KABABALAGHAN SA DILIM

| |

May isang babaeng nagngangalang Karen siya ay kaibigan ko at mahilig siya mag kuwento sa amin.Isa ito sa mga kuwento niya na may kababalaghang nangyari.

Linggo noon ng papauwi na si Karen sa kanilang bahay..parang wala sa sarili at malayo ang iniisip.Di niya alam kung anong problema ngunit di niya mapigilang maging balisa.

Pagdating sa bahay ay agad siyang pumasok sa kuwarto niya at nagkulong.Marami ang naiisip niya tungkol sa buhay niya at sa pamilya niya. Ayaw niyang magpadala sa mga problemang ito pero ano ba magagawa niya masyado siyang iyakin.

Mga ilang araw rin ang lumipas ng nagkaproblema ang pamilya nila. Nagkasakit ang kanyang kapatid,pinatingnan na nila ito sa doktor ngunit walang makita ang doktor na rason para magkasakit ang bata.

Dahil sa kanilang kahirapan umalis ang kanyang mga magulang at naghanap ng maaring makatulong sa kanila. Ang naiwan sa bahay ay si Karen, ang kapatid na may sakit at ang isa pang kapatid na 2 taong gulang.

Nag-aalala na si Karen sapagkat lalong lumalala ang lagnat ng kapatid.Maya-maya ay narinig niya ang kanyang bunsong kapatid( yung 2 taong gulang ) na tumatawa at para bang may kausap. Nang kanyang tingnan ito sa kuwarto ay nabigla siya sa kanyang nakita ang kanyang kapatid ay nasa itaas ng mesa. Di niya malaman kung paano ito nakaakyat dahil mataas naman daw ang mesa at kahit gamitan pa daw ng kapatid niya ng upuan ay di pa rin maabot.( kung iisipin 2 taon pa lang yun ).

Madilim ang kuwarto dahil nasira ang ilaw dito. Nilapitan niya ang kanyang kapatid upang kunin at dalhin sa labas, ng papalapit na siya ay nakita niya na nag-iba ang mukha ng kanyang kapatid na para bang isang tiyanak, ng makita niya ito di niya mapigilang sumigaw at napatakbo pa siya sa isa niyang kapatid. Di niya alam kung ano ang nakita niya ngunit alam niyang aswang yun, sa pag-alala sa nakaka batang kapatid nilakasan niya ang kanyang loob at pinasok niya uli ang kuwarto. Sa kanyang pagpasok nakita niya ang kanyang bunsong kapatid mahimbing na natutulog at para bang walang nangyari dito.

Nilapitan niya ito at tiningnan ng mabuti Oo, kapatid niya nga ito., Kaya agad niyang kinuha ang kapatid at dinala sa may sala at doon na lang pinatulog.

Mga maghahating gabi na wala pa rin ang kanyang mga magulang kaya naisipan ni Karen na i-text ang classmate namin na si Novae Del at sinabi niya dito ang nangyari sa kanya. Binigyan naman ng advice ni Novae si Karen na mag-dasal upang mawala ang takot niya.

Sa pagdadasal niya ay narinig niya ang isang boses na tumatawa, nanggagaling ito sa kanilang kuwarto, ang boses ay sadyang nakakatakot parang demonyo daw o isang taong nawawala sa sarili, naninindig ang kanyang balahibo, matatakot na sana siya, pero na isip niya ang sinabi ni Novae na mag dasal. ( si Novae ay makadiyos na babae palagi kasi itong nagsisimba ).

Sa patuloy na pagdarasal narinig niyang nawala ang boses at napalitan ng isang lalake na nagsasalita ang sabi daw nito ay " Ano ang magagawa ng iyung pagdarasal, walang magagawa yan dahil walang diyos" pagkatapos nitong sabihin ang mga salita ay agad na tumawa ang lalake na halos sumasakit daw ang kanyang ulo sa tawa nito. Sa galit niya ay para bang nawala ang takot niya tumayo siya at kinuha ang rosaryo at pumasok sa kuwarto. Nang nasa kuwarto na siya ay nasindak siya sa kanyang nakita may isang babae na naka patiwarik at naliligo sa dugo .. Nang tingnan niya ang mukha nito doon na siya mas nasindak na halos ihimatay niya walang mukha ang babae (butas), ang nakikita niya lang ay ang mga uod na mukha.

