kaakibat ay gitara
Sa bawat kablit ng kuwerdas
ay nagpapahapdi sa kalyong
kumakapal na sa dulong daliri
ngunit ito lang ang aking paraan
upang ipahatid sa hangin
ang saloobin ko.
Sigaw ng damdamin ay
may kaakibat na musika
animo’y paslit na umiiyak.
Naghahanap nang pagmamahal at
pagkalinga.
Wala mang gustong makinig
sa bawat daing ko- - -
sa bawat pasakit na dulot nito
ay tutugtog at kakanta pa rin ako.
Mananalangin
na may isang dumating na tagapakinig
at magpapatatahan
muli sa akin.
dyeppri
Sana natututo din akong
Sana natututo din akong mag-gitara! kaya lang wala na yung taong nkikinig sa bawat pagkalabit ko sa mga kuwerdas khit na wala sa tono... 
salamat
salamat talulot at aireen...
ang tulang ito ay nagtatago lamang sa likod noong metapora ng isang musikero ngunit sa mensaheng taglay nito ay tumutukoy sa patuloy na pagkabigo niya at naghahanap ng isang matatawag na kanya...
Aireen maraming paraan at hindi lamang sa musika mo ipakikinig sa nais mong ipahatid na damdamin ang ibang tao, maaring sa ganitong tula o maiksing kwento o isang pag-arte sa tanghalan. Maraming klase ang sining.
salamat po.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Salamat sa impormasyon
Salamat sa impormasyon Dyep... nanghihinayang lang ako na di ko natutunan ang tumugtog ng gitara...
"dama mo din ba ang
"dama mo din ba ang lumbay ng aking dalawang linya sa pagdamay sa kalungkutan niya?"
mahusay dyeppri!!!
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Maganda ito! Hindi ka lang
Maganda ito! Hindi ka lang pala pang maikling kwento at nobela pang tula ka pa....
Sana marunong din akong mag gitara... kaso late na yata para pag aralan hihihihihi
Jonsdmur says Life is beautiful!
bwahahahah....
may tula pala akong ganito...jusko (chaka....)!!!!bwahahaha
https://dyeppri.wordpress.com/
"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."





para sa matandang musikero
nice one!!! ang husay!!
"sa sulok, doon siya kumakanta
at ang alikabok ang kanyang madla"
-matandang musikero, pinang
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."