kakulitan ko minsan ay...

dyeppri's picture

Kakulitan ko minsan ay...

 

“kuya ako naman diyan sa computer oh?!” pangungulit ng nakababata kong kapatid at alam ko naman na gusto lang makipag-chat sa yahoo o maghanap ng mga malalaswang panoorin dito...

 

“busy pa ako sa pagre-research!” pero ang totoo ay gusto ko lang mangulit at mang-asar sa mga nagsusulat ng blog..parang napaka-corny nila at gusto pa isigaw sa buong mundo ang problema nila. Mamaya na ako mag-aaral at kay sarap ‘atang makipag okrayan lalo na kay Jenny kasi yung avatar niya ay parang may tipos at ang pangit niya talaga sa picture. Kung nag-aayos lamang siguro siya ay baka naging crush ko pa siya!

 Isang linggo ko na hindi siya naa-asar ah! Bakit kaya? Ano ba ang huli kong nasabi sa kanya at mukha yatang dinibdib niya iyon. Teka at bubuklatin ko ang huling pangungulit ko sa kanya... ano ba yun?....ah...eto “masyado ka namang madrama miss at nakakairita ang pinagsasasabi mo...” masyado nga yatang harsh iyon.

Hay...nakakamiss din pala siya at ang mga kababawan niya. Wala na din ako makadiskusyunan dito at yung iba naman ay sobrang pikunin at kay daling sumuko. Konting masagi lang ang ego ay nagsa-sign out na agad.  Iba talaga si Jenny at palaban kahit na umagahin pa kami dito...grabe siya!

  Teka... may isang inbox ako ah! Ano ba ito?  

Hi Friend,           

Ako po ang Ina ni Jenny...nagpapasalamat po ako at nakuha ninyong libangin ang anak ko sa loob ng isang buwan. Salamat po sa panahong  ibinigay ninyo sa kanya. Kahit nasa gitna siya nang paghihirap at mga sakit na nararamdaman niya sa karamdaman niyang Kanser sa baga ay nagagawa mo pa rin siyang mapatawa. Minsan nga ay naaabutan ko pa siyang tumatawa ng mag-isa sa harap ng laptop at kasabay noon ay  napapangite na rin po ako. Nakikita ko nga po na minsan ay  hirap na niyang aninagin at basahin ang bawat letra sa laptop ngunit hindi ko po  magawang kunin iyon dahil iyon lang daw ang nagpapasaya sa kanya, Ikaw daw po ang kaibigang hindi niya nagawang makita at hindi na muling makikita pa.            

Pinasasabi niya po sa inyo na salamat at kayo’y nagkakilala dito  kahit hindi ninyo nagawang magkita. Salamat daw po!           

Nailibing na po ang anak ko kahapon at alam ko po na may ngite sa kanyang  puso.           

Nagpapasalamat din po ako bilang ina niya sa inyo. Salamat  po. 

Jenny and Mrs. Flores

Rm 307     Cancer Dept.    St. Lukes Med. Center 

Nanlambot ako at parang ayaw ko ng hawakan muli ang computer.... “’toy ikaw na dito at mamamasyal na lang ako sa SM.”

 


..

I would assume that this isn't a true story? we shouldn't be too hasty in judging people as ma-drama or ma-emote in their blogs it's just the same as other poeple being makulit or being korny in theirs... blogs are often personal experiences, it's an avenue to express feelings, insights and views of the writer on things that are significant and of value to them... there's the literature section if we must write a short story or other fictitious kwento... and personally (sa akin lang po ito) we should be more sensitive in discussing issues such as cancer and other sickness or disease... we can't know for sure how many cancer patients or people with incurable disease are there on the net biding their time, making use of whatever time they're left with to reach out to others or simply to interact... one of the downside of interacting on the internet is that we cannot always know for sure who that person really is, what are the things he/she is going through right now or if he/she is for real at all... still it wouldn't hurt anyone to be respectful and be decent in the words they use... kahit siguro sa ibang issues pa be it political stand or faith or principles... we should always give RESPECT. Yun lang po.

dyeppri's picture

yup!

thanks

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

dyeppri's picture

yup!

isa lamang po itong imahinasyon ko... just to tell to others that they should be sensitive when giving criticism (as what you said and i'm very mch agree to  this! ) and they should be aware (always) to what others will feel.

i'm sorry for using the word cancer here (cause i need it) though i don't elaborate... it will just help me to give a deeper meaning to my story and to give a lesson to others( i think i hev a gud obj here.)

