kailangan ko ng opinyon nyo--ARTISTS and WRITER'S JAM

Rom's picture
|

Medyo napaisip ako nitong mga huling araw tungkol sa isang idea. alam kong maraming tututol dito at sasalungat sa pamamagitan ng maaanghang na opinyon, pero walang silbi ang idea na ito kung di makakaranas makatay.

ganito yon:

nag iisip ako since napakarami ng mga manunulat, kompositor, lirisista at artist dito sa site na ito--bakit di tayo gumawa ng isang event?

hindi "eyeball" ang tinitukoy ko. Kung kompositor ka lapatan mo ng musika ang isang nai post na lyrics dito, aregluhin at ipost ang naturang awitin. malay nyo balang araw makapag compile tayo ng isang CD album ng mga awiting likha sa filipinowriter.com

maaari ka din namang mag post ng melodiya at tatapatan ng kaukulang letra.

kung manunulat naman pwede tayo magpublish ng isang compilation book ng mga sanaysay, maikling kwento, tula tapos isasabay natin ang launching sa isang cafeteria kasama yung newly released CD album compilation?

ako bilang pintor maaari ding mag contribute ng aking mga painting o guhit para sa CD cover o book cover. 

pwede rin namang lagyan ng illustration o painting ang isang nalikhang kwento o kaya ay photography. kung saan complimentary ang obra ng isa sa isa. basta ba may kaukulang credits sa kung sino ang nagsulat, nag drowing, nagpinta, naglapat ng musika o titik. lalagyan natin ng maikling biography ng mga contributing writers at artists ang libro o CD.

pwede rin namang ang kikitain ay idonate natin sa kawang gawa o di kaya naman ay pondo para sa pagsisimula ng grupo ng mga artist at manunulat na tayo din ang miyembro (pangarap)

sa ganitong paraan nahahasa natin ang ating kakanyahan habang nakakatulong sa isat-isa. suportahan tayo.

pwede natin itong tawaging ARTISTS and WRITERS JAM

isang suggestion din ang magsimula tayo ng mga pa contest sa lahat ng larangan. music, visual, literary etc. may mga kilala ako na pwede natin lapitan at gawing sponsor para sa premyo.

Di ka man makapag publish ng sarili mong libro ay kabilang naman ang iyong akda sa isang Compilation na na-publish. di ba malaking bagay na iyon sa isang nagsisimula pa lamang na manunulat o artist o musikero? 

walang ibang pinakamasarap sa isang manlilika ng sining kundi ang mapansin ang kanyang obra, minsan mas masarap ito kaysa sa gawad ng pera. 

tinatawagan ko rin si NOID na sana kung sakaling marami ang sumang-ayon sa panukalang ito ay pangunahan nya ang pagsisimula nito. gumawa ng kakaibang column o page sa site na ito para sa artists and writers jamming. subalit kung nakikitang walang patutunguhan ito, kalimutan nyo nang isinulat ko ito.

anong opinyon mo? 

 


yolak69's picture

sama ko...

tanong lang, sino beneficiary? malamang may maiipong pera dito? ddonate ba natin?

sarap pag-usapan to- beer pa!!!!

Rom's picture

beneficiary

 syempre tayo muna bilang contributors sa site na ito ang beneficiary

yung pagpapalawig ng ating kaalaman ang unahin natin.

jamming na! 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

alamin muna natin kung sino

alamin muna natin kung sino sino at kung saan nakatira.tapos, calculate natin ang gastos pang gasolina. sino ang mag dodonate ng pera at paano magraise ng funds bago magjamming. pwede mag benta ng mga saging, cookies, at cakes. pwedeng magbenta ng mga t-shirts na may tatak ng bawat tula ng mga writers dito, nakaw! ang mahal ata nito, eh wala na ngang pera para lang makapag internet noy.

Rom's picture

tama din ang punto mo

 pero ang dapat siguro mauna ay establish muna natin ang dahilan kung bakit tayo magsasama sama, mag jamming muna tayo ng mga tula, sanaysay, kwento, lyrics at musika. kapag naisaayos na ng kung sinomang napiling editor ang mga obra siguro time na na mag kita kita at mag meeting, pag usapan ang pag publish.

tapos printing, tapos promotion, tapos launching 

tapos travel na abroad para sa promotional appearance hehe.... 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

Pmel's picture

Hi ROM!!!! *Hugs*

Sorry with the "!!!!" I know you don't like it; I swooped in just to remind you, "Forget me not!" I'm with you! Give me a postiion and I'll do my part... when I can. Aha ha ha!

