Jonathan329
Oo, ma-pride ako! Ano ngayon?
As long na tama 'yung pinagtatanggol ko ay may karapatan akong magtaas ng pride. Bakit, mali ba ,yun? Malamang gagawin mo 'yung ginagawa ko ngayon kung sa 'yo ko ginawa 'yung ginawa mo sa akin. Kung hindi naman, bahala ka. Tsaka nga pala, hindi kasi ako 'yung tipong oo lang ng oo, may prinsipyo ako, hanggang maari ay ipagtatanggol ko 'yung ginawa ko (pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako tumatanggap ng aking pagkakamali).
Hindi ako writer tulad mo. Binabasa ko lang ang nakikita ko at nagko-kumento kung ano man ang nasa isip ko. Wala akong sinabi na may mali kang ginawa sa tula mo. Tapos sasabihin mong mali-mali ang pagkasulat ko ng "Kabarkada?" Eh ano ngayon? Hindi naman sa pagsusulat and tinutukoy ko ah. Sinasabi ko lang sayo na baka maaari mong dagdagan ng lihim o lalim ang tula mo gamit ng dunong na nais kong ihatid sa yo. Ano ka ba? Masyado mong dinidibdib ang sinasabi ng iba. Eh ano kung gusto kong ipa-publish ang tula mo? Mabibigyan mo ba ako ng ganyan ugali? Ang yabang mo. Tumutulong na nga ang tao sa yo eh. Mabuti kung magaling na magaling ka sa pagsusulat. Matitiis ko pa. Eh hindi eh.
Gusto mo parin ipagtanggol ang tula mo? Huwag mo na idala sa private message. Ipakita mo sa kanila kung gaano ka lalim ang puso mo.
Siya nga pala. Para sa amin ni Jonathan ang blog na ito. Manood lang kayo. Huwag sisingit. Ang sumingit TANGA!
Nilagay ko na saibaba ang una kong komento sa magandang tula ni Jonatha:


Na-iintindihan ko ang nais mong i-handog sa iyong tula. At nais kong sabihin sa iyo kung paano nag-mula ang salitang, "Ka-barkada." Maaring alam mo na ito, ngunit kung alam mo na, baka magagawa mo rin mag-sulat ng salin ng tulang, "Ang Ka-barkada Mo."
Ang salitang "Ka-barkada" ay nag-mula sa salitang "bangka." Noong panahon ng lahat tayong mga kapatid ay mang-sasaka, palagi tayo na sa bangka. Kaya ang tawag natin sa isa't isa ay, "Kasama (ko) sa bangka." Lumipas ang panahon at ito ay nagmaliit sa salitang "Ka-barkada."
Siguro maari kang sumulat ng salin ng tulang, "Ang Ka-barkada Mo," sa ngayon ay natutunan mo ito. Marahil, mali ang aking pag-paliwanag sa sanghi ng salitang "Ka-barkada." Mag-tanong ka sa ilang professor ng wikang Filipino at tinitiyak ko na wangis ang kanilang pag-paliwanag.