Tnx Ms Pau.. "we should always giv RESPECT" i quote...

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

mr. dyepp you always give

mr. dyepp you always give respect naman in giving your views... there's one lang yesterday re:SONA but it's understandable the discussion is heated and emotional... at kahit makulit po kayo minsan there's always something to learn from your stories... and for that I respect you! 

and it's alright to use the word "cancer"  it's fine the way you used it in your story yung ibang tao lang kasi their reference to the disease ang nakaka-low-morale. 

 

jonsdmur's picture

Ma emote ang kwento... akala

Ma emote ang kwento... akala ko nong una tru 2 life na... at akala ko jenny na sa site na ito hehehehe sige babasahin ko muna ang sona at hahanapin ko ang madamdaming usapan......

Meron na naman akong natutunan sa araw na ito... We must respect each other..... jonsdmur

...

hmmmn si jonsdmur may nahalata ako...  bakit si melay at si eloisa ang bida ng kwento mo na bago? sino ba talaga sa kanila ang labtim mo? paano naman yung nabasa kong palitan nyo ng comment ni jenny... updated ako ha lahat kasi binabasa ko... kaya hihintayin ko ang reply sa comment ko ha.

jonsdmur's picture

Wow shobiz! well were just

Wow shobiz! well were just frends.... Melay and eloisa is lyk my younger sister waaaaaaa o, diba shobiz hihihihihhi....

Second Jenny is my new frend... pareho kami bisaya... nice person siya....

Abangan niyo po ang La traidora dahil kayo ang ate pauline ng isa sa mga La traidora.... hehehehe have a nice day po... God bless.. 

 jonsdmur

PS. Regarding sa kwento sa itaas... maganda at talagang sa site na ito marami kang nakikilala... nagpapaligaya sayo.... napapaligaya mo... at minsan nakakaalitan.... but ang importante sa lahat... we must respect....

Yeah I like mr. dyepp's

Yeah I like mr. dyepp's story... it shows just how the internet shapes our attitude sometimes... it numbs us to the reality of other people's feelings and emotions... it gives you a sense of power... siguro it's the protective power of anonymity that gives others the liberty to treat others on the net with open contempt and hostility... sa internet it's the Id and the Ego that rules... conscience is non-existent... because you're untouchable... nobody knows who you really are and so you can do and say anything you like... I hope mr. dyepp would write more stories like this... we all need a dose of Reality! Thanks!

Ailem23's picture

ate pauline

showbiz na tanong ah... sasagot ako...

si kuya jons ay para ko ng ama (toinks!) hehehe. kuya-kuyahan, kapatid... katulad ni kuya spike, kuya dyeppri...

wala kasi akong kuya...noon pa man, iniisip ko kung anong feeling na may kuya... kaya madalas nagke-create ako ng character na isang mabait at mapagmahal na kuya.

iyon lang iyon... kung bakit kaming magpinsan ang bida sa la traidora. bakit nga ga? hehehe. Siguro, napundi lang si kuya jons sa kakulitan naming magpinsan...   

spike_west's picture

Infairness to Dyeppri

Base sa kwento, wala naman akong nakikitang masama sa mga naisulat ni DYepp, kasi imahinasyon nya ito (o kung totoong buhay okay lang). Kung gumamit man sya ng sakit na Cancer sa istorya wala naman akong nakikitang masama dun. Tutal hindi naman nya ito gumamit sa katatawa tawang bagay. Pero paraan ito para mas lalo mong maapreciate yung istorya. Regarding naman sa blog issue, eh tingin ko naman okay lang din yun kasi ipinahayag lang nya kung ano ang nararamdaman nya about sa mga blog.TUtal isa lamang po itong kwento at hindi isang sanaynay. Though siguro may pagkakahawig sa totoong buhay ng may akda but I guess isa lang talaga itong kwento. Isang maiksi at hindi gaanong seryosong istorya.

