Isang tanghaling binilhan kita ng lobong kulay pula
1
Maya...
Binilhan kita ng dalawang lobo.Kulay pula kasi iyon ang paborito mong kulay. Sabi ko sa iyo,may sorpresa ako sa iyo pag-uwi ko hindi ba? Ito na yun,itong dalawang lobong pula ang sorpresa ka sa iyo.Sana,maging masaya ka.Alam ko,magiging masaya ka.
Naglakad ako sa kalye patungo sa iyo. Palubog na ang araw. Kulay bagong balat na dalanghita ang langit at mamya lamang, magiging kulay pula ito,katulad ng dalawang lobong binili ko para sa iyo.
Makikita mo mamya, magiging pula ang daigdig.Magiging pula ako.Magiging pula ang buong paligid. Magiging pula ka.
Naupo ako sa damuhan.Tumawa ako nang tumawa habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa tali ng dalawang lobo. Mahirap na,baka kumawala pa.
2
Napakaganda mo, alam mo ba iyon? Sa unang pagkakataong nakita kita sa isang sulok ng classroom natin habang tahimik kang nakikinig sa lecture ni ma'am husayan tungkol kay martin luther,umibig na ako sa iyo.Kaya nga hinabol habol kita.Kaya nga kahit sinasabi ng mga kaibigan ko na nagpapakatanga ako sa iyo,minahal pa din kita.Kahit na malayo ang agwat ng katayuan natin sa buhay,minahal pa din kita.Hindi ko alam kung bakit.Basta ang alam ko,wala akong pakialam sa sinasabi ng iba.Mahal kita.May mas mahalaga pa ba doon?
(kung gusto mong malaman kung naging sila,basahin mo ang 4,kung gusto mo naman malaman kung ano ang gagawin niya sa lobo,basahin mo ang 3)
3
sabi mo noong unang pagkakataong nagtalik tayo,para kang naging isang lobo,napakagaan ng iyong pakiramdam,para kang lumilipad sa itaas ng mga ulap. Parang pinuno ng hangin ang iyong paligid...
Naaalala mo ba?
Kaya nga binilhan kita ng dalawang lobong kulay pula.Para silang tayong dalawa.Ikaw at ako.Lilipad paitaas. Mataas na mataas.
Ang dalawang lobong ito ang maghahatid sa atin sa kulay pulang langit.
Ang ating langit.
4
gusto ko sanang ipaalala sa iyo kung bakit mo ako inibig noon.Kung pa'no mo binigyan ng pagkakataon ang ating mga sarili na magkaroon ng isang relasyon.
Umuulan noon. Sinundan kita pauwi sa inyong lumang apartment.Nanatili ako sa labas ng inyong gate.Birthday mo kasi.Gusto ko sanang ibigay ang white gold ID bracelet sa iyo.
Hinihintay kitang sumilip sa bintana o lumabas saglit sa pintuan ngunit nabigo ako.
Matagal akong naghintay sa iyo.Paalis na ako nang lumabas ka ng pinto, umupo sa tapat ng tarangkahan at nanigarilyo.Umiiyak ka kaya nilapitan kita. Gulat na gulat ka nang makita mo ako,gulat na gulat din ako nang makita ko ang duguan mong kamay at ang bahid ng dugo sa iyong damit.
Umiyak ka.Malakas. Yumakap ka sa akin ng mahigpit.
...Napatay ko siya,Pero hindi ko sinasadya...
(kung gusto mo malaman kung sino ang napatay ni maya, basahin ang 6)
5
pinaliguan kita.Nilinis ko ang katawan mo.Patuloy ka sa pagluha. Ilang beses kitang binulungan at niyakap at hinagkan.Hindi ka tumanggi,bagkus, nang inihiga kita sa kama at marahang pinatungan at inangkin,buong puso kang nagpaubaya...
Iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko.Sana, iyon din ang pinakamasayang araw sa buhay mo.
