Kakambal ko...(isang maikling kwento)
Taong 1975 nang ipinanganak ang dalawang bata na may iisang ina. Minuto lamang ang pagitan ng una sa huli. Pinangalanan ang una na Emmanuel at ang huli ay ako si Manuel.
Magkamukha sa lahat ng pisikal na kaanyuan ngunit magkaiba ng pag-katao kami ni kuya. Siya ay lumaking mapagmahal sa aming magulang, masipag sa lahat ng bagay kaya’t gusto ng lahat.Paborito siya ng lahat at iyan din ang dahilan kung bakit pinili ko ang maging iba kay kuya.
Sa eskwela lahat ng klase ng pang-aasar sa guro ko ay nagawa ko na. Halos ipagtabuyan na nga ko papalabas sa pintuan ng klase. Sinusuka na ako ng lahat ng nalipatan kong paaralan. Walang may gusto sa akin sa buong eskwelahan maliban kay kuya. Matiyaga nga lamang si Mama at patuloy na umaasa na balang araw ay titino din ako. magiging kagaya ni Kuya.
Mabait talaga si kuya Emmanuel at kahit sa akin ay nararamdaman ko ito. Ang hindi niya pagsusumbong kay Papa sa tuwing mag-cutting classes ako upang panoorin ang palabas sa sine kahit pa nga iilang beses ko na itong inulit. Pagpapayuhan lamang niya ako na hindi tama ang aking ginagawa at sasagot naman ako na ito talaga ang gusto kong buhay. Maging iba sa kanya.
Pinili ni kuya ang maging isang ganap na Doktor pagkat nais daw niyang tulungan ang lahat ng may karamdaman.Nagpursige siya na makatapos. Ginawa nga ito ni kuya na halos lahat ng kanyang ginagamot, nang maging ganap na doktor na siya ay Libre. Lahat ng oras niya ay ginugol sa mga nangangailangan sa kanya. Sabi ko nga matalino nga siya ngunit nagpapaloko naman.
Kung pagtulong sa kapwa ang pagkakakilala ng lahat kay kuya ay ako naman ay kilala bilang tarantado sa lugar namin, magnanakaw, mangloloko. Nagpakasama talaga ako. Masamang-masama.
Dumating ang pinakakatakutan kong oras ang malulong sa bisyo ng bawal na gamot. Tinikman ko lahat at naging paborito ang paghithit nito. Sunog-baga ako. Sinunog ko pati na kaluluwa ko. Kung noon ay kinikilala ko pa si Kuya, si Papa at si Mama...ngayon wala na. Hindi ko sila kilalang lahat. Ang kilala ko lamang ay ang pinakamamahal kong alak at droga.
Mas naging talamak ang panggagantso ko upang matustusan ko lamang ang bisyo ko
at pumatay ako...pinatay ko ang asawa ni Mayor ng tumangging pautangin ako. Ngayon, utang na buhay din daw ang kabayaran sa ginawa kong pagpaslang sa asawa niya. Nagtago ako...Nagpakalayo-layo.
Si kuya Emmanuel pa rin ang tinakbuhan ko, ang hinihingan ko ng tulong nang maubusan ako ng pangangailangan upang mabuhay. Hindi naman siya nagdalawang salita. Siya na daw ang bahalang gumawa ng paraan upang maging malaya akong muli. Tulad ng dati ay umasa ako at naniwala sa kanya na siya na muli ang makakatulong sa problemang pinasok ko dahil alam kong hindi niya ako pababayaan. Tulad noong maliliit pa kami na siya ang sumasalo sa akin, sa may mga galit sa akin. Mahal na mahal ako ni kuya (mahal ko rin siya kahit lihim lang ito sa akin).
Bukas bibitayin na si Manuel sa pamamagitan ng Lethal Injection sa salang pagpatay sa asawa ni Mayor at sa iba pa nitong mga pagkakasalang ginawa ang nabasa ko sa Dyaryo. Papanong nangyari eh nandidito ako sa malayong lugar at nagtatago, Putcha! si kuya. Si Kuya nga. Tulad ng dati ay gagawin niya ang lahat para sa ikaliligtas ko.
