JEALOUS AKO!!(8)T___T''

| |

and then, pagkatapos ng isang linggo ay lumalim na nga ang pagkakaibigan nila ni KEvin. Lumalim na rin ang tampuhan nina Jane at Bella, isang linggo na rin silang hindi nagkikibuan.

Too bad for Bella, lalo siyang nahuhulog kay Kevin, kung dati na wala pa silang problema ay hindi ito sweet, ngayon ay wala itong kasing sweet.

Sa mga araw na iyon, sa tingin niya ay dapat na siyang pumayag sa hinihingi nitong third chance. Pero, naghihintay pa si BElla ng tamang pagkakataon.

"Bella, may..." ani Kevin.

"ANo?" curious na tanong niya dito.

Tumitig ito sa kanya. "Hindi, wala." nginitian siya nito.

Kinabukasan ay nakasalubong niya si KEvin pagpasok sa gate ng eskwelahan nila. "Kevin..." aniya.

Lumingon ito. Walang tugon...

Takang sinundan niya ng tingin si Kevin, nagbago ata ang ihip ng hangin? Muli'y may nakasalubong siyang kaklase nila. "Sheila..." nginitian niya ito.

Sa halip na ngitian din siya nito ay lumapit ito sa kanya, at niyakap.

"Bakit? may problema ka? ANg aga-aga" inakap niya rin ito.

"Bella, may sasabihin ako sayo, ipangako mo, hindi mo sasabihin na ako ang nagsalita tungkol dito." Seryoso ito

Kinabahan siya, mukhang may parating na namang unos...at mukhang hindi niya na kakayanin. "A-ano iyon?" litong tanong niya, na kumalas na sa pagkakayakap dito.  Tinitigan niya ito, para malaman kung ano ang ibabalita nito.

"Si Kevin, nililigawan niya yung kaibigan ko, si Christine." hawak siya nito sa dalawang palad.

Napangiti siya, hidni niya alam kung ano nga ba dapat ang tamang ekspresiyon ng mukha niya. Nananaginip lang ba siya? ISang masmang panaginip? Bangungot?

Tumingin siya sa ibang direksyon, hindi niya kayang pigilin ang nagbabantang luha. Ngumiti siyang peke. "Kelan pa?"

"Nung isang araw."

Tumulo na nga nang tuluyan ang luha niya. "Tiga dito sa school?"

"Oo, naiinis nga ako eh, ang kapal ng mukha ni Kevin." inakap muli siya nito.

Ngumiti ulit siya. Pinunasan niya ang luhang tuloy-tloy sa pisngi niya. "No big deal, ok lang ako, don't worry. Sige, mauna na ako sa taas. Marami pa tayong requirements na ipapasa sa first period natin. "

Dahan-dahan siyang umakyat sa hagdanan. Natatakot siyang bumagsak siyang bigla sa panghihina ng tuhod niya. Pinipigilan man, ngunit tila lalong lumalakas ang mga hikbi niya.

Nakayuko siyang umaakyat sa hagdanan. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin. Kung anong dapat isipin. At kung sinong yayakap sa kanya sa oras na iyon--

May umakap nga sa kanya!

tumingala siya at nakita niya doon ang bestfriend niya. "Bella, i told you! Hindi ko pinipigilan ang kaligayahan mo, pinipigilan ko ang pagiging martir mo."

Yumakap din siya dito, pinakawalan niya na ang kanina pang nais lumabas na emosyon. Humahagulgol siya sa balikat nito. Walang nilalabas na salita, kundi ungol lamang mula sa pagiyak.

Hindi niya alam sa sarili niya, kung paano siya lumaking martir. Hindi niya alam kung paano siya lumaki na madaling mahulog ang loob. At lumaking napakauto-uto.

Ilang beses na nga ba? Ilang beses na nga ba siyang nasaktan sa mga kagayang lalaki ni Kevin?

Isa lang ang napagtanto niya, kung dati na siya ang hinahabol ng mga lalaki...ngayon, siya naghahabol ng mamahalin. Hindi tama ang 2 in 1 method. Hindi tama ang pagkakaroon ng ibang mamahalin samantalang may ibang nagmamahal sayo.

