Kahit Umulan( Para sa batang sumulong sa ulan)
Ako'y nakatambay
sa labas ng bahay
nakatingin sa kalsada
habang tumatawa
napansin ko ang isang bata
ang mukha niya'y masaya
papunta ata sa eskuwela
pansin ko sa suot niya
ngunit anong sama
umulan ng malakas
siya'y tumakbo sa harap ng bahay
at ilang minutong nag hintay
ang sabi ko sa bata
"pano yan ika'y mababasa"
ang sagot niya sa akin
"huwag kang mabahala"
Aba ako'y nabigla
sa kanyang pananalita
parabang di takot
na sa ulan ay mabasa
Susulong na sana
sa malakas na ulan
ngunit siya'y hinawakan ko
at sabi kong umuulan
Ang sabi niya sa akin
"aalis na ako
baka nagsimula na
sa pagtuturo ang guro ko"
Aba'y di nga takot,
na mabasa sa ulan,
hinamon pa ata ako
na siya'y sabayan
Wala akong magagawa
kung ganyan ang gusto niya
kung gusto niyang
mag-aral hala bahala siya
kahit sa gitna ng ulan
siya'y lalaban
para lang makapasok
at may mapag-aralan
kaya binigyan ko na lang
siya ng bagay na makakatulong
isang malaking karton
para sa kanya'y maging bobong
Sana ganyan ang mga kabataan ngayon
sana pag-aaral ang inaatupag
at hindi puro ambisyon
mahilig mag lakwatsa
mahilig mag bulakbol
kaya tingnan niyo tuloy
naghihirap ngayon.
magaling mark
improving mga obra mo sa iilang post mo pa lang kitang kita ang pag abante ng kaisipan ng bawat tula mo. although may konti pang teknikalidad na dpat isaalang alang pero madali na matutunan iyon, ang mahalaga may tema na kawili-wili at saysay ang mga tula mo.
keep on writing and improving!
thank you po!
thank you po! sensya na po kung may kunting teknalidad ang dapat ko pang isa-alang-alang i'm not sure po kasi kung tama o mali ang mga gamit kung salita o mga special character like ( . , : ; ? ! " ' ) kasi di pa po ako sana'y hayaan niyo po at magpapaturo ako about dito, sa mama ko filipino teacher po kasi siya.. at ng maisaayos ko maghahanap na rin po ako ng mga books na puwedeng tumulong sa pagpapaunlad sa mga tula ko, yung tula ko po na-inspire lang ako niyan kahapon ng makita ko ang isang bata na papuntang school na kahit umuulan wala siya paki-alam, nalaman ko po kasi na sa lahat ng magkakapatid siya lang ang walang asawa lahat ng kapatid niya ay di nakapagtapos dahil ang agang nag-asawa at yun nga ginagawa niya lahat para lang makapasok sa skuwela kaya heto.. kaya ngayon gumawa ako ng tula para sa kanya..
thanks po talaga sir rom..
mark
Habang tumatagal
Habang tumatagal pinapahanga mo ako. Siguro likas ka ng magaling at may angking talento.
Nagustuhan ko ang tula mo. Sana nga lahat ng kabataan ay tulad ng ipinapahiwatig sa tula mo. Ang iba kasi kapag umulan walang pasok.... tamad ng pumasok sa klase...
Ang galing mo bro! Sana kasing talented mo ako hihihihi
Keep on writing!
Jonsdmur




Ulan
Sana lahat ng bata/kabataan ay katulad ng nasa tula mo. Nakakalungkot isipin na hindi nakakapag aral yung mga batang gusto talagang mag-aral dahil lang sa kahirapan. Samantalang yung iba na may kakayahang pag aralin ng mga magulang ay parang walang pakialam sa kinabukasan at puro lakwatsa at kasiyahan ang hanap sa buhay nila. hmmmp!!!
Ako, tapos na ako mag-aral pero lagi pa rin akong napapalusob at nauulanan.. kasi tamad akong magdala ng payong =)