Kahapon ko pa nakita ang Bukas

kwekwento's picture
| |

 

 

 

 

 

 

.

.

.

Mag-iisip ako

'wag kang papalag

iaangat ko ang mga daliri

'wag kang kukurap

 

dadaganan ko ng kaluwalhatian

ang sarado mong kaisipan 

tiyak hihigupin kong maigi

ang mga tuksong nakahaligi

.

.

.

Mag-iisip ako

'wag ka munang gigising

iaangat ko ang iyong talukap

'wag kang aaray

 

isiping mga hiblang nalalagas ang mga ideyang kinamkam mula sa pag-aari ng iba na taon ang binilang upang maihulma at maibahagi bilang pagsalba sa sangkatauhang hinati-hati ng lansetang itim at nagkaluray-luray ngunit binuo ng pagdarahop dumampi pa ang pagkamuhi at nakanahanap ng kakampi sa talampakan ng kasalanan-

 

 

.

.

.

Mag-iisip ako

'wag kang ngingiti

iaangat ko ang tangkay ng iyong dalumat

'wag kang padadala...

 

 

heto ang dupok na nakatambad

karalitaang sa luha ay babad 

sa mapanglaw na sinulid ng mga pangako

kamatayan lamang ba ang huling dako?  

 

Mag-iisip ako

'wag kang magugutom

iaangat rin kita

'wag kang maiinip

 

 

pakiusap...

 

 

 

 

 

kwekwento