Kaibigan

ng mata ang kauna-unahan nabubulok sa katawan ng sinumanng nilalang maging tao o maging mga Duwende" - Haring  Calixto


Mata sa pabalat ng aklat ng mga Duwende mula kay Haring Calixto

"Ang mata ang pina marupok na bahagi ng tao. Ito ang lahat ng pinagmumulan ng nakakakita ng kasalanan. Kaya ito ang pinagmumulang ng lahat ng pagkakasala. Halos iniukit ito ng Diyos sa lahat ng Kanyang nilalang upang maging pinaka-sentro ng pag subok.

Ang iyong nakikikita ay iyong ginagawa.

Ang anumang di mo nakikita, hindi mo gagayahin.

Ang mata ang kauna-unahang nabubulok sa katawan ng tao ng sinuman nilalang, maging tao o maging kami.

Ilagay mo ang dalawang kulay at iba't ibang kaanyuan namin, sapagkat ang mata ay pinag kalooban ng dalawang kulay lamang- puti at itim.  Ang itim ay nag tatanda ng dilim o kasalanan, at ang puti ay nagtatanda ng kalinisan, kabutihan.

Sa Daigdig ng mga Duwende kapag namamatay ang isa sa amin, ang una naming inuukit mula sa katawan nito ay ang mga mata. Hindi namin ito isinasama sa kanilang hukay. Hindi pinababayaan maagnas ng lupa.

Hindi namin ito pinababayaan halos ay magkaroon ng walang kasilbihan.

Sa inyong daigdig ngayon, maraming mata ang nasasayang, maraming bulag ang halos ay hindi napagkakalooban nito --- HARING CALIXTO