KABASTUSAN

spike_west's picture

Tanong lang kailan nagiging bastos ang isang tao, at kailan nagiging malaswa ang isang salita?
Ang pagsasabi ba ng salitang PUKE,TITE, BAYAG, KANTOT at SUSO ay mga salitang bastos at malaswa?Marami siguro sa atin, magsasabi OO,bastos yan at malaswa yan! Pero sino ang dapat humusga? Tayo ba? Pero sino ba ang may maruming isip?Sino ba ang malisyoso?Sino ang bastos? HINDI BA TAYO RIN? Di ba nakapalaking KAIPOKRITUHAN yan!

Nakakabawas ba sa respeto ng isang tao ang pagsasabi ng kabastusan, kabawasan ba ito sa kanyang pagkatao? Pero ang respeto ba ay nakukuha sa mga salita?Hindi naman di ba?Ang pagkatao ba ng isang tao ay nasusukat sa kung gaano kadalas nyang sabihin ang mga salita na ito? Hindi rin naman di ba?

Kung nakakamamatay ang pagsasabi ng ganito baka wala ng matira sa mundo!!!

Dati, noong bata tayo lagi tayong sinasaway ng mga magulang natin na masama ang pagsasabi nito. Bastos ka kapag naringgan ka nito. Kaya nakagapos ang ating kamalayan ng ating kainosentehan. Naalala ko pa noon, halos lapuritun ng nanay ko ang bibig ko dahil nagsalita ako ng SUSO. Pero ang totoo nyan nabasa ko lang ang libro ng kapatid kong babae tungkol sa “PUBERTY”.

Maaring okay lang na wag mong sabihan yan kapag bata ka pa,dahil hindi pa natin alam ang bagay bagay.Ssubalit kapag nabukas na ang iyong kaalaman sa usaping sekswal at nagkakaroon tamang kaispan tungkol dito, hindi naman siguro dapat tayong husgahan at sabihang “BASTOS” dahil lamang sa pagsasabi ng ganitong bagay.

 

Sa akin “BASTOS KA” kapag hinusgahan mo ang isang tao batay lamang sa kanyang mga sinasabi. “BASTOS KA”, kapag hindi ka marunong gumalang sa kalayaan nyang magpahayag ng kanyang saloobin. “BASTOS KA” kung mas mayabang ka at pinakapamukha mong MAS MALINIS KA kaysa sa ibang tao. May sari-sarili tayong dungis na kailangan punasan kaya WAG KANG MAGING BASTOS para pulaan mo ang ibang tao base lamang sa kanyang sinasabi.
Maraming “MAS BASTOS “ na tao kaysa sa mga taong nagsasabi ng salitang TITE,KIKE, BAYAG,KANTOT at PUKE. Mga taong walang respeto sa saloobin ng iba, mga taong sarili lang nila ang kanilang iniisip, mga taong makikitid ang utak at mga taong sarado ang utak.Sila ang mga TUNAY NA MGA BASTOS.

Kung ang tao ay may respeto sa iba at sa kanyang sarili, sila ang mga TAONG HINDI BASTOS at hindi ito kayang pasubalian kahit pa magsalita sya ng TITE, PUKE, BAYAG araw araw. Wag tayongmaging IPOKRITO dahil lang sa PAGMAMALINIS NATIN. Hindi hamak na mas madumi ang isip ang taong nakikinig kaysa sa nagsasalita. Huwag tayong magmalinis dahil baka mas nakakasulasok pa ang mga taong nagtatago na kanyang sariling baho kaysa sa mga taong hayagang nagpapahayag nito.

ANG TAONG MGA MAKIKITID ANG MGA UTAK SILA ANG MGA TOTOONG BASTOS. SILA ANG DAPAT MAHIYA AT SILA ANG NAKAKAHIYA?

Huwag tayong mapanghusga, dahil kung paano mo sinukat ang ibang tao, sa ganoong paraan ka ring susukatin nito.

Maraming salamat po.


Rom's picture

bastos nga ba?

 bastos ba ang salitang ganyan? tite, puke, kantot etc. e lahat halos tayo alam yan e. di ka man nagsasalita nyan one way or the other ginagawa mo yan. o kung bata ka pa at walang asawa o GF/BF malamang ginawa yan ng mga magulang mo, humawak, sumubo, nakakita, gumawa etc. kung bastos yan e bastos na tayong lahat.

kung igugugol natin ang buong buhay natin mag-iingat kung bastos ba o hindi ang sasabihin natin, malamang tayo na ang pinaka miserableng nilalang sa buong mundo. walang pinaka matinding censorship sa mundo kundi ang self-censorship. dala ito ng mapanupil sa relihiyong nakagisnan natin.

