Isaw
RE: Isa Nang Panatiko
Kailangan kong aminin na no'ng nabanggit mo na naglaway ka sa salitang "isaw", tinakam din ako. Hehehe.
Maraming salamat naman sa 'yong mabubuting salita! Natutuwa ako na na-tripan mo yung mga sinusulat ko.
Sinadya kong ilagay sa gitna at italicized ang unang dalawang bahagi ng tula. Gusto ko sana lagyan ng "narrator feel" (lack of better term) ito bago ipasok ang nalalabing bahagi ng tula. Hindi ko pa 'to nasusubukan kaya interesado rin ako sa magiging reaksyon ng mga tao. Baka kasi mali ang pagkakagawa ko, o kung ano pa man. (Sa puntong ito, kahit ako naguluhan sa pagpapaliwanag ko. Idinaan ko na lang sa pagkamot ng ulo.)
Maraming salamat ulit!
Steady.
PeaceLove&RockN'Roll.
humahanga
im labs your gawa. faaareee ashtig sha.
RE: humahanga
Salamat fineaffle!
I'm Loves you din sa idea mo na sinusubaybayan ko. Ginawa mong Village People si hesus. Hehehehe.
Steady.
PeaceLove&RockN'Roll.



Isa Nang Panatiko
Una kong pagkakita sa titulo - "Isaw", nasambit ko agad na, "ummm.... isaw < drool* >" (gaya ni Homer Simpson). Binasa ko muna bago ko tignan ang pangalan ng may-akda. AHA! Ikaw pa din pala - JenAdriano.
Mula ngayon, markahan mo ang iyong kalendaryo sa cellphone, isa na akong panatiko ng iyong mga gawa.
Malalim ang paghugot ng mga salita ngunit kung sisipating maigi ay matutunghayan ang katotohanang nakapaloob sa iyong mga gawa. Hanggang sa susunod mong mga akda!
-Nobelista
Tanong: Talaga bang naka-sentro ang unang dalawang bahagi ng tula?