Rom's picture

Hi Pmel!!!

 

see? i also used the !!! just to fit in hehe...

of course we're all in this together, well i'm not the recruiting officer no one is i guess. we will 'recruit' ourselves in this event if we are willing to participate and sacrifice a bit of our time and talent.

i love to hear those music of yours in the upcoming CD compilation together with other musicians in this site, and your anthologies in the book compilation. hope you can share it.  

 

 

www.blah-blahblogs.com

Pmel's picture

Just let me know when! ;)

Let's partay laterz!!!!

I think this is a great idea

I think this is a great idea Mr. Rom (not that I consider myself an artist or a writer I'm but a scribbler who loves to write) if this idea push through it will help a lot of gifted writers and artists in this site.
Rom's picture

sali lahat

 

 basta marunong ka humawak ng bolpen at may idea ka na gusto isulat pwede!

di naman siguro tayo nang-uuri kung may malawak na karanasan ka na o baguhan pa lamang. ang mahalaga gusto natin magbahagi at magpaunlad

salamat sa pagtugon 

 

 

www.blah-blahblogs.com

jonsdmur's picture

Gusto ko ang idea mo....

Gusto ko ang idea mo.... kaso naisip ko baka iilan lang ang makadalo sa events kasi halos iba sa atin malalayo at nasa ibang bansa.

Pero maganda ang naisip mo at gusto kong sumali diyan...

Sana magtagumpay tayo...

Jonsdmur

Rom's picture

video na lang

 kung sakali mang matuloy ang event na nabanggit pwede naman na i record sa video tapos i post dito para mapanood ng mga nasa malayo. 

kung matutuloy man nasa iisang libro lahat ng mga gawa natin nakakatuwang isipin.  

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

jonsdmur's picture

Okay ang galing... sana

Okay ang galing... sana walang shy sa camera hihihihi

Pero okay sa akin ito.... sana maraming mag kagusto sa naisip mo...

Okay to....

Jonsdmur 

daimustlive's picture

really a good idea, pero

really a good idea, pero mahirap talaga. there must be administrators, or officers to start with. mahirap kase kumilos pag walang nag-uutos.

Rom's picture

tama ka

 

 

 kaya nga nananawagan ako kay DINO ang administrator ng site na ito para pangunahan ang pagkilos. sana masimulan...

 

www.blah-blahblogs.com

Why, yes, this is yet the

Why, yes, this is yet the best idea I've ever read on this venerable site for a quite long time now. Anything with "jam" or party in it will always be great idea. People just love to "jam", especially, us Filipinos, ryt guys? I mean we are number one and two in the world's most famous parties [but that's completely another story] I mean, c'mon! I love parties.

Although I live in this here my secluded Island far far away from the capital, and if good guy here, Mr. Rom, would be so kind to plan this right, and, of course, with the good man, Mr. Noid's grace, we can make this a reality, maybe, some few months or years from now. What's now? Well, it's 9/11. I don't know what it mean to you guys but now's the best now when this one good idea has finally sprouted from good minds like Mr. Rom has.

Hey, Rom, man, send me some updates, awryt?

Rom's picture

sure thing man!

 

would you mind volunteering as a book editor if ever this thing materialize?

we sure need people like you and Squid Villanueva to lead us to hell..err..heaven no..to publication! yes that's it. 

i'm also thinking if the possibility of publishing a compilation book would be very costly don't you think ebook would be a good alternative? i have softwares of making an ebook.

i hope we can have the like of YOUNGBLOOD book compilation of Philippine Daily Inquirer 

Thanks man!

Rom 

 

www.blah-blahblogs.com

Sure, man. I'll look forward

Sure, man. I'll look forward to it..

dyeppri's picture

ako din po...

ako din po pakisali sa listahan. Gusto ko din dumalo sa piging (ngunit nasa UAE) kung pwede ako. Galing! Cool 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Adlesirc's picture

sama ko jan

count me in guys! meeting tayo. =)

Rom's picture

Thanks!

 salamat sa interes nyo sa idea.

kilos na tayo mag gather sana ang bawat isa ng mga impormasyon gaya ng magkano ang mag publish ng book, anong procedures, saan mabuting mag pa print etc. yung sa music jam naman saan magandang mag record, technicals etc.

unti-unti uusad ito mamamalayan na lang natin launching na hehe, excited na ako gumawa ng mga designs sa book Smile 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

aireen's picture

ang sarap kung iisipin..

ang sarap kung iisipin.. haist!! sana nga lng di lang ito isang pangarap...!!!