KarikaTuura

spike_west's picture

kuya

Kamusta na kuya Long Time No hear ah!

Naniniwala ako sa sinabi mo na “walang pinaka matinding censorship sa mundo kundi ang self-censorship” tama yan kaya nga ito ang layunin ng naisulat ko.

 

Pero ang hindi lang ako sang-ayon sa sinabi mo na dahil ito sa relihiyong nakagisnan. Masasabing bastos o hindi ang isang bagay ay hindi dahil sa relihiyon kundi dahil sa dikta ng lipunan.Kung relihiyon ang nagdikta bakit nakabahag ang mga tribong pagano sa kabundukan. Dahil ba sa relihiyon?duda ako, hindi yun dahil sa relihiyon kundi sa kumidad na kinabibilangan nila.

 

Ang lipunan hindi ang relihiyon ang nagdidikta kung bastos o hindi ang isang bagay. Dahil may mga kilala akong mga ateyista na mas konserbatibo pa kaysa sa mga taong simbahan.

 

Kaya kuya hindi pwdeng isisi mo sa relihiyon ang kabastusan.

Ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

spike

 onga long time no hear spike hehe oks lang ako.

sinabi kong relihiyon ang pinaka ugat kasi relihiyon ang sandalan ng moralidad sa isang lipunan at hindi komunidad. sa sistemang gaya ng sa atin dito sa pilipinas na kung saan inalipin at hinubog tayo ng kaisipang katolisismo via espanyol, idinikta ng relihiyong ito ang "good and bad" na dapat nating sundan at iwasan at hindi ito kailanman idinikta ng komunidad o lipunan.

tsaka ano ba ang bastos sa nakabahag? actually kapita-pitagan nga ang ganitong pangkulturang suot kasi ito ang nagpapakita ng totoong pagkakakilanlan o identity ng isang tribu. at hindi sila pagano, may mga diyos sila lalo na ang mga igorot (sila kasi ang nakabahag na tinutukoy mo) may sinasamba sila nagkataon lang na di tulad ng sinasamba mo ang diyos nila. nagiging bastos lang sa pananaw natin ang bahag nila kasi dahil hindi tayo nasanay sa ganoong kasuotan pero sa kanila proud sila sa ganoong kasuotan. although ngayon na naiimpluwensyahan sila ng kristiyanismo at katolisismo ay nag-iiba na ang pananaw nila ikinahihiya na ng mga younger generations ang bahag sa ifugao.

hindi ko isinisisi sa relihiyon per se ang kabastusan, pero kasi nga ang relihiyon ang nagtakda sa ating murang isipan kung ano ang "bastos" at ano ang hindi, kita mo ngayon sino ang nangunguna sa pagtutol sa sex education? ang catholic church di ba? bakit daw? kasi baka daw turuan ng sex ang mga bata. sinong nag-iisip ng bastos ngayon? palagay ko ang kabastusan ang nasa isip ng mga pari at obispo, sila ang naglalagay ng maling moralidad sa isip ng mga tao.

matatanda na tayo di na natin kailangan diktahan kung ano ba ang bastos at hindi ayon sa turo ng simbahan. sinong maysabing tuturuan ang mga bata ng pakikipagtalik? sinong nag-iisip ng ganun? sinong may bastos na kaisipan? di ba ang mga [pari at obispo ng relihiyong tumututol sa sex education at contraceptives?

 

KarikaTuura

spike_west's picture

Kuya

Kuya hindi ko sinasabing panget at hindi nararapat sa ang pagsusuot ng bahag, ang pinopoint out ko lang sa sinabi ko na yun, dahil mayroon na sila ng kamalayan tungkol sa kabastusan kaya nagawa nilang takpan ang kanilang mga maseselang parte ng katawan.

Kung hindi sila mulat sa kabastusan, pwede naman silang maging katulad ng mga batang walang suot.Hindi ba walang malisya yun at kabastusan? Pero bakit tinatakpan pa nila, kasi namulat sila sa kamalayan ng kabastusan. Ngayon ang piopoint ko lang din, relihiyon ba ang nagmulat sa kanila tungkol dito?Hindi, kundi ang komunidad o lipunan nila.

