Istoker

Adlesirc's picture
| |

 

 

 

Aaminin ko ba'ng nahulog na ako sa iyo?
Nararapat bang maging tapat
kahit alam ko naman ang isasagot mo?

Paano ba kita sinimulang suyuin ng palihim?
At naisin na kasama mo akong pinanonood
ang mahiwagang takip-silim..

Kailan nga ba ako nagtangkang
bilangin ang mga hakbang papalapit sa iyo?
at sukatin ang distansya ng ating mga puso...

Bakit malalim ang bawat paghinga
habang tinatanaw ang iyong paglakad?
Dahil nga pala -likod mo lang ang kaya kong titigan
at anino mo lang ang kaya kong hagkan...

Sasaluhin kaya ako ng iyong mga bisig
sakali mang tuluyan na akong sa iyoy umibig?
Abot kamay at abot tanaw kita
sadya nga lang mundo nati'y magkaiba.

Kulang ba ang lahat ng kaya kong ialay
para pantayan ang kanyang mga naibigay?
Siguro ay kulang ngang talaga.
kaya hindi na ako magtatangka pa.

Maraming akong tanong.
Alam ko rin ang lahat ng sagot.
Pero sa tuwing nakikita kita.
Natututo ang puso kong umasa.
Basta tandaan mo.
Nandito lang ako.
Matiyagang naghihintay sa'yo.

 

 

***********

Adlesirc 09.14.2010


dollysbigbaby's picture

ARAY

anne, busina ka naman.

 

hehe

 

;-P

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Adlesirc's picture

wehehe

stalker ka pala ha... hehehe

 

salamat sa palagiang pagtangkilik jane :)

 

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

sinta isaac's picture

...

 

ganito pala ang maging stalker, ang alam ko kasing paraan ng pag i-stalk eh 'yung tipong susundan mo siya sa lahat nang pupuntahan niya tapos ti-tiyempo ka lang para makidnap siya at ma rape. hahaha...

 

joke lang. 

 

 

ang ganda nito anne. hindi ko 'to sasagutin, mas magandang ganyan siya, hindi na dapat pakialamanan. :0

 

galing! 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


Adlesirc's picture

haha, isang sincere stalker

haha, isang sincere stalker kasi yung dinedescribe sa tula hindi stalker na manyak. hahaha! kaw talaga. 

 

salamat sa pagbasa Sinta :) oo, wag mo na to sagutin,baka ilampaso na naman ng tula mo ang tula ko. hahaha!

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

sinta isaac's picture

...

 

hahaha... manyak na stalker, natawa ako dun ah.

 

 

Ilampaso ka diyan, hindi naman. Nakakainspire lang kasi 'yung mga tula mo. hehehe.

 

 

alam mo, simula nang EB, pagkatapos n'un nahilig na 'kong mag "hahahahaha" at "hehehehehe" funny no? Enjoy pala.

 

I LOVE FWJ. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


Adlesirc's picture

simula nung sang araw

natuto na ko kumindat! ;P gagayahin ko style mo. haha

 

i love fwj too :)

 

adlesirctavas.blogspot.com

Rom's picture

ang ganda talaga kapag

ang ganda talaga kapag nagkakapanahon si anne magsulat.

pero inaantay ko pa rin ang malupit mong mga short stories straight from the gutter 

 

KarikaTuura

Adlesirc's picture

 salamat kuya. opo, may

 salamat kuya. opo, may maikling storyang malapit nang mabuo. sobrang delay na nga e. hehehe

 

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

Nice Read

Istoker ka pala.. Lolz.  

Adlesirc's picture

 shhh... just a little

 shhh... just a little secret between us freaks. wehehhee

 

kamusta?

 

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

Istoker!   www.markotics.blo

Adlesirc's picture

yes I am, so dont get near

yes I am, so dont get near me. I am a stalker and I bite.

 

 

 

adlesirctavas.blogspot.com