Justice For Rebelyn Pitao

...di nga?
...sino nagsabi? si DND secretary teodoro ba na tatakbo bilang presidente sa 2010? palakpakan!
ang tanong ngayon, yung 2 sundalo ba na yun ay sila talaga ang mga may sala?
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
...
tama ka kislap, parang higante ang hustisya sa bansa natin, kayang kaya nilang apakan ang pisatin ang mga maliliit na nilalang lalo na kung ito'y lumalaban sa kanya.
naiyak ako habang binabasa ko ang tula mo, matagal tagal narin mula nung inamin ko na lumuha ako...
hindi ko lang mapigilan.
masarap sanang mabuhay,
lalo na kung tayo'y malaya mula sa mapanupil na sistema.
nakikiisa ako sa iyo at sa lahat.
ang ating mga pinaglalaban ay atin, hindi kayang agawin ng kahit na sino...
A sorta fairytale with you...
...
Sinta,
pumunta pala kayo nung Baguio, sana ay nagkita tayo o kaya ay nagkamayan sa gitna ng tao---sa session road.
sang-ayon ako sa sinabi mo. hindi lang ito ang unang kaso ng karimarimarim na kalagayan ng hustisya sa ating bansa.
ang nakakatakot nga eh, kasalanan na rin pala ngayon sa mata ng gobyerno, ang magkaroon ng ama na isang NPA.
masakit ang inabot ni Rebelyn, pero maraming aral na mapupulot dito---kagaya na rinng binaggit ko sa aking tula.
nanginginig naman ang aking mga kamay, habang sinusulat ko ang tula para sa kanya. at mamayang gabi sa anibersaryo ng KM 64 poetry kolektib, ang tula na alay ko kay Rebelyn ay bibigkasin ng isa ring kasamang babae.
tagni sinta!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com






Sa Ika-dalawampu ng Marso*
Sa Ika-dalawampu ng Marso*
Ni Kislap Alitaptap
08 Marso 2009
1505 Oras
Nag-aabang ang Marso, sa ika-dalawampu,
Ay magdadalawampu’t isa ka na.
Ngunit lingid sa kanyang pag-aabang,
Siya ay mabibigo sa pagkakataong ito.
Walang kinalaman…
ang kulimlim ng hapon,
Nang sa iyong pag-uwi, ang iyong sinasakyan
Ay pinara. Sapilitan kang isinakay sa puting
Sasakyan, at ang tanging alaala na lang
Na iyong iniwan sa hapong iyon, ay ang
Iyong pagpupumiglas, at ang paghingi mo
Ng TULONG!
Walang kinalaman…
ang tubig sa irigasyon,
Kung saan ka muling nakita na lumulutang
At wala ng buhay.
Walang kinalaman…
ang puting kabaong
At hindi niya itinatago ang mga tama ng
Saksak, sa ibabaw at ilalim ng iyong dibdib.
Walang kinalaman…
ang bakas ng lubid
Sa iyong leeg at ang bakas ng pahirap
sa iyong mga mata.
Walang kinalaman…
ang lupa
Kung dumaloy man sa kanyang bibig,
Ang dugo, mula sa mga sugat sayong katawan.
At kung paano nila pinasakan
Ng kung ano-anong matitigas
Na bagay ang iyong pagkababae.
Walang kinalaman ang kulimlim ng hapon,
Ang tubig sa irigasyon, ang puting kabaong,
At walang kinalaman ang lupa, kung
Mabibigo ang Marso, sa kanyang pag-aabang
Pagsapit ng ika-dalawampu.
Wala…wala…wala silang kinalaman…
Kung mayroon mang dapat na litisin
At dapat na papanagutin, sa walang
Awang pagkitil sa iyong buhay.
Walang iba, kundi sila…
Silang mga nagnanais na patayin ang
Kalayaan at demokrasya sa ating bayan.
Silang mga nagnanais na patahimikin
Ang pag-alingawngaw ng panawagan
Para sa katarungan.
Silang mga nasa kapangyarihan,
Sampu ng kanilang mga bayarang tauhan,
Ang may kinalaman, sa iyong pamamaalam.
Ang iyong pamamaalam, bagamat masakit,
Ito’y nagturo ng isang maningning na kaalaman,
Sa akin, sa kanya, sa kanila at sa iyong mga naiwan.
Ang Katotohanan, Katuwiran at Katarungan:
Ay hindi kailanman, napapanalunan sa peryahan,
Ang mga ito’y hindi rin nasusungkit sa sampayan,
Ang mga ito’y hindi rin isinasaboy ng amihan,
Ang mga ito’y hindi rin inilalako sa pamilihan.
Dahil, ang Katotohanan, Katuwiran at Katarungan,
Ay ipinaglalaban, ito’y pinagbubuwisan
Ng buhay, karunungan at kabataan.
Ang mga ito’y ipinaglalaban, hindi sa kalunsuran.
Ang mga ito’y ipinaglalaban, doon sa kanayunan,
Kung saan, patas na ang laban!
Oo nga’t, hindi ka na makikita ng Marso,
Ngunit sa ika-dalawampu ng buwan na ito,
Hindi lang dalawampu’t isa, kundi
Marami pang iba ang magdiriwang
Ng kanilang bagong kaarawan,
Sila’y lilisan at magpapatala,
Gamit ang mga bagong pangalan. #
* Tribute to Rebelyn “Ivy” Pitao, 20, daughter of Leoncio "Ka Parago" Pitao, head of the Pulang Bagani Command of the New People's Army in the Southern Mindanao Region. She was abducted, tortured, raped and murdered by the elements of military intellegence. Her body, was found by a farmer by an irrigation ditch in Purok 5, San Isidro, Carmen town, Davao del Norte, around 6:30 p.m. on March 05, 2009. She just recently passed the national teacher's board examination and was set to teach at the St. Peter's School in Toril, Davao City.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
www.upalphasigma.org