Pero agree ako sa idea mo... cge po Go! go! go!  Laughing

 

noid's picture

Organize yourselves

I'm currently researching and writing a lengthy creative work so I'm afraid I cannot initiate right now any of the events or projects you are suggesting. However feel free to organize, discuss and plan among yourselves. (FilipinoWriter.com member noelbarcolena has also suggested something along these lines so you may also want to alert him to this discussion.)   

You may also want to coordinate with FilipinoWriter.com member j luna if you need a venue for any of the activities. He has messaged me in the past and has offered their Bookay-Ukay Bookstore in UP Village, Diliman, QC as a venue for any event the community may come up with.

I think this thread will suffice for the moment to keep the members posted of the project's progress, and those who cannot attend the discussions or activities in person can participate via this thread. But feel free to start a new thread if you believe a new one is needed, e.g. create an 'event' content type for example to set a meeting..

Good luck!

Rom's picture

Thanks kuya Dino!

 

 salamat kuya at sang-ayon ka sa naisipan ng mga writers dito, malaki ang utang ng loob namin sa site mo sa siyang nagsisilbing 'launching pad' ng mga hinaing, tagulaylay at kaek-ekan ng mga damdaming sawi at nakabitin.

salamat muli at kita-kita tayo sa launching ng libro (hah! libro agad--hehe)

Rom 

 

 

www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Wasak!

j.luna in tha house!

Dino, salamat nga pala sa pagpunta sa Bookay, sayang wala ako sa QC nung dumaan ka.

maganda to kaso sa tingin ko

maganda to kaso sa tingin ko para lamang ito sa mga magagaling? Paano naman ang isang tulad ko na hindi gaanong magaling sa larangan ng pagsusulat?

Sana magtagumpay kayo at marami ang sumali marami magagaling dito

good idea

yolak69's picture

Tuloy na to!!!

To agatha_manesa- don't fret, di din ako magaling, feeling lang, basta ready mo na mga gawa mo kahit ano man yan at sigurado ako may kalalagyan yan sa kung ano man magagawa natin.

Ung suggestion ni Bossing Noids sa UP village pwde dun, dami pa daw maganda books...Taas ang mga kamay ng mga taga-maynila - kitakits/inuman na!!! 

Roms - gawa ka na din isa pang forum, submit na dun ung link ng mga gawa natin, tapos compile nalang then pag-usapan sa session kung sino pwde include sa book/-ebook.

 

goodluck! cheers!!!

Rom's picture

exactly my point

  Hi Agatha

 that is precisely my point. Kaya nga tayo mag bubuklod-buklod ay para palakasin ng mga may karanasan ang wala pang masyadong karanasan sa larangan ng pagsusulat. anong silbi ng ganitong gawain kung pulos tayo magagaling? e di sana nagkanya-kanya na lang tayo ng publish ng libro.

dinidiscourage ko din ang mga "magagaling" na sumali dito kasi maaaring sila ang makapagbigay ng inferior feeling sa mga nagsisimula pa lang magsulat, pero sa isang banda kung magsisilbi silang inspirasyon--welcome sila.

huwag po kayong mag-alala lahat tayo pantay pantay dito (sa palagay ko) pero syempre iba naman ang katayuan ng tatayong editor natin at coordinator para naman magkaroon ng kaayusan ang mga maitatalagang mamumuno ang siyang masusunod sang-ayon sa tamang palakad.

salamat po

Rom 

www.blah-blahblogs.com

aireen's picture

haist!  para akong

haist!  para akong nananaginip... need magmeeting? para magkaroon ng election.. right?

silvertearz's picture

am i late?

huli na ba ako?...sali din me guys...mga kuya at ate keep me updated naman oh...plssss...

hope maging successfull to...

aja!

bluesweat101@yahoo.com

Adlesirc's picture

lets go!

meet na tayong lahat asap para maisakatuparan na to. hehehe excited na ko.

ayos iyan!!!

 

uy sali ako jan!!!! nice idea po!!! maganda ang adhikain nito, hindi lang tayo makakatulong sa sarili nating paglilinang, makakatulong din tayo sa iba na mayroong talento wala lang makapag suporta!!

hindi barrier ang kalayuan ng ating mga kinaroroonan basta mayroon passion sa simulaing iyan. kailan ang brainstorming?

