JILIANE

to2ito's picture
|

 Hawak ko ang iyong mga kamay

Ipapangako sa bayan na ikaw ay iaalay

Pilit sisilipin kanilang kalagayan

Umabot man ito sa pakikipaglaban

 

Dampi ng labi ko ang iyong noo

Sana makita lahat ng totoo

Huhubugin ka sa isang kaisipan

kung bakit hanggang ngayon lagi pa ring ganyan

 

Aawitan ka sa iyong pagtulog

Kahit na umabot sa iyong paglubog

Hindi rin ako sa iyo mag daramdam

Kung ikaw ay lumaki na anak ng bayan