Pagano sila ibig sabihin sinasamba nila ang kalikasan, pero ang kalikasan ba ang nagtakda kung ano ang bastos o hindi?Hindi, kundi sila ding mga pinuno ng kanilang tribo. Kaya relihiyon ba ang nagdidikta, hindi kundi ang lipunan din.

Sabi ko nga sa iyo marami akong kilalang mga ateyista pero minsan mas konserbatibo pa sila kesa sa iba

At kung ididirekta ito sa usaping sex education dahil involve dito ang simbahan. Hindi sinabi wag ituro ang sex education sa eskwelahan, pero dapat nasa tamang gulang na at kamalayan ang tuturuan nito. Macocorrupt ang isipan ng mga bata kung ituturo sa kanila ang mga ganitong bagay. at dahil maaga silang namulat sa kabastusan, maagang ring silang maglalagay ng sensorya sa kanilang mga sarili.

Aminin natin o hindi ,mas mabigat sa atin ang dikta ng lipunan kaysa sa dikta ng simbahan.

Kaya wag nating isisi sa relihiyon dahil bahagi lamang ito ng lipunang kinabibilangan natin.

Ingat kuya  

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

sino nga ba ang mas makapangyarihan?

 hindi ako naniniwalang mas mabigat ang dikta ng lipunan kaysa dikta ng simbahan. bibigyan kita ng lokal na halimbawa wag muna tayo lumayo dito muna tayo sa pilipinas--kasalukuyang panahon at paatras.

tingnan mo ang mga Pulitiko natin, kakandidato sila kanino sila tutungo? di ba humihingi sila ng basbas sa pastor, pari o obispo bagio sila mag file ng candidacy? mapa muslim man. born again o katoliko. nagpapatunay na inaamin nilang mas superyor ang relihiyong kanilang kinaaniban kaysa sa panlipunang posisyon na kanilang ginagalawan.

si Marcos tuwing may mahalagang okasyon sa Malacañang nandun si cardinal Sin. may litarato ay video ito sa archive ng Philippine history. pero sino rin ang nangunang magtawag ng pagpapabagsak kay Marcos? di ba si Cardinal Sin din? gaano karami ang relihiyoso at taong simbahan sa people power?

gaano kalakas ang hakot ng Iglesia ni Kristo pagdating sa Boto? gaanong naapektuhan nito ang milyon-milyong botante? kanino lumalapit ang mga pulitiko pagdating sa punto ng paghingi ng suporta sa mga bill na ipinapasa nila?

atras tayo ng may ilandaang taon, sa kasaysayan ng Pilipinas. sino ang nagpapatay kay Jose Rizal? gobyerno ba? di ba ang relihiyong dala ng españa? sino ang nangamkam ng daan libong ektarya ng lupain sa mga magsasaka noong panong ng kastila? gobyerno ba? hindi ba't mga prayle? tapos ipinamahagi nila ito sa mga insulares at peninsulares noong panahong ang mga mayayamang nasa gobyerno ay nakipag sabwatan sa kanila. kaya magtataka ka ba kung bakit mayayaman ang mga Zobel de ayala, yulo, roxas at iba pa?

ang relihiyon mula pa noon ay ginagamit nang pang supil sa kaisipan ng tao, ang tumutol ay pinapatay at pinararatangang heretics. wag mong sabihing hindi na nagyayari yan ngayon.

eto mula mismo sa caholic encyclopedia: http://www.newadvent.org/cathen/08026a.htm

kung paanong nag-utos ang Papa noong 12th century na ipapatay, tortyurin at parusahan ang sino mang tatalikod at di sasamba sa relihiyong katolisismo. entonses, ang relihiyong ito ay may bahid ng dugo sa kamay. dugo ng milyon-milyong pinapatay nila sa ngalan ng di- pagsunod sa kanila.

ngayon, sino ang mas makapangyarihan? and estado ba o ang relihiyon? kanino ang may mas pinakamabigat na dikta pagdating sa pagpapasunod?

pantay ba talaga ang simbahan at gobyerno sa kapangyarihan? 

 

KarikaTuura

spike_west's picture

Kuya

Kahit medyo lihis na sa usapan natin tungkol sa kabastusan sasagutin ko pa rin ang sinabi mo.