(kung gusto mong malaman kung bakit pumatay si maya, basahin ang 7)
6
ibinalot natin ang duguan niyang katawan sa kumot.Magkatulong nating hinatak ito at isinakay sa compartment ng kotse ko.Bago tayo umalis upang ilibing ang bangkay ng iyong ama sa isang malayong probinsiya, hinawakan mo ang kamay ko at hinagkan ako ng mariin sa aking labi.
7
...Bakit?
...Anong bakit?
...Bakit mo siya pinatay?
...Si papa?
...Oo,bakit mo pinatay ang papa mo?
...Kasi---
...Kasi?
...Simula pa noong bata ako,ginagahasa niya na ako---
...Bakit hindi ka nagsumbong?
...Kanino? Wala akong matakbuhan.Ang sabi ko sa kanya,kung kakantutin n'ya ako, bukas na lang, i-regalo n'ya na sa akin ang araw na 'to, birthday ko naman, pero ayaw n'ya, hindi n'ya 'ko pinakinggan.
Katahimikan
...Gusto ko sana---
...H'wag ka mag-alala, sikreto natin 'tong dalawa.Ikaw lang at ako ang makakaalam nito,tayo lang dalawa.
8
hindi mo alam,matagal na akong nakatayo dito.Hawak ang dalawang lobong pula,nakatanaw sa inyo.
Tumingala ako sa langit.Kulay bagong balat na dalanghita pa din ang kalangitan.Ngunit nararamdaman ko na maya maya lamang,magiging pula na ang lahat.Lahat lahat.
Bakit?Bakit maya?
Malayo pa din sa iyong kaalaman na dumating ako nung tanghaling iyon,dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinalubong ako ng kadiliman ngunit sa gitna ng dilim ay nakakita ako ng kulay pula.Magkalapat na katawan.Hindi ko narinig,bagkus nakita ko sa dilim ang mga ungol mo.Ang mga ungol n'yo.
Bumabayo.Umiigtad.Lumiliyad.
Isinara ko ang pinto, hindi ko na kailangang alamin ang kanyang pangalan o ang iyong mga dahilan.Hindi na.
Tutupukin kita,katulad ng ginawa n'yong pagtupok sa inyong katawan gamit ang init ng iyong pagtataksil.
Tulog na tulog ka pa din.Hinaplos ko ang iyong mukha.Hinagkan ang iyong pisngi.Itinali ko ang isang lobong pula sa headboard ng kama at lumabas ako ng kwarto.
Pinaliguan ko ang bahay natin,kawangis ng ginawa kong pagpapaligo sa iyo noon.Binuhusan ko ang bawat dingding,at bawat sahig.
Tumayo ako sa labas at muling tumanaw sa langit...
Sinindihan ko ang aking pag-ibig at ikaw ay nagliyab. Parang narinig ko pa ang pagputok ng lobo na nakatali sa headboard ng kama natin.
At nakita ko ang paglaki ng apoy ng aking pag-ibig na lumalamon sa iyo.Kasing kulay ng dapithapon.
Binitawan ko ang lobo at pinagmasdan ko ito habang pataas na lumilipad papunta sa langit na unti unting nagiging kulay pula.
Patungo na ako sa iyo.
Dahil ang iyong kamatayan ay ang langit kong inaasam...
...
...
Cp pa din gamit ko, kaya nga hirap mag blog kasi limitado lang sa 7,000+ characters ang pwede ko ma itype kya hirap talaga tapos bigla pang humihina ang connection.
Fans? May fans ba ako d2? Lol.
Salamat talulot. May tanong lang ako, bakit yung signature mo naging "hinahang ?
Di ba mahaba yan dati? :')
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
wow ang sipag mo!
lupeet! kahirap kaya yan.
fans= hehehe. kasama ako dun hehehe
naku, naputol nga ang signature ko eh. aausin ko na lang. nasobrahan ng dalawa kong link sa song na KUlang
http://soundclick.com/share?songid=7575636
http://soundclick.com/share?songid=7553142
mapula nga sinta..
wala sanang magbigay ng pulang lobo sa akin hahaha
...
