Isang Pasasalamat
Submitted by chie dela cruz on July 24, 2010 - 2:17pm.
O Panginoong Makapangyarihan,
Alay nami'y lubos na pasasalamat,
Sa lahat ng biyayang Iyong ipinagkakaloob,
Ika'y pinupuri't tunay na pinasasalamatan,
Dahil sa Iyong angking kabutihan.
Iyong pinapatawad aming mga kasalanan,
Binibigyang pagkakataong maituwid ang mali,
Kaya pananampalataya nami'y mananatili lagi,
Gabay Mo'y patuloy at di magmamaliw.
O Panginoong Makapangyarihan,
Paggalang namin sa Iyo'y lubos,
Pag-asa nami'y sa Iyo nagmumula,
Tunay na pagmamahal Iyong ipinadama,
Kaya't buong pusong pasasalamat,
Sa Iyo ibinibigay, mahal naming Panginoon.
» chie dela cruz's blog | login to post comments | 331 reads