Una, sa lahat walang mataas o mababa sa estado at simbahan, dahil magkaiba sila. Kaya nga hindi sila pwedeng pagsamahin, tubig at langis yan. Kaya mas lalong gumgulo kasi maraming tao ang gustong pagsamahin ang dalawang magkaibang yan.

Una sa lahat, tungkol sa isyung pulitikal at isyu tungkol sa mga paghingi ng basbas sa mga lider ng simbahan. Aminin natin pakulo lang ito ng mga pulitiko hindi para sa BASBAS kundi para sa BOTO. Ngayon ang mga sekta o relihiyon ay kalipunan ng mga tao, kaya san magandang mangampanya, kundi sa mga lugar na maraming tao.Wag tayong maging ipokrito nandun ang mga kandito hindi dahil SUGO sila ng DYOS kundi maraming BOTO ang pwede nilang ibigay.

 Ngayon kung naiimpluwensyahan man ng simbahan ang kaisipan ng mga tao, wala sa simbahan ang problema kundi nasa taong may sariling pag-iisip at sariling desisyon. Hindi ito isang mandato ng simbahan kundi endorso lamang kung sino ang gusto nila. Sa huli nasa kanila pa rin ang desisyon kung sino ang gusto nilang iboto. wala pa naman akong nabalitaan na tiniwalag ng simbahan ang tagasunod nilang hindi ibinoto ang inindorso ng lider nila.

 Tungkol kay Rizal, hindi sya pinapatay dahil sa kinalaban nya ang simbahan. Pinatay sya dahil kinalaban nya ang Espanya. Pinapatay sya dahil pinagbibintangan syang naghihimok na maghimagsik ang mga Pilipino sa Gobyerno ng espanya. Ngayon hindi ko naman nabalitaan na pinapatay sya dahil hindi nya sinunod ang sampung utos ng dyos. kaya batas ng estado ang naging dahilan para ipapatay sya hindi batas ng simbahan.

Tungkol sa isyu ng simbahan, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro, kaya wag nating lahatin ang simbahan dahil lang sa kasalanan ng iiilan. Kung si Hudas nga nagawang traydurin si Jesus, dapat pa nating lahatin ang mga apostoles nya na magiging katulad din nya si Hudas. Kung nagawa ito ng isang alagad ng simbahan, maaaring isa lang syang demonyo nagtago sa simbahan. Yun lang yun kuya.

At pagbalik ko sa isyu kung sino ang may malakas na dikta ang estado ba o relihiyon? Tanungin kita, Bakit maraming naghihiwalay ngayon? Bakit maraming kabataan nabubuntis ngayon?  Bakit maraming may AIDS ngayon? Simbahan ba ang may dikta nito o dahil ito na kasi ang takbo ng lipunan ngayon.

Simplehan lang natin, bakit maraming jejemon? Bakit maraming EMO? bakit maraming mga patay na patay sa mga koreanong boy band na yan? Simbahan ba ang nagdikta, o dahil ito ang uso at palagi nating nakikita sa lipunan natin.

Yun lang yon kuya.

ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

isang mahabang sagot

 hehe nalihis na nga tayo ng topic, pero interesting naman e.

 

Una napaka idealistic na sabihing “walang mataas o mababa sa estado at simbahan” kasi hindi naman talaga ito ang katotohanan. Sa sitwasyon ng lipunan natin magsuri at magmasid at makikita mo ang totoong kalagayan.

Sa isang negosyo na may malaking puhunan, kapag nalugi ka at naubos ang kabuhayan mo lubhang masakit, malamang para kang binagsakan ng langit. Pero may pag asa pa, pera lang yan e pwede mo pang kitain ulit basta’t determinado ka. Pero sa relihiyon, kapag nailigaw ka at naibulid ang kaluluwa mo sa mga maling practices at kaugalian—wala nang balikan yan unless na matatagpuan mo talaga ang tunay na kaligtasan. Kaluluwa na at espirituwalidad ang usapan dito e, di na basta  pera lang. kaya’t kung impluwensyado ng simbahan o relihiyon ang isip ng isang tao o maraming tao hindi biro yun. Di natin pwedeng sabihing nasa sa tao nay un kasalanan nya yun kasi naniwala sya.  Si Jim Jones, leader ng isang relihiyon sa Ghana, Africa, inutusan niyang uminom ng cyanide ang mga miyembro niya pati mga bata---patay lahat. Kasi naniniwala sila na mapupunta sila sa langit. Impluwensya ng maling relihiyon.

