KAHULUGAN NG PASKO!

rose's picture
| | |

KAHULUGAN NG PASKO!!!

Pasko ipinag diriwang natin isang beses isang taon, papaano ba natin ipinagdiriwang ang pasko? Diba kapag pasko naglalagay tayo ng dekorasyun, mga Christmas light, at naghahanda tayo ng mga masasarap na pagkain, nagbabalot tayo ng mga regalo, kapag malapit na ang pasko diyan din natin isinasagawa ang simbang gabi ganyan natin ipinagdiriwang ang pasko. ANO NGA BA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG PASKO? Marami ang nagsasabi na ang kahulugan ng pasko ay pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawaran, pagkakaisa. Para sa akin ang pasko ay isang simbolo lang at pag respeto sa kapanganakan ni jesus. Para sa akin kailangan gawin natin ang pasko araw araw. Sasabihin pasko kaya magmahalan tayo, pasko kaya magbigayan tayo, magpatawaran tayo pasko kasi eh. Pasko lang ba natin pwedeng gawin ang ganyang mga bagay? Diba dapat bilang tao kahit hindi pasko dapat magmahalan tayo, mag kaisa, magbigayan, mag tulungan tayo , kahit hindi pasko gawin nating malinis ang ating puso. hindi yung gagawin lang natin yan kapag pasko.

Kahit anong araw pwede natin maramdaman ang pasko sa pag bibigay , sa pag tulong sa mga kapus palad kahit sa maliit na bagay , sa pagbibigay natin ng pagmamahal, sa pagkakaisa natin. sa tingin ninyo ba sa nangyayari sa ating bansa mararamdaman pa kaya natin ang totoong kahulugan ng pasko?.Bakit Kapag araw ng pasko naoobserbahan ko laging puno ang mga malls, baclaran siksikan, divisoria, minsan natatawa nalang ako at naiisip ko na kung titignan mo ang mga tao sa mall parang mga hindi naghihirap, ganyan talaga natin pinaghahandaan ang pasko, ilang oras mababago ang ating buhay dahil araw ng pasko pagkatapos ng pasko balik na naman sa normal na buhay. Minsan sa sarili ko kapag nagsasaya ako kapag kumakain ako sa mamahaling restaurant ang naiisip ko ako nandito nagsasaya, maganda ang buhay pero pag naiisip ko yung mga tao sa pilipinas bigla ako nalulungkot. Sa mga kaguluhang pangyayari, at mga kahirapan na dinaranas ng ating mga kababayan.Para sa akin hindi ko kayang magsaya sa araw ng pasko kung nakikita kong marami ang naghihirap na ating kababayan. Kaya sa aming mga OFW halos hindi na namin iniisip ang araw ng pasko normal na araw nalang para sa amin yan. Kung iisipin mo ang pasko ay para nalang sa mga bata dahil naniniwala sila kay santa claus. Ang mga bata naaapreciate nila ang pasko bigyan mo sila kahit maliit na regalo tuwang tuwa na sila. Pero siguro sa aming matatanda hindi na namin maramdaman ang kahulugan ng pasko lalo na nandito kami sa ibang lugar na nakikipagsapalaran dahil sa hirap ng buhay sa ating bansa. Para sa inyong lahat maging maligaya sana ang inyong pasko, at sanay lagi kayong patnubayan ng ating panginoon na lumikha sa atin..

Rosie

Sana gawin nating araw araw pasko, gawin nating malinis ang ating mga puso. at sana malaman nating lahat ang tunay na kahulugan ng pasko sa ating buhay!


naalala ko lang!!

Noong gradeschool ako nagbigay ng essay si Mam tungkol sa "Anung kahulugan ng Pasko".

Natatandaan ko na sinulat ko (bilang Bata) nun eh ito...

Ang Pasko eh panahon ng Pagsakit ng tiyan ng mga bata...dahil sa sobrang pagkain...

Panahon na binibitbit tayo ng ating mga magulang kung saan saan para k magmano sa mga ninong na kay lalansa ng kamay...

Panahon na madalas na tayung mapuyat dahil sa ingay ng mga nagkakaroling...yung iba di ko na maalala...

 

ang punto ko eh dahil makulit ako sa klase nun, iba yung essay na sinulat ko "negatibo"pero ang nakatatawa na ipahayag ko ang baluktot ko daw na pananaw (pero para sakin nakakatawang Pananaw yun)... kaya yun pasado keh Mam!Wink