagtataka lang ako kasi noong hindi pa ako nag-aabroad ay napakadaldal nya sa akin at napaka-close nya sa akin pero ng maghiwalay kami ay ni-ayaw nya na akong kausapin... siguro nga nama’y nagtitipid lamang sa tawag kasi mahal ang load.

            Pagod ako ngayon kasi ay nagOT ako ng apat na oras dahil kulang kami sa tao. Matutulog na ako ng maaga dahil magkikita kami ni June. Gudnyt!

 

September 17, 2007

Dear Diary,

            Nagkita kami ni June kaninang hapon. Kumain kami sa Pinoy restaurant sa Karama Center at tumuloy kami sa plot nya. Syempre, alam mo na kung ano ang nangyari. Maingat naman kami parati dahil takot akong mabuntis. Hindi dahil sa bawal dito at makukulong ako kundi ay sa kadahilanang madami pa akong obligasyon at pangarap para sa pamilya ko. Kelangan pa nila ako. Sayo ko na nga lang sinasabi lahat-lahat ng hinaing ko sa buhay. Ikaw na nga ang nakakaalam sa buo kong pagkatao… Ang pakikipagBF ko sa ibang mga lahi para lang magkapera ako. Hindi ko naman iyon gusto pero kelangan kasi kulang talaga ang sweldo ko. Paano mabubuhay ang mga mahal ko sa Pinas. Si inay ay parating maysakit at sa pag-aaral nila.

            Hindi pa rin binigay ni June ang perang hiniram nya sa akin. Tatlong buwan na nga iyon. Kung di nga lang nagkasakit ang anak nya sa Pinas ay hindi ko yun papahiramin. Tsaka mahal ko siya kahit may pamilya pa sya sa atin. Ako naman ang kasam nya dito. Masmatagal pa nga kaming magkasama dito kaysa tunay nyang asawa.

Kung hindi nga lang bawal magsama ang hindi mag-asawa dito ay ginawa na namin. Sabi ko kasi sa kanya hiwalayan na nya misis nya. Puro lang pangako…pangako… Tanga nga lamang yata akong naniniwala sa kanya eh. Nyt

September 18, 2007   

Dear Diary,

            Marami na ang nakakapansin sa pangangayayat ko. Madalas kasi akong nagkakasakit pero nilalabanan ko lang ang panghihina. Kahit nga mataas ang lagnat ay sige pa din ako sa pagpasok. Lagnat laki lamang ang parati kong sinasabi.

            Si inay lamang ang nakausap ko sa phone kanina. Ok naman daw sya at talagang mata lamang ang problema. Hirap nga daw sya kumilos sa bahay. May gamot pa naman daw at ang wala ay ang budget sa pagkain nila. Ewan nga kung  bakit biglang lumaki ang gastos nila. Siguro sa taas lamang ng mga bilihin sa atin. Bigas nga ay halos doble na ang presyo. As usual ay wala pa sa bahay ang mga kapatid ko.

            Pahinga na ako kasi ay may lagnat nanaman yata ako. GudNyt

 

September 19, 2007

Dear Diary,

            Nagpamedical check-up ako kanina para sa renewal ng visa ko. 3 days daw malalaman na ang resulta. Kabado nga ako kasi maylagnat pa ako kanina pero talagang wala nang panahon para ipagpaliban muli. Malapit na kasi akong umuwi sa atin.

            Sinundo naman ako ni Mr. Khalid. Siya ang bagong nanliligaw sa akin. Mukha namang may pera at galante pa. Okey lang naman kay June kasi minsan ay biniro ko sya na kung papano kung malaman n’ya na may ibang BF ako at Egyptian pa. Good daw basta may pera ang pabiro n’yang sagot sa akin. ‘Di siya nakakatawa ano! Sinagot ko nga siya na meron naman talaga akong mga BF na ibang lahi. Binalewala lang niya iyon at pakiwari ko ay hindi naniniwala ang mokong. Baka mahal na mahal nya ako at may tiwala!

            Kakatawag lang sa akin ni June at masama daw talaga ang pakiramdam nya kaya hindi nya ako mapuntahan. Hindi din daw siya pumasok  sa trabaho. Gusto ko mang puntahan ay hindi ko magawa dahil gusto ko na din magpahinga. Maaga pa ang lakad ko bukas. Sinabi ko na lamang na magpacheck- sya kung hindi pa okey bukas at sasamahan ko na lamang.