Pero sa totoo lang, medyo maiksi lang talaga, nakulangan talaga ako. Sa sobrang iksi parang nadaan lang ng mata ko tapos na. Yung emosyon ng kwento ay masyadong mababaw. Pati ang mga salita na ginamit ay masyadong mababaw at walang bigat. Medyo may kulang talaga sa kwento. 

BUt on a personal note, tama lahat ng sinabi ni Pauline tungkol sa pagsasaalang alang ng damdamin ng ibang tao. Sang-ayon ako ng isang bilyon sa iyo Pauline.

Pero sa comment na ito mas hushusgahan ko ang gawa ni Dyepp kesa kay  Dyepp mismo. Kaya mas nagfocus ako sa gawa ni Dyepp.

Ingat,

Spike 

...

wala din naman po akong sinabing may nakita akong masama mr. spike... lahat naman po ay patungkol sa kwento ni mr. dyepp... medyo na-confuse lang ako nung una dahil nasa blog nalito ako na baka totoong kwento kaya nga sa unang tanong ko ay yun agad ang itinanong ko... at yung mga sumunod ko nang komento ay patungkol sa main character ni mr. dyeppri na lalaki at ang kanyang katauhan na naihalintulad ko sa totoong buhay...naihambing ba ang mas tamang salita kesa sa naihalintulad? kung anuman ang tama yun na po yun... at kung may pagkakahawig po sa pagkatao ng may akda na si mr. dyeppri ay pasensya na po at hindi ko kasi alam na malapit pala yun sa totoong buhay nya...pero tingin ko naman po ay naunawaan naman ni mr. dyeppri na yung male character ang tinutukoy ko sa aking puna at hindi mismo ang pagkatao ng may akda dahil sa pagkakaalam ko ay magalang naman si mr. dyeppri at nagkakaintindihan naman po kami sa aming pagpapalitan ng kuro-kuro... yun lang po at salamat.

dyeppri's picture

u'r so kakatouch naman spike! (iyak)

 hindi ko po masyadong pinalalim dahil baka kung ano nanamang masabi at pagmulan ng isang diskusyon ito... maiksi ngunit effective naman (yata!). salamat kaibigan... kitakits tau minsan.Cool

Okey naman si ms Pau at okey talaga! 2 thumbs up ako sa kanya!!! She looks like an Angel here..ngunit astig...hahahah! tnx ms Pau.

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

...

Ok na ok ka din sa akin mr. dyepp... pati si mr. spike ok din... ingat lang kayo ha baka ma-develop na yang mutual admiration nyo sa isa't isa hehehe... natutuwa ako sa inyo kasi minsan nagtatalo kayo pero parati nandoon pa din ang respect nyo sa isa't isa... hinahangaan ko yang mga ganyang tao... sana madami pang katulad nyo! Ingat at Salamat!

spike_west's picture

Kakatouch ka naman Pauline

Eh ganyan talaga kaming maglambingan!! Eh talagang opposing ang mga paniniwala namin but in the end eh may unity naman!! Eh pwede kami sa isang debate! Pero sa basketball eh balyahan na lang hahahah(teka laking tao nyan si Dyep eh)

Miss Pauline, continue to write po, kasi very inspiring yung mga kwento nyo. I like your style very calm and balance. Nakakatuwa lang kasi dumadami na rin ang users/readers ng Filipino Writer,

Ingat po lagi,

Spike

Ailem23's picture

makiki-comment po

napa-emote na naman ako dito. I remember my friend who died when I was in High school. nagka-cancer siya na hindi namin namamalayan basta one day na lang, hindi na siya nagpakita. akala namin, baka napikon kasi mas inuuna pa niya iyong mga ka-chat niya kesa sa aming concrete friends niya. inaasar siya minsan ng mga ka-theater namin dahil doon.  iyon pala may iniinda na siyang sakit at nabalitaan namin na isinugod siya sa hospital. end stage na pala ang leukemia niya. Pero ang mas nakaka-emote talaga noon, nagpasalamat pa siya sa mga nang-aasar sa kanya kasi hindi daw magiging masaya at makulay ang last days niya kung hindi siya inaasar ng mga kasamahan namin...

naka-relate talaga ako sa story... 

haay... this is a very nice story....

good luck kuya dyeppri...

 

melay