It's all because of Love

| |

 

Sino nga ba ang mas matinding magmahal ang isang babae o ang isang babae?

 

           

                        “ Mahal ko si Jeffrey, Isabel at hindi ako papayag na mapunta siya sayo. You don’t deserve him.”

                        “ You wish Meg dahil hanggang pangarap ka na lamang  dahil hindi ka papatulan ni Jeffrey. Tandaan mo isa kang bakla and knowing Jeffrey hindi iyon pumapatol sa bakla.” Sabay talikod ni Isabel sa kaibigan. Kaibigan niya si Meg pero ang pagkakaibigan nila ay nanganganib na mawasak ng dahil sa pag-ibig sa iisang lalaki.

                        “ Hindi Isabel ngayon  lang ako nagmahal, ngayon ko lang nadama ang ganitong damdamin sa puso ko. Gagawin ko ang lahat.” tila baliw na wika ni Meg sa sarili.

            Nagdaan ang ilang lingo nabalitaan na lamang ni Meg na official lovers na sila Isabael at Jeffery halos mamatay siya sa selos ngunit wala siyang magawa. Wala siyang laban kay Isabel kahit mahal pa niya si Jeffrey. Dahil tunay na babae si Isabel hindi tulad niya isang binabae.

                        12 years later…..

                        “ Hi Jeffrey! napatingin siya sa tumatawag sa kanya. Isa iyong napakagandang babae na habang papalapit sa kanya ay mas lalong gumaganda plus factor pa ang katangkaran nito. Nasa SM Mall siya ng mga time na iyon.

                        “ Hi can’t remember me?” saad kaagad ng babae ng makalapit sa kanya. She look blankly at the girl hindi pamilyar sa kanya ang itsura nito ngunit parang may kakilala siyang hawig nito.

                        “ Sorry Miss, hindi kita kilala.” turan ni Jeffrey. Isang pagak na tawa ang pinakawalan ng babae.

                        “ I’m Meagan Samonte your college classmate.” pagpapakilala ng babae. Napaisip si Jeffrey wala siyang maalala na Megan Samonte na kaklase niya noong college.

                        “ I’m sorry Miss but I can’t remember na.” apologetic ang boses niya. Kung kaklase nga niya ito noon ang suwerte naman niya ngayon. These girls really captivate his heart in just one glimpse.

                        “ Don’t bother to think matagal narin ang college life natin. Ang importante ang ngayon.” isang makalaglag pusong ngiti ang binitiwan ni Meagan at napangiti narin si Jeffrey. Doon nagsimula ang maganda nilang pagtitinginan.

                        “ Ginabi ka na naman Jeffrey?” galit na turan ni Isabel sa asawa.

                        “ Isabel nag over time lang ako sa work marami akong inasikaso.” paliwanag ni Jeffrey sa asawa.

                        “ Huwag mo akong gawing tanga Jeffrey nakita ka ni Michelle na may kasamang ibang babae. Madalas na lang yang over time na yan ang idinadahilan mo.” hindi makasagot si Jeffrey masasabi ba niya ang totoo sa asawa na nagkakamabutihan na sila ni Meagan. Ang college classmate niya.

                        “ Asawa mo ako Jeffrey mahal kita, Ibinigay ko ang lahat sayo. Sabihin mo nga Jeff may ibang babae ba sa buhay mo bukod sa akin?” may luha na ang mga mata ni Isabel. Mas pinili ni Jeffrey na huwag na lang sumagot at agad na tinalikuran ang asawa.

                        “ Jeffrey! Jeffrey!”

                        “ Meg what the hell are you doing in your life?” galit na tanong ng kanyang Tita Amara.

                        “ Tita stop acting like that. Wala akong ginagawa.”

                        “ Anong wala? Don’t lie to me alam ko na sinisira mo ang pagsasama nila Isabel at Jeffrey. Meg bakit mo ginagawa ito ha? Kaibigan mo si Isabel.”

                        “ Correction! dating kaibigan hindi na ngayon.” malanding saad ni Meg.

                        “ For God sake Melandro stop that craziness. Bumalik ka na lang sa States.”

                        “ Bakit Tita kasalanan ko bang mainlove sa akin si Jeffery ha?”

                        “ Meg, nanloloko ka ng tao, naninira ka ng buhay ng may buhay. Oo successful nga ang pagpapa sex change mo sa States pero hindi mo maitatago na dati ka paring lalaki. Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito.”

                        “ Simple lang Tita.  Because of love. Ginagawa ko ito dahil sa sobra kong pagmamahal kay Jeffrey. Nagsumikap ako, umunlad and now here I am ganap na babae. Binago ko ang pagkatao ko all because of love. Dahil kahit kailan  hindi ko naramdam na may nagmahal sa akin dahil isa akong bakla. Nakikita nila akong nakangiti pero deep inside Im bleeding.