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Rom's picture

maghanda-handa na

 

 mag aayos lang ako ng mga dapat pag-usapan natin, agenda etc. tapos ilalahad ko sa inyo para dagdagan o bawasan tapos tsaka set na ng meeting. kung saan maluwag ang schedule ng karamihan tapos appointing ng officers na adhoc lang muna siguro. kailangan natin ng editors definitely kaya sana may mag volunteer. editors sa area ng music and lyrics, visual arts at photograpy, essay, short story, poetry atbp.  

ihanda nyo lang ang mga obra nyo yung pinaka the best nyo--kung wala pa e di gumawa na mahaba pa naman ang panahon natin e 

 

 

www.blah-blahblogs.com

Ailem23's picture

teka, pa-join!

pa-join kami ni eloisa... actually, naisip na namin ni eloi ung pagpapa-publish ng compilation ng mga posts natin dito sa site... nahihiya lang kaming mag-propose noon sa mga tao dito.. .with regards to publisher, if ever, kausapin namin ung publisher namin kung pwede na sa kanila na lang natin ipa-publish... at least hindi tayo papatak sa self-publishing... mas magastos ang self-publishing compare sa dadaan ung manuscripts natin sa evaluator ng publisher... ung royalty, hanap na lang tayo ng charity... naks! works for the less fortunate ang drama! o pwede rin, i-legalize natin ang isang institution na siyang hahandle sa atin..parang FilipinoWriter Foundation for example...

 siguro, establish muna natin kung paano natin sisimulan?... paano pipiliin ang isa-submit na works?... sinong pipili? Dapat lahat ng member may entry para everybody happy...

kapatid, medyo mahirap at risky itong papasukin natin pero kung magtutulungan tayo, walang imposible di ba?

basta kami ni eloi..tututulong talaga kami....since kahit papaano ay may contact na kami sa publishing world makakahingi tayo ng opinyon sa editor namin... sabihin nyo lang....

sana matuloy ito.... 

good luck sa atin...

ingatski,

melay 

maganda po naisip ninyo ate

maganda po naisip ninyo ate melay

Sa inyong lahat tama po kayo hindi lamang magagaling ang dapat sumali kasi para ito sa lahat at matuto tayong lahat

salamat po

eloisa marie hernandez's picture

Ayos 'to ah. Sang-ayon din

Ayos 'to ah. Sang-ayon din ako dito. Kung lahat tayo na gustong sumali makiki-cooperate, mas may posibilidad na mangyari nga itong gusto ni kuya Rom.

Sali rin ako. hihihi. Basta kung may maitutulong ako, sabihin niyo lang kuya. "yung sinabi ni ate melay, pwede din yun.

 

<(='.'=)>

Ped Xing's picture

astig.

 

maganda yung goal mo kuya.  thumbs up. =D

 

siguro yung iba tingin nila imposible pero kaya yan. tulong ako. =)

kislapalitaptap's picture

astig ng mga ideya...

gusto ko lahat ng iminungkahi ni ROM na mga nakikita niyang makakatulong sa pagpapaunlad ng sining at panitikan. pero pinakagusto ko yung ideya na magtayo ng isang organisasyon o samahan na tayo-tayo rin dito sa FW ang magsisimulang bumuo.

wala pa kasi akong pormal na kinapapaloobang grupo ng mga manunulat. (kaya pala)

Rom, Gulong palagi!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

 

Rom's picture

mural painting

 

sana isa-isang magawa. nag-iisip din ako ng mural painting jamming. parang ganito: sa isang bar o book shop (like bookay-ukay) magtatayo tayo ng malaking canvass tapos may tumutugtog na banda sa side, may spotlight sa malaking canvass habang isa-isang lalapit ang mga magpipinta (not necessarily artists) every ten minutes may mag-join para magpinta ng kahit na ano lang.

dudugtungan ng isa yung ginagawa ng isa hanggang sa marami ng artists ang gumagawa dun sa saliw ng banda o poetry reading. mga 1 to 2 hours tapos yung mural na yun kung halimbawang 20 artists yung magtutulong-tulong. kung makakagawa ng ganitong mga 10 murals pwede na nating i exhibit, ibenta o i donate. basta thematic lang yung ipipinta.

daming pwedeng gawin. 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

Dap-ay Sapata's picture

mahusay...

gusto ko rin yan!

 

"Write in White Heat, Edit in Cold Blood."

www.tintamakata.multiply.com

 

 

Ped Xing's picture

..

 

 

pano kung amateur na katulad ko? pede pa din makiepal?

Pmel's picture

I don't think it would matter!

Mural paintings, I'm in, buddies!

 

 

 

 

Do we get to spray paint too? I've always want a hand on that ... hope we could do it soon -- before March. ^_^ 

Rom's picture

  yup sige ayusin natin yan

 

yup sige ayusin natin yan first quarter this year mas madali yan kesa sa book compilation

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/