And last, ang huli niyang nalaman ay hindi lahat ng love stories ay nagtatapos sa happy ending.

Heto na, Heto na siya, nagmumukmok sa isang sulok walang ibang kasama kundi ang taong simula't sapul ay nag-aalala sa kanya. ANg taong napagwalang bahala niya dahil sa isang hindi tapat na lalaki.

 THE END

 a sad story that inspires us all in having relationships. it may be a unhappy ending, but in times of problems, unhappy endings can change u into stronger person. Go on, be free to think of everything. We only have once in our lives, experience wat u wanted to experience.

 **----------**

 Now I know you're not a fairytale and dreams were meant for sleeping.
And wishes on a star just don't come true.
cause now even I can tell that I confused my feelings with the truth.
Because I liked the view, when there was me and you.

too sad for her, pero alam naman nating lahat na hindi lahat ng fairy tales ay nagkakatotoo, malay ba natin kung sinadya talaga ng Diyos na wag munang  bigyan ng luvlife si Bella, dahil marami pa siyang dapat unahin bukod dito...

hindi natin nalalaman na kung may plano man tayo, may mas maganda pang plano ang Diyos para ating lahat.

Keep on believing...miracles could happen.  


jonsdmur's picture

Okay sa akin ang ending...

Okay sa akin ang ending... pinapakita dito na hindi lahat ng love story ay happy ending... napakasakit ng nangyari kay Belle sa kwentong ito... Ilang pagkakataon ba ang pwedeng ibigay sa isang pagkakamali? Sabagay sabi nila kapag may nawala may kapalit...

Maganda ang aral na pinapakita dito... nabigo man sa pag-ibig ay dapat pa ring matuto at maging matatag sa sarili.

Para sa akin... tulad ko patuloy pa rin akong nag-a-aral sa tamang pag susulat. Tamang gamit ng balarila para lalong mapaganda ang ating isinusulat.

Salamat sa iyong nobela... sana mabasa mo rin ang ilang akda ko... sa ilang komento sa akda ko ay may matututunan ka...

Mahirap din gumawa ng nobela... hanggang ngayon nahihirapan ako.. Sa kasalukuyan may inaayos akong nobela para sa teknikalidad nito. Sana nga matapos ko na para masubukang maipasa sa isang publisher. At malaman ko kung ano pa ang kailangang malaman at pag-aralan.

Jonsdmur

 

 

sad ang ending kasi di sila

sad ang ending kasi di sila nagkatuluyan pero okay na rin kasi naipakita sa kwento na dapat magiging matatag. It's life may happy ending may hindi. hindi lahat ng love story ay happy ending.

For me ok ang nobela mo

Ailem23's picture

hello bhelle

yan ha, tinapos ko talaga kahit pagod ako sa work.... magandang kwento... talagang hindi lahat ng nasimulang kwento ay magiging isang fairy tale na may happy ending.... magandang kwento... ingat ka lang sa konting technical...

abangan ko pa iba mong post...

ingatski,

melay 

?

ang naalala ko lng sa galing sa bibliya,

777 dapat magbigay ng kapatawaran ang isang tao sa isang taong nagkasala.

hindi man maituturing si Bella na isang tunay na maka-Diyos, isinasabuhay nia pa rin ang mga nakasaad sa bibliya nang di niya nalalaman.

Malamang ang pagiging martyr mo ay hindi masama as long na hindi ka inaabuso ng nasa paligid mo. Dakilang tao si Bella, mapagpatawad. Pero batid nating lahat na ang tao ay natututong masaktan, at natututong, gumanti. Sa buhay ngayon, bibihira ang mga taong kagaya ni Bella, na walang ginawa kundi magpatawad at magmahal.

Wala namang mali sa kanya, ang maliit na pagkakamali niya lang ay ang paraan ng pagbuhos niya ng dakila niyang pagmamahal. Di niya dapat inalayan ng ganung pag-ibig si Kevin. Hindi karapatdapat si Kevin.