Salamat prettyfhe...
Isang lobong kulay luntian para sa iyo...
Imaginin mo na lang yung lobo.
Salamat uli.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
...
Salamat sa mga nag comment...
Diwa, pag-isipan kong mabuti ang suhestiyon mo.
Jhon, salamat at nagustuhan mo ito.
Blackwidow, sorry ha, wala akong maisagot sa mga tanong mo. Nirerespeto ko kasi siya ng sobra.
Keira, hintayin ko ang isang dosenang lobong pula.
Salamat.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
!!!
One of these days, am goin to suprise you with a dozen of red balloons.
Hahahahahaha!
like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics
...
magandang kwento. maganda ang pacing, kontroladong-kontrolado mo. pati ang pagpinta mo ng mga eksena. parang nakasira lang ang mga spoiler mo sa ilang parapo. parang mga libro noon na pambata na choose-your-own. parang mas maganda kung wala na ang mga iyon para hindi mawala ang surpresa sa pagdaloy ng kwento.
(MatangPobre: Masdan ang mundo sa mata ng isang Anakpawis)
hi sinta
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
buti nakabalik ka na..
nagustuhan ko ang obra mong ito... ibang istilo na naman kasi ang nakita ko... maganda din ang paglalarawan mo sa mga pangyayari....
Sulat pa...
jhon
Muzta ang babaeng may bayag?
Tagal mong nawala ah? Di mo pa sinasagot mga emails ko.
Nabasa ko na to eh, shinare mo na skin to, bakit umiksi ata?
Nahihiya ako sa mga sinabi ko syo sa friendster, halata bang usisera ako? Hahahaha. Forget it. Baka sabihin pa nya pinagtsitsismaxan ntin sya. Hehehe.
Pansin ko lang, batugs ka pagdating sa pagsagot sa mga messages ko syo sa email. Bwichet, supladita ka.
Biro lang. Peace!
Stronger than the boogeyman hiding in your closet
!!!
Para san ang lobo? Anong jinujustify ng paglipad ng isang lobong pula?
Anong pinahihiwatig nito?
Hate?
Anger?
Jealousy?
If we will look'd deep into the part of the story where they'd become partners in crime, lumalabas na nag give in lang si maya sknya because she wanted to keep her secret. Ginamit lang sya ni maya.
At nagpagamit sya.
It's just like this, i scratch your back,you scratch mine.
Square.
But why two red balloons? Why not a dozen? Why not three? Why not pink or black or white? Why red?
Red? Maybe because love hurts and it symbolizes pain.
Red, for the jilted romance that never yet was.
Red balloons for us.
Red balloons for you.
_yeah am fuckin' sad but I don't stay unhappy for long_
...
Swak na swak!
Gusto tuloy kitang kamayan at palakpakan.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
!!!
I told you the last time na i-installan ko ng opera mini yang cellphone mo, ayaw ayaw ka pa.
Go ahead, give me a big round of applause, pero kalimutan mo na ang shakehands.
like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics
Ayos na ayos!
Ayos na ayos! Panalo ang pagkakagawa. Astig ang style mo p're. Kumpleto sa palitada ang pagkakabuild ng mga scene. Matatag ang mga salitang ginamit, feel mo ang presensiya ng galit at pagmamahal. Pati ang paggamit sa kulay pula, sa lobo, sa bagong balat na dalanghita at sa apoy saktong sakto.
Kung ganito ng ganito ang mga mababasa ko dito, uurungan ata ako ng utong, parang nakakahiyang magpost ng gawa ko. Ahihihihi.
...
Salamat sa'yo francheska.
Hindi naman gan'un nakakaintimidate ang kwento ko, post ka lang ng post, h'wag ka mahihiya.