Humangos ako.Umuwi sa amin. Sumuko. Sir, Judge hindi siya at ako ang may kasalanan sa lahat. Ako po Sir...ako.
“Huli na Emmanuel at nasentensyahan na kanina pa ang kuya mo. Patay na siya. Pinanagutan na niya ang kasalan mo tulad ni Kristo na niligtas tayo. Magbagong buhay ka na lamang upang maging masaya naman siya sa kabilang buhay.”
Bumalik ako sa bahay at niyakap si Mama. Ngayon ay nag-aaral ako muli at planong kumuha ng kursong Medesina at makatulong sa iba tulad ng nais ni kuya Emmanuel.
end.
dyeppri...nabasa ko lang po ito noon at isinulat sa bagong tema.
oi
oi in fairness nice akala ko ang kakambal mo ay-- kamalasan? kasi nabasa ko ang daming galit seo bakit sabi nila mayabang ka daw-- tingin ko indi naman po ang tingin ko lang nagpapapansin ka lang, atsaka mataas ang pride atsaka palaaway at saka mataas ang tingin sa sarili-- ay di ba mayabang din yun? naku sige na nga po mayabang ka pala talaga ahihihi
Whahahah!! Mukhang pinagtitripan ka pare!!
Mukhang pingatritripan ka bro ah, hahahaha di naman mayabang si Dyeppri, mataas lang ang kumpansya sa sarili (mukhang ganun rin ata yun, hahaha!!)
Mabait yan si Dyeppri (PLASTIKKKKKK!!!) hihihihi! Mukhang marami ng nahahawa sa iyo bro.
Tungkol sa kwento eh, maayos bo, maigsi pero kumpleto naman!!
Bro mukhang nandyan na naman sya!!hahahaha!!
Ingat
Spike
ahihihi...
ayos lang 'yan 'tol kasi sabi nga ng lola ko "ang taong inaapi ay gagantimpalaan din Nya'." Salamat sa inyo lalo kay hantik (bago ka lang kaya alam ko ikaw din 'yan)---> masakit ka mangagat(personalan) pero ayos lang kasi ito ang nagpapatibay sa akin.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Whahahahah!!
Dyep ikaw ba yan???? Hahahha!! Ako dati medyo apektado pa sa mga personal na atake, but later on nalaman ko medyo di dapat patulan!! Eh tutal magiging word war lang. Eh pagnagkita na lang ng personal don na lang makabawi!hahaha!!
Ang siste ay parang kukuyugin ka ng ibat ibang member, pero malalaman mo na isang tao lang pala yun na ibat iba ang username na gamit. So talo ka!! Paano mo malalaman na iisang tao lang. Eh kung halos pareho ang nilalaman. Example. mura (tagalog o english) o di kaya personal na atake ( tagalog, english, french, spanish, o bisaya) Kumbaga iba't iba ang suot iisang tao lang din naman
So bro, hayaan mo na lang.....
Ingat at RAMADAM KAREEM
Spike
nakakatuwa naman ang picture
nakakatuwa naman ang picture ninyo. Bagay na bagay sa nagsasalita
Sa kwento po maganda. Ang sabi nga nila ang kahinaan mo siyang lakas ng kakambal mo at ang kahinaan mo ang siyang lakas ng kakambal mo.
Good stories po at magandang aral ang makukuha
tama ka agatha sa sinabi mo
tama ka agatha sa sinabi mo naniniwala ako diyan. Minsan naisip ko sana may kakambal din ako
kakambal na opposite ko hiihhihihi
Maganda talaga ang stories
salamat...
salamat agatha
salamat lalo sayo jonds (iyak!) at parating andyan ka na handang pakalmahin ako, sa lahat oras ay andyan ka na nagpapangite at nagbibigay ng lakas upang lumaban ako sa mga dagok ng buhay (drama!) ahihihi.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
walang anuman po.. ganda po
walang anuman po.. ganda po talaga ng kwento
wow!
