kakulangan sa LPG? dapat bang mag panic?

Nakakatawang isipin na ang laman ng mga balita ngaun ay ang kakulangan ng LPG, maraming tao raw ang nagpapanic buying!

Pero totoo kayang may kakulangan, o ginipit nga kaya ng ibang tao ang kapwa tao nila? o sadyang paraan lamang ito ng gobyerno, upang magkaroon na naman ng masamang balita ang bayan, at ng may maggawa na naman silang bagay na maaaring magpabango sa kanilang baho?

Ano nga ba ang nais iparating nito sa ating bayan? Kailangan ba talaga ng panic buying? kailangan bang magkagulo? Ano nga ba ang mangyayari?

Di ako makapaniwala na ang mga tao ay nagkakagulo dahil lang sa balitang ito! Sabi pa sa balita ay halos nag kakaubusan at nag-aagawan ang mga tao sa pagbili ng LPG.. Pero ano ba talaga ang halaga nito sa atin?

Siguro nga mahalaga ito dahil mapapadali nito ang ating mga lutuin, at mapapadali nito ang iba pang kailangan natin sa buhay!

Pero bakit kailangan tayong magkagulo? Kailangan nga ba na maging ganito?

Para sa akin hindi kasi kung iisipin lang naman, walang dapat ikatakot ang tao, unang-una, tayong mga pinoy ay sanay sa hirap, sanay sa mga mabibigat na trabaho, kung iisipin natin noon ay walang LPG, ngunit nabuhay ang mga tao, walang nagkakagulo dahil maraming puwede gawing panggatong, tulad ng mga sanga ng kahoy o di kaya ay uling o oling, di ba?

kaya ano pa ba ang ating dapat ikatakot? wala naman siguro, bakit di tayo bumalik sa nakaugalian na natin noon? kung ang ating mga magulang nga ay nabuhay sa panahong iyun na ang gamit ay mga sanga lamang ng kahoy, tayo pa kaya? na sa modernong panahon ay maraming alternative na puwedeng gamitin sa kasalukuyan!

Kayo importante ba ito? o hindi kayo na ang humusga!


dyeppri's picture

Isa lang ang sagot d'yan MJ...

OA naman yata yung description na nagkakagulo. Wag ka masyado magpaniwala sa media...

Kung wala ng LPG e di gumamit ng electric stove... mahal man ang kuryente ay wala na tayong magagawa kasi wala ng puno sa gubat. Isa pa dagdag na polusyon pa sa hangin ang usok nito MJ.ahihihi  Laughing

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

may tama ka po kuya dyeppri

tama ka po sa sinabi mo..yung salitang nagkakagulo ay ginamit ko lang po lamang, dahil ganito rin ang pag describe ng mga tao, pero di naman lahat
tama rin po yun na electric stove na lang, ginamit ko lang po yung kahoy, kasi ito naman talaga ang gamit ng mga tao noon,
ginawa ko lang po bilang isang halimbawa
pero salamat na rin po sa comment ^_^
" The voice of a man outside the wall"