Simbahan at relihiyon ang may MORAL na tungkulin sa lipunan, ang sa gobyernong tungkulin ay political kaya’t kung may lipunan o indibidwal na napariwara sino ang dapat pagbalingan? Ang taong napariwara ba? Mangyayari ba ito kung ang relihiyon natin ay totoong kumakalinga sa mga miyembro nito?

Isang halimbawa ang lantarang anomaly sa gobyerno ng mga sinasabing magagaling na pulitiko. Ang mga pulitikong ito ay miyembro ng kaniya-kanyang relihiyon at lantarang tiwali sila. Anong ginagawa ng relihiyon at bakit hindi sila itiwalag sa kinasasapian nila? Bakit patuloy pa rin silang kinakanlong bilang katoliko, born-again o iglesia ni kristo? Nakapag sisimba pa sila ng walang pagsisisi sa parte nila, At patuloy pa rin nilang ginagawa ang kalokohan nila? Kunsintidor hindi ba?

Medyo kailangan mo rin rebyuhin ang Philippine history spike, tingnan mo kung sino talaga ang dahilan ng pagpapapatay kay Jose Rizal. Ang premise na “ang kasalanan ni Juan ay di kasalanan ni Pedro” ay aplikable lamang sa pang indibidwal na hustisya.  Ang relihiyon ay may pandaigdigang sakop at ang hawak nito ay kaluluwa ng sangkatauhan—hindi biro biro lang yan. Kaya’t kung ang relihiyon mo ay may dugo sa kanyang mga kamay at may kasaysayan ng pamamaslang sa mga inosente ng wala man lang pagsisisi sa kanyang ginawa, palagay ko dapat magi sip-isip ka muna. Personally, hindi ko ilalagay ang kahihinatnan ng aking kaluluwa sa kamay ng relihiyong mamamatay-tao. Kakalimutan na lang ba natin ang kasaysayan kahit ilang daang taon na itong nakalipas?

Hindi matatawag na kasalanan ng iilan ang “holy inquisition” ito ay ipinag utos ni Pope Gregory noong 12th century. At kung pamilyar ka sa ascendancy ng mga papa sa Vatican, ang kapangyarihan ng pope ay naisasalin sa susunod na henerasyon. Ang simbahan ng katoliko ang nagsabi na ang posisyon ng papa ang siyang pumalit kay st. peter at tinatawag siyang “santo Papa.”  Nakangingilabot isipin na “santo” ang tawag sa nagpapatay ng daan-libong mga tao, anong sinabi ni Hitler dito? May “Sorry” ba tayong narinig mula sa mga humalili kay pope Gregory? May mga umusig ba sa kanila at pwede nating sabihing ang kasalanan ni Juan ay wag ibintang kay pedro? Samantalang ang posisyon ng pagiging papa at makapangyarihan ng Vatican ay nariyan pa rin? Asan ang katarungan?

Sa isyu bakit maraming naghihiwalay ngayon? Kaninong responsibilidad ba na patibayin ang pamilya? Kung maraming naghihiwalay sa mundo e ibig sabihin failure ang relihiyon kasi di nito nagawang ayusin ang basic foundation ng society—ang pamilya. Kung maayos ang espiritualidad ng mga tao gawa ng maayos na relihiyon, sinong magnanakaw? Sinong papatay? Sinong sisira ng pamilya? Sinong kabataan ang magpapabuntis? Sinong magdodroga? Di hamak na mas malaki ang responsibilidad ng relihiyon kaysa sa gobyerno---kaluluwa at katauhan ang sakop nito samantalang batas at pagpapatupad lang ang sa gobyerno, kasama na ang serbisyong panlipunan.

Kaya’t kung bastos ang ating lipunan, isipin nating mabuti kung kaninong responsibilidad ang pagpapatino dito.

KarikaTuura

spike_west's picture

Magandang diskusyon ito

Medyo lihis na nga talaga,

Una sa lahat hindi ka pwedeng maligtas ng relihiyon mo, kundi ang personal na pananalig mo sa Dyos. Pangalawa, tandaan natin na ang batas ng tao (o ng lipunan) ay inaayon lang din sa batas ng Dyos. So ano ang ibig sabihin nito, kung nagnakaw ka, hindi ka paparusahan ng simbahan kundi parurusahan ng batas.  Pareho kang nagkasala sa simbahan at sa batas ng tao, pero ang may karapatang magparusa sa iyo ay ang BATAS ng TAO.

