ISTADYUM NG CHILE (malayang salin ng tula ni Victor Jara)

Allanjohn Andres's picture

-

-

-

-

-

-

-

-

Limang libo kaming nakapiit
dito sa maliit na distrito ng siyudad.
Limang libo. Ilan kaya kami
sa buong pulo? Sampung libong braso
ang di na makapagpaatungal
ng makina, ang naabala
sa pagbubungkal ng lupa,
gaano kalaking tipak kaya
ng sangkatauhan ang humpak ang sikmura,
walang kumot, pumapalahaw ngayon
sa hapdi at ginaw, tinataranta
ng lagim. Anim sa amin
ay tuluyan nang wala sa piling.
Anim sa amin, kaisa na ng mga bituin.
May isang tinuluyan. May isang nilamog
ng bugbog.  Di ko akalaing
masisikmura palang gawin ng tao
sa tao ang gayong pananakit.
Ang natitirang apat ay malapit
nang masiraan ng bait, waring may nais
takasan o bigyang-wakas.
May isang ibig lumundag sa talampas.
May isang paulit-ulit hinahampas
ang ulo sa pader. Sa mga mata nila,
mamamalas ang nakangising kamatayan.
Sapagkat tiyak kung isakatuparan
ng mga sundalo ang kanilang plano.
Ang dugo ay medalyang nakaaspile
sa kanilang uniporme, ang pagkatay
sa kaaway ay sukatan ng kagitingan.
Panginoon, ito ba ang mundo
na iyong nilikha? Para ba dito
ang isang linggo mong himala?

Pinipilit kong gisingin ang diwa
habang isa-isang nawawala
ang mga kasama sa selda
hanggang wala na akong madama
kundi pintig ng makina at mukha
ng mga sundalong paroo't parito, kalmado
na parang mga komadrona.
At ang buong mundo? Nawa'y isigaw nila
ang kahihiyang ito.
Sampung libong braso kaming pinagkaitan
ng katuturan. Ilan kaya kami
sa buong sambayanan? Gayunman,
ang dugo ng aming kasama at pinuno
ay higit pang madagundong kumpara
sa kanilang bala at pulbura
at ito ang nag-uudyok sa aming kamao
upang huwag mamahinga. Mahirap bumuo
ng awit sa aking kinalalagyan
ganitong inaawit ko ang lagim
ng buhay sa kasalukuyan, ang lagim
na ikamamatay ko kinabukasan,  ang lagim
na datnan ang sarili kapiling
ng nakararami, habang ang himig
ay walang ibang hantungan
kundi walang katapusang tili
at katahimikan. Lahat ng aking nasaksihan
ay di ko nasaksihan 
subalit ang liyab ng damdaming
nadarama sa kasalukuyan
ang siyang tanglaw sa paparating
na araw ng katubusan.


auau's picture

Allanjohn Andres

Allanjohn Andres wrote:

Panginoon, ito ba ang mundo
na iyong nilikha? Para ba dito
ang isang linggo mong himala?

WOW. ang ganda po. :D

 

 

"... dito lang ako

hanggang sa pagdaan mo."

http://tuwatula.blogspot.com/

Allanjohn Andres's picture

-

 

Hi, schoolmate... Maraming salamat sa pagdaan at pag-iiwan ng komento. 

 

 

-----

 

 

Ano pala'ng batch mo sa elbi? Anong course? Nag-Perspective ka ba?

 

 

auau's picture

di po ako taga-elbi

taga-diliman po ako. 05, ComSci. :D

 

 

"... dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo."

http://tuwatula.blogspot.com/

Allanjohn Andres's picture

-

 

ah, haha. dulot kasi ito ng familiarity mo sa select details noong isang trabaho ko (dapithapon sa pamantasan). naku, in-endorse ko pa naman sa iyo iyong iba ko pang elbi poems, mali pala, haha.

anu't anuman, maraming salamat pa rin, auau.

auau's picture

madami po kasi akong batchmates na galing elbi

at dahil sa mga kwento-kwento nila tungkol sa mga lugar dun, mejo parang nakapunta na rin ako dun. haha

"... dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo."

http://tuwatula.blogspot.com/

Allanjohn Andres's picture

-

 

tsk. sa 'yo pa naman sana ako magpapakuwento!

madalas ....

madalas akong makabasa ng mga salin at medyo hindi ko gaanong nagugustuhan. pero itong ginawa mo ay magaling. parang ikaw ang orihinal na gumawa ng tula.

kaya nga nagsubscribe na ako sa posts mo...whehehe parang stalker ang dating.

 

:)

Allanjohn Andres's picture

-

 

 

rEese,

Salamat rin sa komento mo. Ang ganitong modelo (loose translation) ay hango sa pamamaraan ng makatang Jose Lacaba, dahilan kung kaya napangiti ako nang ipagpalagay mong waring orihinal na isinulat sa Filipino ang saling akda.

Allanjohn Andres's picture

-

-

-

-

-

Inilakip ko sa ilalim ang isang salin sa English ng "Estadio Chile" ni Victor Jara.  Pasintabi kung di ko man ma-establish ang pangalan ng nagsalin. Gayumpaman, tumatanaw ako ng malaking utang-na-loob dahil isa ito (kasama ang mga bersyon nina Pete Seeger at Jose Lacaba) sa mga ginamit kong sanggunian sa aking counterpart.

 

-----

 

CHILE STADIUM

 

Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}

There are five thousand of us here
in this small part of the city.
We are five thousand.
I wonder how many we are in all
in the cities and in the whole country?
Here alone
are ten thousand hands which plant seeds
and make the factories run.
How much humanity
exposed to hunger, cold, panic, pain,
moral pressure, terror and insanity?
Six of us were lost
as if into starry space.
One dead, another beaten as I could never have believed
a human being could be beaten.
The other four wanted to end their terror
one jumping into nothingness,
another beating his head against a wall,
but all with the fixed stare of death.
What horror the face of fascism creates!
They carry out their plans with knife-like precision.
Nothing matters to them.
To them, blood equals medals,
slaughter is an act of heroism.
Oh God, is this the world that you created,
for this your seven days of wonder and work?
Within these four walls only a number exists
which does not progress,
which slowly will wish more and more for death.
But suddenly my conscience awakes
and I see that this tide has no heartbeat,
only the pulse of machines
and the military showing their midwives' faces
full of sweetness.
Let Mexico, Cuba and the world
cry out against this atrocity!
We are ten thousand hands
which can produce nothing.
How many of us in the whole country?
The blood of our President, our compañero,
will strike with more strength than bombs and machine guns!
So will our fist strike again!

How hard it is to sing
when I must sing of horror.
Horror which I am living,
horror which I am dying.
To see myself among so much
and so many moments of infinity
in which silence and screams
are the end of my song.
What I see, I have never seen
What I have felt and what I feel
Will give birth to the momentÂ…

 

 

 

 

ayus yung pagkakagamit ng

ayus yung pagkakagamit ng wika para rito. sarap nung mga internal rhyming. 

Allanjohn Andres's picture

-

 

Boss, maraming salamat sa oras mo at komento.  Lubhang nakatataba ng puso ang ganitong mga pagkakataon.