                        At ngayon na ganap na akong babae. No one can stop me.”

                        “ Meg nahihibang kana.”

Ngunit wala ngang nakapigil kay Meg. Napaibig niya si Jeffrey.

                        “ I love you Jeff.”

                        “ I love you too Meagan.”

                        “ Pero paano may asawa kana. Handa mo bang iwan ang asawa mo para sa akin.”

            Napatango si Jeffrey at halos lumuwa ang puso ni Meagan sa sobrang galak atlast mapapasakanya na ang lalaking pinakamamahal niya.

                                    “ Jeff. Saan ka pupunta?” kinakabahang tanong ni Isabel sa lalaki kasi nakita niya na may dalai tong maleta.

                                    “ Aalis ako.”

                                    “ Jeffrey bakit? luhaang tanong niya

                                    “ Isabel hindi na ako masaya sa piling mo.”

                                    “ Bakit Jeff, dahil ba sa babae mo? Dahil ba sa kanya?” pun ng panunumbat ang tinig ni Isabel.

                                    “ Segi Jeff umalis ka iwan mo ako. Pumunta ka sa kalaguyo, iwan mo na ako kung yan ang gusto mo.” umiiyak na wika ni Isabel. At umalis nga si Jeffrey.

                                    “ Anong ginagawa mo rito Jeffrey?” tanong iyon buhat kay Amarra tita ni Megan.

                                    “ Andiyan po ba si Meagan.”

                                    “ Jeffrey tigilan mo na ang kahibangan mo sa pamangkin ko. Ayusin mo ang pamilya mo.”

                                    “ Mahal ko na po si Meagan.”

                                    “ Hindi mo siya kilala Jeffrey.”

                                    “ Jeff nandito kana pala.” napalingon silang pareho sa tinig ni Meagan.

                                    “ Meg, this is over tapos na ang palabas mo.”

                                    “ Tita ano bang pinagsasabi mo?”

                                    “This is over Meagan.”

                                    “ Tita don’t you dare! Tita don’t dare!” kinakabahang turan ni Meagan. Naguguluhang nagpalipat-lipat ng tingin si Jeffrey sa mag Tita. Pawisan si Meagan at tila kinakabahan ito.

                                    “ Jeffrey hindi mo ba naaalala si Melandro classmate mo ng college. Ayan siya oh, isa na siyang ganap na babae dahil successful ang sex change niya sa State. Kilala mo kung sino si Melandor diba?”

                                    “ Meg, ikaw si Melandro yung gay na kaklase ko nung college?” nagugulumihanang tanong ni Jeffrey.

                                    “ I hate you Tita! I hate you! Nagsisigaw si Meg. Galit na galit itong umalis sa harapan nila.

                                    “ I hope you could forgive my pamangkin nagawa niya lang ang lahat ng ito Jeffrey because of you. Sa pagmamahal niya sayo at sa nararamdaman niyang insecurity sa sarili niya. Akala niya walang nagmamahal sa kanya. Pero hindi niya alam mahal na mahal ko siya and I’m so proud of having him as may pamangkin .”

            Tila binagsakan ng mundo si Jeffrey. How come na nahulog siya kay Melandro ang bakla niyang classmate na nagpasex change. He was totally dumb. Lumong-lumo siya. Hiyang-hiya sa sarili niyang pagkatao. Bumalik siya kay Isabel.

                                    “ Isabel Im sorry nabulag ako sa kanya. Sana mapatawad mo ako.” ramdam ni Isabel ang sincerity sa bawat pangungusap ng kanyang asawa. Alam niya narin na ang kinahumalingang babae ni Jeffrey ay ang dati niyang classmate at kaibigan na si Meg na nagpasex change.

                                    “ Galit ako sa kanya Isabel. Galit na galit. Niloko niya ako.”

                                    “ Jeff, please huwag ka ng magalit kay Meg kahit ganun siya, tao parin siya, may damdamin, may kakayahang magmahal. Ang naging mali lang niya nagmahal siya ng sobra.”

                                    “ Kahit na nanloko parin siya ng tao. Pinaglaruan niya ang damdamin ko.”

                                    “ Hindi ka pinaglaruan ni Meg. Mahal ka niya dati pa noong mga nag-aaral pa lang tayo. Mahal na mahal ka niya kaya nga nagawa niya ang lahat ng iyan sayo at naiintindihan ko siya.

                        Jeff lets start new life at ipagdasal na lang natin si Meg na maging maligaya siya sa buhay natatahakin niya.”

            At  naglapat ang kanilang mga labi. Naroon ang tunay at wagas na pag-ibig sa kanilang puso. Ang pag-ibig walang kinikilalang kasarian. No boundaries, no ifs and but. Tama lang ang magmahal. Ang mali ang magmahal ng sobra.

 

WAKAS