Kung susuriin mong mabuti ang kasasysayan tungkol kay Rizal, nagkasala sya sa simbahan pero batas ng gobyeno ng Espanya ang nagparusa sa kanya. So techinically,  nagkasala sya sa batas ng Gobyerno (ng Espanya).  Sana nakuha mo ang ibig kong sabihin dun. Walang karapatan ang simbahan na magparusa, kundi ang gobyerno lamang.

Naniniwala naman ako na ang pinagbabasehan ng MORALIDAD ng tao ay ang relihiyon, subalit tandaan natin na ang ang nagtatakda kung ang isang bagay ay nararapat o hindi ay nasa paghuhusga yan ng lipunan o ng tao. Sa simpleng paliwangan lang, ang isang lalaki kapag nambabae- itoy imoral sa mata ng simbahan, pero hindi ba sa lipunan natin ito’y tanda ng kakisigan at pagiging tunay. Kaya naman mas madalas pa itong ipagmalaki  ng isang lalaki kesa ikahiya. Nawawala ang moralidad ng tao kung itoy tinatanggap na ng lipunan. Nakakalungkot isipin pero ito ang katotohanan. Wag natin pasubalian ito.

Tungkol sa sinasabi mong mga lider ng relihiyon na mga nanamantala sa mahinang kaisipan ng mga tagasunod nito. Wag mong sisihin ang relihiyon, isisi mo yan sa lider na magaling mang-uto at manghikayat. Gingamit lang nila ang relihiyon para sa pansarili nilang motibo. Walang pagkakaiba sa mga pulitiko na ginagamit lang ang pangakong maiiahon sila sa kahirapan ang mga kababayan natin para makakuha ng boto. Ngayon tatanungin kita, pwede mo bang isisi yun sa mga kababayan nating nagnanais umahon sa kahirapan, hindi di ba? Kaya tulad nito, isisi mo sa lider ng relihiyon at wag sa relihiyon.

At tungkol kay Pope Gregory na sinasabi mo, sabi ko nga sa iyo kung sa Apostoles nga ni Jesus may nakapasok na Hudas, eh sa simbahan pa kaya. Kaya nga dahil sa pangyayaring yan naging mas mapili ang simbahan sa pgluklok ng susunod na Papa.  Ngayon tungkol ang pagtatakda kung ang isang PAPA o POPE ay isang santo may prosesodin  yan.Kung gusto mo iresearch mo yan tungkol sa canonization at beatification.  At hindi lahat ng PAPA, santo. Tayo lang atang mga Pilipino ang nagsasabing SANTO PAPA.  At hindi SANTO si Pope Gregory. Isa pa bakit mo isisi sa susunod na papa ang kasalanan ni Pope Gregory. Ikaw ba yung kasalanan ni Gloria sinisisi mo ba kay Nonoy? C’mon kuya.

Tungkol naman sa pagkasira ng pamilya, ngayon laganap na ito sa lipunan saka mo sissihin ang SIMBAHAN? Musta yun kuya?  Eh sino ba ang nagtakda ng batas tungkol sa LEGAL SEPARATION at ANNULMENT, simbahan ba? Sabi ko nga sa iyo bumababa ang moralidad ng tao dahil na rin sa kagagawan ng tao at ng lipunan kinabibilangan nya, wag mong isisi sa simbahan kung bakit ganito ang nangyayari. Ang simbahan ay gabay lamang at hindi sila pwedeng magparusa kaya tuloy wala silang magagawa kundi manghimok lamang.

Ngayon kung ibabalik natin ito sa isyu ng kabastusan, wag mong isisi ang relihiyon kinagisnan, isisi mo yan sa LIPUNANG nakamulatan nya.

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Yiennarda's picture

OMG.....

At meron pa talagang mga catholic encyclopedia links potex!  wwahaha... heavy na to mga parekoy...

Dati hindi ko maibigkas ang mga salitang pota at fuck...  miski nga sa sulat ganito ang pagsulat ko diyan f***... dahil hindi ako sanay, dahil para sa akin bastos ito... in english rude...