Salamat sa pagdaan.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
Re: kay blackwidow
Actually, hindi nya din sinasagot ang mga mails ko sa kanya. Dissapointed ako kasi parang, wth ang suplada mo naman. Sumagot siya once, i told her how much i wanted to be like her, smart ass chick, and you know what, isang walang kalatoy latoy na 'AH OKAY THANKS' lang ang reply niya sa akin, after that, she never care to reply kahit isa lang ulet.
Ang sa akin lang naman, 'hello', ang suplada mo naman, pano pa kaya kapag sikat na sikat ka na talagang writer? Diba? Parang, ironic kasi ng dating.
Katulad nito, ganda ng kwento niya, hahanga ka tapos di ka naman papansinin, che-chenezin ka lang.
Wala lang. Rant lang.
Ah gan'un ba?
Suplada ba ako?
Pasensya ka na kung dissapointed ka sa ugali ko at kung hindi man naging maganda ang impression mo sa 'kin.
Oo nga pala, hindi pa tayo magkakilala hindi ba?
:')
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
yow!
Ngayon lang ulit ako nakabasa ng akda mo. Galing...
Ingatski,
Melay
******
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
Melay,
Salamat sa iyong pagdaan at pagbabasa sa aking kwento nuno.
Nagmamahal,
sinta
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
Kay belgian chocolate
Suplada si sinta? Ganon????
Mukha naman hindi, pero ika nga nila, you'll never know.
Baka ang dahilan niya sa pagsusuplada ay nasa tunay na babae. Hahahahahaha. Mukhang hindi naman.
Epal lang.
...
Hindi ko ugali ang ipinopost sa comment box ko ang mga link ng mga blogs at stories ko, ngayon lang at hindi ko pa ipo-post dahil hindi ako pwedeng makapag copy paste,
subukan mong basahin ang -ang diary ng napiping sentimyento sa paralisadong mundo; ang babaeng may bayag-
ang pagsusuplada ko, (kung suplada nga ba talaga ako) ay hindi dahil sa biting sex life at regla.
Hindi ako gan'un kababaw na tao.
:')
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
Hahahahaha
Para naman magiging dirtiest joke ang blog ko na tunay na babae pag dinikit sa babaeng may bayag mo. Hahahaha.
Para kong demonyo na nagfefeeling close sa napaka seryus na anghel. Hahahahahaha.
Digs ko naman na hindi ka mababaw na tao, dont you worry, be happy like jollibee.
Hehehehe!
sabi ko kahapon gusto ko ng apoy...
"sinindihan ko ang aking pag-ibig at ikaw ay nagliyab."
Ang ganda nito... nakakatakot na masaya.
btw, anong nangyari dun sa isang lobo? pumutok na rin ba?
...ang galing, sinagot ni papa jisas ang aking wish. it's a sign.
wag kang pipikit...
siyet
ganda naman nito, and baby youre so fine. hahahaha. lobong pula, LOVE IT!
...
thanks...
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
:-)
galing naman... newbie as i am... paano ako makafollow ng blogs mo? ung naalert ako sa email ko? im trying to look for the subscribe button but cant find one :-(
...sweet
sis, salamat sa pagbabasa...
sa totoo lang, hindi ko din alam eh... mas maganda siguro kung kay Sir Noid ka magtanong tungkol diyan, kasi sa kaso ko, ang natatanggap ko na email alerts galing FW ay doon lang sa post na may comment ako at doon sa post na gawa ko.
thank you and god bless.
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
sinta
sa dalawang taong pagmamatyag at pagsubaybay sa fw, ikaw lang ang nakakagawa ng ganitong kwento. puno ng puso, puno ng sining at puno ng damdamin. palagi kaming bumibisita sa blogsite mo at sana'y makapagpublish ka na ng libro. tagahanga mo kami at susuportahan ka namin sa bawat kwento at tula na isusulat mo.
mabuhay ka.
Salamat sa
Salamat sa suporta.