            Gudnyt.

 

September 20, 2007

Dear Diary,

            Leche…Tang-Ina... Tumawag sa akin ang best friend ko sa pinas kanina at duon ko nalaman na may anak na pala ang kapatid kong si Belen. 1 yr old na daw. Nabuntisan daw at iniwan. Kaya pala ganoon na lamang ang pakikitungo nya sa akin ni ayaw nyang magsalita kapag kausap nya ako sa phone. Hindi man lamang pinagtapat sa akin ni Inay ang mga nangyayaring totoo sa kanila. Masamang-masama talaga ang loob ko sa kanilang tatlo. Hindi ko magawa pa sa ngayong tawagan sila dahil baka kung anong masasakit na salita ang masabi ko.

            Ayaw naman sabihin ni Inday ang nangyari kay Boy… Nadulas lang talaga nang masabi niya ang kay Belen. Ako na lamang daw ang magtanong sa Inay ko dahil sa pangangako nya na wala siyang sasabihin. Sila na lang daw bahala sa pag-uwi ko ang magpapaliwanag sa akin ng lahat.

            Hindi ko alam ang nararamdaman kong galit hangang sa ngayong oras. Parang binagsakan ako ng langit at lupa…Ano ba naging pagkukulang ko sa kanila na sa lahat ng oras ay sila ang nasasaisip ko at ang mga pangarap ko para sa kanila...

September 21, 2007

Dear Diary,

            Dito na lamang ako magsusulat sa rooftop ng building ko. Napakataas nito kasi gusto kong makita ang buong paligid ko…ang mundong ginalawan ko sa loob ng tatlong taon. Hindi man natatanaw ang pilipinas pero nakikita ko ang bayang kinalakhan ko… nakikita ko ngayon ang kamusmusan ko hangang sa magdalaga at mapadpad ako dito sa Dubai…

            Matataas na mga gusali lamang ang natatanaw. Kasing taas ng mga pangarap ko na pinipilit abutin… Parati ngang sinasabi ng ama ko noon na gawin ko daw ang lahat para makuha ko lahat ng gusto kong marating… Ginawa ko nga ang lahat-lahat diba?!

Kaya nga nandito ako… nandito ako at magisa… mag-isang pinapasan ang lahat ng mga pagsubok namin sa buhay…

            Matuto daw akong tumayo sa sarili kong mga paa. Iyan pa ang mabigat na sabi ng aking ama…

            Maglakbay daw ako at liparin ko daw ang malawak na kalangitan… Naglakbay na ako at ang hindi ko na lang nararanasan ay ang lumipad…Liparin ang kalawakan...

 

Lumabas na ang Medical Result ko at bukas ay di ko alam kung anong mangyayari pa sa akin… Hindi ko kayang tanggapin… POSITIVE ako sa STD:HIV…

           

………………

             gud nyt…   

           

September 22, 2007

(blank)

September 23, 2007

(blank)

  

dyeppri

dyeppri1975


spike_west's picture

pwedeng isingit ito sa diary

pwedeng isingit ito sa diary nya

SEPTEMBER 24, 2007

Letcheng Lason sa daga na ininom ko hindi naman epektibo, EXPIRED Pala........ nalusaw tuloy ang lalamunan ko.....Siraulong gusali na yan, sinubukan kong lumundag, maalala ko nasa first floor lang pala ang kwarto ko, nagkandabali bali lang tuloy ang buto ko. INIS. Sa sobrang inis ko aatakihin ako sa puso........... ahhhh... ang sakit ng dibdib ko..... AKKKKKKKK (patay)

Dyeppri, mukhang okay yung nadagdag ko, ano!!! Pero bro ang galing ng entry mo na ito...... talagang may maiiwanan sa mga tao, kaya nga tinapos ko na eh!!

Aprub man!!!

SpIke

dyeppri's picture

ayos din bro kaya lang 'di

ayos din bro kaya lang 'di ata pwede bumagay kc wala namang inaatake sa puso na magsusulat pa sa diary nya... 

salamat sa pagbasa po!!!Cool

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...