Di siya nagpatalo sa takot ang ginawa niya ay nilapitan niya ito at sinabing " sa ngalan ng diyos umalis ka dito sa bahay namin" Maya-maya ay nabigla siya nawala ang babae sa harapan niya,pero may nakita siya sa bintana isang lalake na may dalang kung ano, at tumitingin sa bahay.

Natapos na ang mga nakakatakot na pangyayari ng dumating ang kanyang mga magulang at may kasama itong albularyo ang sabi ng albularyo ay meron daw nakita ang anak nito na di tulad sa atin kaya ito nagkakaganito at sinabi pa nito na nararamdaman niya raw na nasa paligid paang may dala ng sakit.

Doon na nalaman ni Karen ang totoo nang sinabi ng kanyang ina ng gabing rin yun, na ang kinatatayuan ng bahay nila ay dating salvage area.

>>: habang nagkukuwento si Karen nito sa loob ng room namin ay may narinig kaming tumawa.

Mark joeri

jonsdmur's picture

Salamat sa iyong pag-share

Salamat sa iyong pag-share ng iyong kwento. mahilig din ako sa mga ganitong kwento at natutuwa ako kapag nakakabasa ako ng mga kababalaghan..

Sa takbo ng kwento ay para sa akin ay maayos mo namang naisalarawan ang mga pangyayari...

Iwasan lamang ang ilang teknikalidad o mga wastong gamit ng salita... Hanggang ngayon patuloy pa rin akong nag-aaral ng balarila... kung gusto mo pwede kong ibahagi sayo... may mga kopya ako na siyang bigay din ng mga frends ko dito...

Masarap magsulat at nagpapasalamat ako dahil nakita ko ang site na ito. Unang nobela ko talagang maraming mali sa teknikal kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagturo sa akin... kahit naman papaano may natutunan na rin ako...

Tuloy-tuloy lang pagsusulat at tulad ko nagbabasa ako ng ilang akda...

Sana may part two ito...

Ingats... keep on writing

jonsdmur

darkjovirt's picture

brrrrerrrhhh!!!

naninindig ang aking balahibo.. sa kwento mo.. umm pwde mag ask sno yung lalaki tumatawa na nag sasabing

" Ano ang magagawa ng iyung pagdarasal, walang magagawa yan dahil walang diyos"

 Dba salvage area ang insidenteng nangyari?

yup

tama ka salvage area yun..di ko rin alam kung sino kahit si karen di niya rin alam..well di ako sure... bak yung alam mo na.....

siguro si sata....ang nagsabi o mismo yung isa sa mga namatay dun...

di rin kasi to nasabi sa akin ni karen eh!

 

darkjovirt's picture

Siguro nga..

sabagay parang si sata yung... sa palagay ko nabuo si sata..  sa pag sasamba ng diyos diyosan o kundi isang ritwal na pagtatawag sa demonyo na ginagampanan ng mga residente doon bago man sila sinalvage... ewan q lang..

hmmm

i'm not sure dark kasi pagkakaalam ko salvage area yun ng mga pinoy noon doon daw tinatapon o pinapatay ang mga pinoy noon ng mga hapon.

kaya di ako sure if there's any ritwal o ano man...

baka paghihigante lang yun.. ng mga andun.

darkjovirt's picture

I see..

ganon ba ang nangyari?? so hindi pa ba nanahimik ang kanilang kaluluwa hanggang sa ngayon??

hmm..

ewan lang dark siguro nga kasi hanggang ngayon may nagpaparamdam pa daw doon sa area na yun...kaya siguro meron pa..

darkjovirt's picture

wow..

ano kaya kung doon kami nakatira siguro di kami makakaabot ng dalawang araw.. dahil sa takot lalo na kung nag-iisa.. Sealed

jeannilyn tueres's picture

"WOW NAKAKATAKOT NAMAN"

"GRABE its so scary!!!!!"

"MABUTI AT NAPAGLABANAN NYA!!!"

"ANG TAPANG NAMAN NIYA!!!!"

"GIRL POWER TALAGAL SIYA"