Maraming mas magaling sa akin dito sa FW, magbasa basa ka lang at maghalungkat ng mga datihang post. makikita mo't marami kang mapupulot na inspirasyon dito.
Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...
Di ko lang nagustuhan
Maganda ang daloy, sarap basahin. Madrama. Tragic. Crime of passion. Nag-picture out din sa akin ang music video ni Lady Gaga na Bad Romance. Nagustuhan ko ang kuwento. Although, nalito ako dun sa bandang huli. Nagtaksil si Maya? (8). Ang akala ko kasi ang conflict lang dito ay yung pagpatay ni Maya sa kanyang ama (4). Kung nagtaksil si Maya, kailangan mo pang ihanay ito sa istorya.
At parang unneccessary rin ang mga naka-parenthesis. Hayaan mong reader ang makadiskubre. Wag mong ibigay ang hint. Tuluy-tuloy naman ang takbo ng istorya. Hindi mahirap sundan.
Di ko lang nagustuhan ang isang diyalogo: ...Kanino? Wala akong matakbuhan.Ang sabi ko sa kanya,kung kakantutin n'ya ako, bukas na lang, i-regalo n'ya na sa akin ang araw na 'to, birthday ko naman, pero ayaw n'ya, hindi n'ya 'ko pinakinggan.(7) Di angkop ang 'kung kakantutin nya ako'. Mas okay kung i-rephrase mo 'to. Mas magada kung indirect ang pagpahayag nito.
...jack darling
Salamat sa puna at komento Jack.
Oo, nagtaksil si Maya sa kanya, iyon talaga ang twist ng story, hindi 'yung pagpatay niya sa kanyang Ama.
Ito kasi ang gusto kong iparamdam sa mga readers ko, na sa umpisa ng kwento, parang wala pang hint na may binabalak na masama ang narrator natin, pero habang pumapasok ka ng pumapasok sa loob ng kwento, unti unti mong mararamdaman na may mali sa kanya, na may naaamoy kang panganib sa malumanay na mga salita.
Itong kwentong ito kasi ay tungkol sa kung paano siya ginamit ni Maya. Kung paano niya ito minahal, ginawa ang lahat para dito para lamang sa bandang huli'y pagtataksil ang igaganti nito sa kanya. Kasi kung mag fo-focus ako sa twist na pagpatay ni Maya sa Ama niya, mawawalan na ng saysay 'yung crime of passion, 'yung dahilan kung bakit niya pinalipad ang isang lobong pula sa langit at kung bakit ang isa nama'y pinaputok niya gamit ang apoy.
May prequel kasi ito, 'yun nga lang hindi ko pa natatapos. Sa prequel, point of view naman ni Maya. Doon maraming tanong na masasagot, tungkol sa totoong nangyari sa bahay nila Maya noong gabing kaarawan nito.
Doon mo din malalaman kung bakit napaka direct ng pagkakasabi ni Maya na kinakantot siya ng Ama niya.
'yung mga naka parenthesis naman, isa iyong istilo na gusto kong (sana) i-master, kaso sablay pa ako dito, hindi ko siya naisakatuparan ng maayos, iba ang nasa isip ko at iba ang naging resulta, hinahayaan ko lang siya diyan kasi pinag-iisipan kong mabuti kung paano ko pauunlarin 'yung nasa isip kong istilo ng pagsusulat ng kwento.:)
Muli, salamat sa iyong oras at panahon.
Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...
Maganda ang pagkakagawa mo
Maganda ang pagkakagawa mo nito sinta.... sana may maisulat ka pa dito sa FW. Hihintayin ko!
NICE ONE!
maharot, malikot titik sa aking tuktok!















uy di ka na naka cellphone
uy di ka na naka cellphone lang...
at natutuwa nanaman ang mga fans mo dito..
at tuluyan na ngang nalunod sa pula ang dalawang katawang tumahimik sa dilim......
http://soundclick.com/share?songid=7575636
http://soundclick.com/share?songid=7553142
"hinahang