Pero ngayon sa totoo lang... naniniwala  ako na depende yan sa environment ng tao...  dahil kung panay mga assholes ang nasa paligid mo, you can't help but become one... napatunayan ko yan nung ma-encounter ko ang sinabi minsan ni Mark Twain na "Under certain circumstances, profanity provides a relief denied even to prayer"  Pero nga lang, I still believe that if gentleness is always within... swearing can most probably give relief... based on experience

And also, let's not forget din ang snabi ng bibliya "out of the abundance of the heart, the mouth speaks"...masama ang lahat ng sobra...  yun ang akin... kung palaging profanity ang laman ng bibig mo... kabastusan yun... pansinin niyo kasi ang mga taong pala-mura sila yung mga walang gentleness sa pag uugali...  kasi mas exposed sila sa mga bagay na dapat nakatago na lang sa utak at puso...

teka lang... nade drain na utak ko...  magpapa ECG muna ako, wait lang!

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

spike_west's picture

Andeng

Namiss kita bakulaw tagal na akong walang balita sa iyo,LOLS

alam mo natatandaan ko yung mga chat natin na lagi nating ginagamit ang salitang POTAH (o puta sa balbal na pagkakasabi) . Hindi ba palagian nating ginagamit ang mga ganyan bagay, kung tutuusin nga masama talaga ang salitang ito, pero nababago nito ang kahulugan dahil naging kumportable na nating sabihin ito sa isa't-isa.

Kaya hindi naman ibig sabihin na bastos na ako tama ba? Depende talaga yan sa nakikinig at kung sa paano mong paraan ginamit. Ngayon kung may sumingit sa usapan na tin at nagulat dahil sinasabihan kitang POTAH o PUTA, at sabihan akong BASTOS. Eh baka sya ang BASTOS kasi nag-iisip sya ng malisya sa isang SALITANG wala namang bearing sa ating dalawa.

Sa totoo lang hindi ko naintindihan ang panig mo sa usaping ito, pero gusto ko lang din lalo pang ipaliwanag ang nasabi ko sa itaas.

Ano nga ba ang stand mo YANIE?

Ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Yiennarda's picture

hahahaha

Eh di ba nga nag-away pa tayo?  Kasi paulit - ulit - ulit mong sinasabi ang "putang-ina" noon... although dimo naman pinapatungkol sa akin yun pero ang totoo, nakakarinding pakinggan...

kailangan ko daw talagang sumanib?  bwwahahah!

ang stand ko...  ang pagiging bastos ay hindi nakikita sa pagsasalita ng mga malalaswa gaya ng inyong nabanggit...  at hindi rin ito sa paggawa ng mga bagay na ikinama-malisya nating lahat....

ang pagiging BASTOS ay ang pagiging INSENSITIVE sa nararamdaman ng ibang tao......

 

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

spike_west's picture

HAHAHA

Pinahaba pa eh magkamukha naman pala tayo ng punto. LOLS

May Mark Twain-twain ka pang nalalaman! hahaha! jOke lang!

Miss na kita, sulat ka naman uli tapos post mo dito. Basahin ko heheh! Miss ko na ang mga akda mo eh, last year pa ata yun!LOLS

 

Ingat 

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Yiennarda's picture

tanga!

may kabastusan kaya akong post... potah ka, di ka nagbabasa... may pamiss-miss ka pang nalalaman...

 

o ano bagay ko na bang maging bakulaw? este bastos? hahaha!  lab you spikey!  wooops may magseselos! hahaah!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Ailem23's picture

padaan lang

 Paano nga ba masasabi na kabastusan ang sinabi ng isang tao o ang tao mismo ay bastos?  Para sa akin, nakadepende ito sa taong nagsabi, taong sinabihan at interpretasyon. Lahat ng tao ay may certain group na kinabibilangan. At bawat group na ito ay may kultura, ugali at buhay na kinagisnan.

 

Ang mga salitang iyan na nabanggit mo kuya spikey ay mga salita lamang. Nagkakaroon lang iyan ng ibang kahulugan base sa nagsalita at sinabihan at sa interpretasyon nila. May mga grupo ng tao, katulad ng mga tambay sa kanto o kaya erotic writers na ang tingin lang sa mga salitang iyan ay—wala lang. Kasi they got used to it. Pero sa mga taong more civilized or shall I say, educated o mga advocates ng “Good moral” “Ethics” at kung anu-ano pang kaartehan ng society, ang mga salitang iyan ay lalabas na bulgar at bastos.  Kaya nakadepende iyan sa nagsabi at sasabihan. Bastos ka ba kapag sinabi mo iyan sa mga taong hindi sanay na marinig iyan sa usapan.

