isang tula alay para sa 'yong kagandahan
masigasig kong pinuntahan ang iyong lalawigan,
malayo sa kabihasnan, nakatago sa karamihan.
hangad kong makita ang 'yong pamosong kagandahan,
na umaakit sa mga kababayan pati na rin mga dayuhan.
tunay kang nakabibighani, wala akong alinlangan.
di ko alintana ang lakaran na tila walang katapusan,
ang maalikabok, mabangin at bitak-bitak na daan.
mga dambuhalang bato'y nakaharang, sa aking aakyatan
sanhi ng iyong galit ilang taon na ang nakararaan.
susuungin lahat marating lang ang 'yong tahanan.
bago ko masumpungan ang iyong paanan,
dalawang nakamasid na diwata ang aking nadaanan
inilabas ang dalang kamera upang sila ay litratohan.
at sa taglay nilang kaitiman, nasa bungad na nga ako,
nang iyong masukal at luntiang tirahan.
ilang hakbang pa'y akin nang nabungaran,
ang itaas na bahagi ng iyong kalawakan.
hindi magkamayaw kung alin ang unang titingnan,
ang hugis mo ba o ang iyong pinakasinapupunan.
naabot ko rin sa wakas ang iyong kalangitan.
at sa unang pagkakataong ika'y aking nasilayan,
ako'y natulala sa taglay mong kariktan.
napangit't napaluha sa labis na kagalakan.
nilibot ng aking paningin ang iyong angking kabuuan.
kulang ang mga salita para ka mailarawan.
mapalad ako't ikaw ay aking napuntahan
sa kabila ng init at pabugso-pabugsong pag-ulan
tama lang na kaming mangingibig mo'y pahirapan
nang sa ganon ay lalo ka naming pahahalagahan,
pangangalagaan.
kaya't pakiusap mga kaibigan,
"wag sana nating sirain,
lapastanganin,
at dumihan
ang ating inang kalikasan.
author's note: na-inspire akong gawin ang tulang ito pagkatapos kong maakyat ang Mt. Pinatubo noong isang linggo. Napakaganda ng tanawin sa taas. wag po sana nating
sirain. pahalaghan natin ang biyaya ng kalikasan.
at...
paki-klik na lang po ang naka attached na mga files para ma-view ang mga pictures. this is supposed to be a photo blog sana kaso hindi ko alam paano gawin :)
salamat.
| Attachment | Size |
|---|---|
| j1.jpg | 983.73 KB |
| J2.jpg | 634.24 KB |
| J3.jpg | 449.98 KB |
| J4.jpg | 780.57 KB |
| J5.jpg | 957.53 KB |
thanks :)
salamat Jons for viewing the pix. mahilig talaga ako umakyat. and its my pleasure na ibahagi sa inyo ang ganda ng mt. pinatubo. next time doon tau mag grand eyeball,haha. gusto ko nga sana sumama sa EB nyo kaso nakasabay sa pag-akyat. nakita ko mga pix nyo. di ko alam kung saan ka don. wala bang mga solo shots hehe?
salamat uli.
enjoy ko nga ang pic....
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Sana nakasama ka.. di bale enjoy ka naman sa pagakyat eh... ilan sa mga kasama ko umaakyat ng bundok.... lapit lang dito.... sa facebook nakasali ka na ba... add mo na lang me... ang email add ko name ko lang.... un din sa FS... dun makita mo na ako heheeheheh
Ingat!
ok
cge, add kita mamaya. para may new friend ako :)
ingat ka din.




Mahilig ka palang umakyat
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Ang ganda naman ng mga pic... salamat sa pagbahagi sa amin...
Jonsdmur