KAGABI

rose's picture

Kagabi ng ako'y naglalakad papauwi galing sa trabaho, ako'y naglalakad sa isang madilim na eskinita, halos walang tao kang makikita dahil medyo late night na iyun. Habang ako'y naglalakad may nararamdaman akong nakasunod sa akin, hindi ko pinansin pero habang papabilis ng papabilis ang aking lakad, nararamdaman kong sumusunod siya sa akin.

At nang nasa kalagitnaan na ako malapit sa aking tinitirhan , may isang lalake na biglang dumikit sa aking likuran. Nanginginig na ako sa takot dahil alam kong kahit anong sigaw ko ay walang makakarinig sa akin, habang siya'y nasa aking likuran bigla siyang nagsalita, sa kanyang pag-sasalita may nararamdaman akong parang isang patalim na nakatutuk sa aking likuran.Nagsalita siya " Miss ibigay mo sa akin ang iyong bag, cellphone, at relo at pati hikaw ko at hindi niya pinakawalan " syempre sa sobrang takot ko at habang nanginginig ay iniabot ko sa lalake ang lahat ng hinihingi niya, nasa isip ko huwag lang niya ako sasaktan. Wala ako magawa, naiiyak na ako sa sobrang takot.

At ng naiabot ko na sa kanya ang lahat ng aking gamit, bigla niya ako hinila sa napakadilim na lugar, nagpupumiglas ako pero may patalim na nakatutuk sa aking likuran, nanginginig na ako sa sobrang takot hindi ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman , panay dasal ko na sana naman ay walang mangyari sa aking masama.

Sa kanyang paghablut sa akin sa madilim na lugar, isinandal niya ako at pinag hahalikan, pero kahit anong sigaw ko parang walang nakakarinig, hinila niya ang aking damit, wasak na wasak na ang aking kasuotan sa sobra kong pagpupumiglas, tulo na aking sipon sa sobrang iyak at pag-mamakaawa pero parang hindi niya naririnig iyun.hanggang ako'y nanlumo at napahiga, nang nasa punto na ako'y kanyang hinuhubaran…………….   

 

Ayyyy buti nalang bigla nag-alarm ang aking alarm clock 5:30 a.m. na pala kailangan ko nang bumangon, ang sama ng panag-inip ko akala ko totoo na. salamat sa DIYOS panag-inip lang pala.

KissInnocentCool


dyeppri's picture

Hehehe!

Maeksena ang pagkakabanat mo.... Kahapon berde k ngayon naman ay green k pa din!!! Ano b nakain mo. (Opppps... baka kung ano nanaman naiisip mo na kinain mo.HAR...har... har...Laughing

 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

dyeppri's picture

Hehehe!

Ano kaya masasabi ni k spike d2...

Ingatz lang po parati at wala tayo sa sariling bayan....Cool

 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

spike_west's picture

Xerex ba' to?

Grabe namang panaginip nyang masyadong detalyado, eh magkukumento lang ako Rose. Alam mo parang naexcite ako sa kwento mo, parang nabitin pa nga ako kasi parang medyo senswal ang pagkakadescribe mo. Eh mukhang kami ni Kasanggang Dyeppri eh naexcite din. Eh kung medyo  ang paglalarawan mo ay medyo nagmamakaawa dun sa biktima eh makikisimpatya kami, kaso medyo senswal nya kaya mukha dun pa kami sa rapist nakikisimpatya.hahaha!!

Sa pambibitin okay, kasi nabitin talaga ako sa mga susunod na eksena pero alam ko naman hindi iyon ang gusto mong maiwan sa mambabasa mo eh siguro mali lang ang paglalarawan.

Pero okay sya, maayos naman at nabitin talaga kami ni kasanggang dyeppri. Teka pwede bang ituloy yang panaginip mo then kwento mo uli!hahaha, joke lang!!

Naku Bb Rose, mukhang nagiging berde ka na ah,pati piktyur medyo provocative ang dating.oh la la la (maniac???)

 

Ingat,

SpiKe