Wow! Grabe... nakaka-antig ng damdamin. Ang sarap basahin ulit.
Pero kung ako si Manuel, baka hindi kayanin ng konsensya ko kung namatay yung kakambal ko dahil sakin.
Ganda po ng kwento!
Tanong lang po
hindi po ba kahit na kambal ayon sa kwento ninyo yung isa naging isang doktor, yung isa nalulong sa matinding bisyo at kung anu-anong kalayawan hanggang sa maging isang mamamatay tao?
sa aking nakikita sa takbo ng pamumuhay nilang magkaiba (total opposite) maaaring mangyari na mag iba na rin ang kanilang itsura. ang doktor ay isang tipikal na clean-cut, matikas magdamit, maputi at laging mukhang mabango.
samantalang ang isang adik at mamamatay tao ay tipikal na marusing, mahaba buhok, mabaho at pabaya sa sarili.
kahit po kambal sila malaki ang pagkakaiba ng itsura nila kung susuriin.
kaya po nakikita kong butas ang napagkamalan si Emmanuel bilang si Manuel. Lalong lalo na sa mga alagad ng batas at sa husgado.
obserbasyon lamang po
salamat
PARTLY TAMA KA... PERO....
dkarimjr:
Para sa akin naging problema sa story is the fact na short ito. Hindi masyadong na-ilaborate yung scene sa pagpatay. I would suggest na kahit man lang konti eh na-describe yung pangyayari. Nakasulat na ako gn story b4 na my pagkakatulad sa story niya, ginawa kko is, diniskrayb ko ang lugar ng pagpatay na may kadiliman at palaging tambayan ng dalawang kambal at palagi doon sa lugar nagpapakita ang umako sa pagpatay.
Ito ay sa akin lang.. aheeheeh,,,
tama po kayo sir rom...
isang maikling kwento lang po ito at hindi isang nobela (kayat pinagkasya lamang po)...parang isang parabula sir rom(kung hindi po ninyo napansin)...iwinangis ko lang po ito sa pagtutulad kay papa Jesus.
Nagbayad Siya ng kasalanan natin na hindi naman Siya ang gumawa. Sinulat ko po ito noong matagal ng panahon sa project ko sa highschool. May mga drawing po ito na parang isang komiks ngunit hindi ko na makita at ito na lamang plot ang natira.
Salamat po sa inyo sir Rom pati na rin kaya Karim DA jr....
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
nice story
maganda sana ang plot at may potensyal na pakapalin pa. istorya ng pamilya sa magulong lipunan tipikal na magsasalamin ng kasalukuyang kaguluhan. pwede pa i develop.
salamat din sa pag share.
wag mo lang ako tawaging "sir"
kasi ang sir sa old english ay "Lord"
nakakakilabot isipin na "lord" ang tawag sa akin. kuya na lang oks na
salamat.
UNEXPECTED!!!1
dkarimjr:
Grabe di ko inasahan na iyon ang mangyayari..
thou simple lang yung sinario, ramdam ko yung value ng story!
i like it. really, reallty love.
keep up the good pieces.... ehehee
iba talaga magmahal ang kapatid
normal sa magkapatid na mai-compare. naranasan ko rin iyan hindi ko lang pinili ang magrebelde para maiba ako sa kapatid ko...
maganda ang kwento, although nahulaan ko agad ang magiging katapusan, okay para sa akin ang naging takbo ng kwento... punung-puno ng inspirational aspects...
iba talaga kapag kapatid na ang nagsakripisyo para sa ikabubuti mo...
musta na ba kuya?
ingatski,
melay
salamat pow!
busy sobra sa work kaya umaga na ako nkpagbubukas ng net...ingatz
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."








Maganda ang kwento..
Maganda ang kwento.. sakripisyo at pagmamahal at pagbabagong buhay ang ipinapakita...
Nakaka-antig ng damdamin...
Salamat sa inspirational stories
jonsdmur