 

Hindi mo pwedeng sabihin basta-basta na ang taong kausap mo ay bastos dahil ikaw mismo nagiging bastos din sa harap ng ibang tao.

 

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

www.internetserye.com  

spike_west's picture

Teka

Agree naman ako sa sinabi mo eh, pero yun nga lang bakit ang VAGINA at PENIS, madaling tanggapin ng karamihan. BAKIT ang TITI, KIKE, PUKE at UTEN parang nababastusan na tayo?Bakit ganun melay?

Ang kabastusan ba ay nababatay din sa lengwahe?

 Bakit ang isang sosyalera nagsabi ng KIKE ang kyut pakinggan, pero pag ang tambay sa kanto nagsabi ng KIKE  parang kay bastos bastos?

Ito'y batay din ba sa estado ng tao?

So ang KABATUSAN pala ay may diskriminasyon din? Tama ba?

Ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

new haircut's picture

agree ako ke spike

  hehe .. madalas rin ako masabihang bastos daw ng bibig ko dahil sa mga ouke na yan .. ba, ta least, wala akong ginagawa, hanggang salita lang.. haha

 

 .. wla lng ..

 

 .. grabeh, lipunan vs relihiyon ba to??

 

 

 --hopeless romatic

spike_west's picture

Hello New Hair

Welcome sa site new haircut, medyo seryoso ba ito?heheh!

Kung gusto mo ng medyo light basahin check mo yung mag dati kong mga posts!

maraming salamat sa pagkomento

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

new haircut's picture

salamat!

 cgeh2, che2ck ko .. ahaha

 

 wlang anuman .. ^^

 

tc

 

 

 --hopeless romatic

new haircut's picture

salamat!

 cgeh2, che2ck ko .. ahaha

 

 wlang anuman .. ^^

 

tc

 

 

 --hopeless romatic

new haircut's picture

speaking of ...

  St. Peter .. diba yung st. peter cross is sign ng anti christ??

 

 

 tamang tanong lang ..

 

 

 --hopeless romatic

jonsdmur's picture

Paano nga ba?

Nagiging bastos ang isang tao?

 

Basta ako... natutuwa kapag may lumalabs na bastos sa bibig ng isang tao... lalo na kung pabiro o pagulat.... pero kapag seryoso eh tumatahimik lang ako..... Undecided

ako kasi minsan lang nagiging malaswa ang bibig ko... kapag nagugulat.. kapag nasasarapan o nagbibiro Cool

Para sa akin kasi nagiging bastos ang isang tao kapag nawawalan ng respeto... at hindi basehan kung ano man ang malaswang nasasabi niya

 

Best Regards!

Jonsdmur

 

Nagustuhan ko ang akda mong ito!Cool

 

 

 

new haircut's picture

nasasarapan?

 

 haha!! lakas nam tawa ko jan aa .. nice term .. haha !!

 

 

 --hopeless romatic

sinta isaac's picture

...

 

Tama ka diyan spikey. Ako, naiinis ako sa mga taong ganito magsulat, Put*** i**, P**i, T**i, yan, yung mga kaartehang ganyan, iyong iba kasi 'pag nabasa 'yan iisipin agad, shit ang bastos, 'di na nila makita 'yung totoong nilalaman ng kwento o tula. Makarinig lang ng blowjob, nandidiri na, akala mo kung sinong mga malilinis na hindi kumakain ng burat ng boyfriend o asawa nila. 

 

Nasa paggamit 'yan 'di ba? kung ang isang tao, alam niya kung kailan dapat at 'di dapat gamitin 'yan, hindi natin siya pwedeng paratangan na balahura siya o bastos kahit na magsulat pa siya ng kwento na tadtad ng ganyang salita, dahil 'yun ang totoong mukha ng mundo, ang mga lalaki ay may titi at ang mga babae ay may puki at ang mga tao, kapag nagagalit o nabibigla at biglang dinaluyan ng kung ano mang klaseng emosyon, napapamura din minsan, malakas man o sa isip lang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/