JESSICA
lagi mo akong tinatanong
"mahal mo ba talaga ako?"
(kahit na alam mo
na ang aking laging
sagot)
mahal kita
(di ko na kailangang
sabihin iyon)
sapagkat:
ang bawat espasyo ng
daigdig na iyong
napuntahan.
ang lupa sa ilalim
ng iyong talampakan
at hangin sa ibabaw
ng iyong ulo
ang lahat na nanggagaling sayo;
tinig,
laway,
pawis,
hininga.
lahat.
...ay aking iniibig
pinakamamahal.
(kahit di mo alam
kung gaano kita kamahal)
Simple, Pero Cute!
Nakakatuwa itong Tula ba ito. Simple lang , pero sobrang cute, maigsi pero alam mo agad ang nilalaman. Isa lang kahit ano pa meron siya mahal niya talaga. He he he he! Kodus.
Stay In Love!
salamat po sa pag iwan niyo
salamat po sa pag iwan niyo ng bakas....
tama sila. ang
tama sila. ang cute..hehe...parang ang sarap namang ma'inlove pagka ganyan..weeeeeeee....
maraming salamat po....
maraming salamat po....
:)
masmabisa ang tula kung gagamitan ng mga poetic device.sulat lang!
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."
hindi ko na kailangang
hindi ko na kailangang lagyan pa ng kung ano-anong
pampakinang sa aking ginawa...
masakit sa mata yun...
hinayaan ko lang na dumaloy ang mga salita...
ganun pa man...
salamat sa iyong payo...
ANG SWEET. ANG SINCERE. Alam
ANG SWEET.
ANG SINCERE.
Alam mo, ang kabuluhan ng isang eksena (o akda) ay nagmumula sa sensiridad nito at wala ng iba pa. :)
YUN LANG!
... bob
ang kagandahan ng tulang ito ay dumidiretso na agad sa puso, hindi na kailangan ng talinghaga o kung ano pa mang malalalim na salita para masabi kong ang tula mo ay isang magandang katha.
ang kyut kyut. :)
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
maraming salamat po... lubos
maraming salamat po...
lubos akong natutuwa....
Pwede mo s'yang basahin ng
Pwede mo s'yang basahin ng paulit-ulit at iyon pa rin ang makukha mong sagot, ang sagot sa tanong na "mahal mo ba talaga ako?" pero alam mo na 'yun.
"mahal kita" ang sagot at "di ko na kailangang sabihin iyon" sabi mo nga, pero sinabi mo pa rin!
sa huli ay hindi na naman alam ng kausap ng tula ang sagot sa tanong na "mahal mo ba talaga ako?" at uulit na naman s'ya sa pagbabasa... at sasabihin mo ulit ang hindi mo na dapat sabihin, pero sasabihin mo pa rin! Para sa huli hindi na nya ulit alam kung gaano mo sya kamahal... at uulit na naman sya sa pagbabasa... hay! nakakasawa (payo ko lang, i-break mo na lang sya, ang kulit eh, heheheh!)
"... hindi lahat ng tao ayaw mamatay, hindi rin lahat takot maiwanan, pero isa lang ang sigurado ako... lahat tayo dadaan sa ganito...."
-ryanfranciscoampuan-
tanong ni babae sa
tanong ni babae sa lalake...
"mahal mo ba talaga ako"?
paulit-ulit...
lagi namang sagot ni lalake...
"mahal kita..."
(abnoy ka ata alam mo naman ang lagi kong sagot)
sa isip ng lalake....
pero ni minsan di manlang naitanong nitong babae
kung gaano siya kamahal ni lalake....
sabagay magkaibang bagay
sabagay magkaibang bagay naman talaga yung "mahal mo ba talaga ako?" at "gaano mo ba ako kamahal?" anyway nakalagay pa rin naman sa tula yun, Jessica talaga oh!
"... hindi lahat ng tao ayaw mamatay, hindi rin lahat takot maiwanan, pero isa lang ang sigurado ako... lahat tayo dadaan sa ganito...."
-ryanfranciscoampuan-






awwww...
ang sweet. <3
"... dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo."
http://tuwatula.blogspot.com/