Istorya ng isang gabi

puno na nang tao
ang restowrant na ito
paroo't parito
ang mga abalang
weytress at kusinero
nagsiliparan na rin
ang mga papel na
laman ang bawat order
nilang kakainin.
nagsimula na rin ang banda
at marami na ang kumanta.

sa hapag mesa
bibilangin mo
ang totoong kumakain
dahil ang iba
halakhakan lang
at puros toma
ang gawain.

Kung titingnan
mo masaya ang gabi
kahit umambon
kahit humangin
kahit naulit ang
"underneath it all" na awitin

at kahit pa ang mikropono
pang videoke ang dating

masaya naman ang gabi.

ngunit bakit doon sa may sulok
may kibit balikat
salubong na mata
kuyos na palad
na
nagsabi?

"ANO ANG KARAPATAN NIYA?
SINO ANG HINDI MATINO AT SINO
ANG WALANG STABILITY?"

ngunit ang sigaw niya'y
bulong lang sa hangin
pagkat ang nangingibabaw
ang halakhakan ng lahat
ang order na pasigaw
ang hagalpakan ng kantiyaw
at sa paghintay ng bagong araw

at ang banda, habang kinakanta ng
gwapong bokalista ang,

"HE'S OUT OF MY LIFE!"

PERIOD.


...

bitter ate?

 di naman. eksperimento

 di naman. eksperimento lang yan...

" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang  mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"