Ituloy mo: THE PURPLE ROOM
Isang umaga nagising na lang ako na nakahiga sa isang purple na kama sa loob ng isang...ehem...purple na silid.
Pinilit kong alalahanin ang pinakahuling bagay na ginawa ko subalit wala akong maalala. Tuwing pipilitin ko, mas lalong lumalabo ang isip ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko kapag pinilit ko pa.
Nasaan ako?
Ano'ng lugar 'to?
Bakit ako narito?
At...sino ako?
Nakakainip.
Naisipan kong tumayo. Sa pagkaalis ng kumot sa aking katawan, doon ko lamang napagtanto na wala pala akong suot na kahit ano. Ako ay hubad.
Masakit ang aking katawan. Pero hindi ko iyon alintana. Tinungo ko ang nag-iisang bintana. Hinawi ang...err, purple na kurtina nito. Ngunit isang salamin ang naroon.
Hindi ko maikubli ang labis kong paghanga sa aking guwapong mukha at matipunong katawan. Ngunit hindi ko kilala ang taong nakikita ko. Sino ako?
Muli kong ginala ang aking paningin sa purple na silid na aking kinaroroonan. Ang mga dingding nito, kisame, maging ang sahig, at kahit ang nag-iisang pinto ay kulay purple. Oo, maging ang door knob ng purple na pinto ay kulay purple din. Ngayon ko lang naisip na nakakabaliw pala ang mapalibutan ng iisang kulay...lalo na ng kulay purple.
Sinilip ko ang ilalim ng purple na kama, nagbabakasakaling naroroon ang aking mga damit. Ngunit walang kahit ano ang naroon.
Ilang minuto pa ang lumipas at parang mababaliw na ako. Walang kahit anumang bagay ang naroroon maliban sa purple na kama.
Muli kong naalala ang purple na pinto. Nilapitan ko ito at sinubukang buksan. Ilang beses ko din iyon sinubukan pihitin ngunit ayaw tuminag ng purple na door knob.
Marahil ay napagod din ako. Naupo ako sa purple na kama. Malalim akong nag-isip. Nang biglang may pumihit sa purple na door knob sa purple na pinto ng purple na silid.
Bumilis ang tibok ng puso ko.#
puro ka-purple-an... hehe
puro ka-purple-an...
hehe
....itaga mo sa bato...tiyak sira ang itak mo!!!
KILALA KO
Kilala ko kung sino ang pumihit sa purple na door knob ng purple na pinto. Actually, dalawa sila. Si barney at yung isa, si tinky Winky.
"I will color the world one step at a time..."





dugtungan ko
isang kamay ang nakitang kong nakahawak sa pinto nang bumukas ito. mula sa kamay, ihinagod ko ang tingin ko pataas sa mukha sa inaasahan kong siislip na anumang oras.
at nagulat ako. tumambad sa aking harapan ang isang nilalang na kamukha ng nakita ko sa salamin sa likod ng purple/lila na kurtina.
mukha ko iyon.