Kalimbungan
Di mapigil ang pag silip ng hamog,
sa pinto ng aking paningin
Nang ang maaninag ay ang liwanag,
ng bulto mong saki'y nag panginig
Ginimbal, nilindol,
ng kulay tubig mong kalaro
Ang puso kong nag sasalimpusa sa laro n'yong patentero
Sa dulo ng kamalayan, ninanais pang ika'y sunduin
Sa kangina'y tinahak, ng nag bubulagan mong paningin
Binigyang espasyo ko, ang pag sukbit ng bisig mo sa king baewang
Upang pikit mata nating tahakin ng magkasama,
ang mag-isang nilinis kong daan
Pangalan ko'y isasambit mo ngayon, ng may kalakip na tamis
Na di ko matanto kong bakit kangina'y di ko narinig
Kangina;
kung saan tinalikuran ng nag-aapoy na Araw,
ang lamig ng kaagapay nitong Buwan
Upang makipaglaro sa pawisang daigdig,
na pinakulo ng mga Talang makasalanan
Ika'y magtatanong at mapapahinto,
sa pagkumpas ng iyong pag babalatkayo
Nang tuluyang sumara ang nag-aapoy na pabalat,
ng inuulan kong libro
Dahil wala ring silbi na basahin ko sayo,
ang nilalaman nito ng paatras,
Para lang di mo marinig ang daing ng sarili mong tinta,
na sa puso'y ko'y nag iwan ng di maburang lamat
Sa huli'y maspipiliing mapaluha na lamang,
sa alikabok ng nagsisitakbuhang kabayo saking dibdib
Habang buong panginginig na hinaharap ang reyalidad,
na ang kahalayan mo ang kaninay aking kaniig
Masakit ngunit di ko kayang mabuhay,
ng walang mamulatang ngiti mula sa'yo
Kahit na nga ba ang kurbang ‘yon,
ay likha ng di ko pag-aaring alon
Muli'y mapapayakap sa namumutlang balangkas ng muli mong paglaya
Na dinumihan ng tira-tirang tinta, ng nauna mo ng ipininta
Manginginig, mapapasigok,... habang pinapahid,
ang likidong dumidilig sa nanunuyot kong labi
Saka ko ibabaon ang lahat sa likod ng ngiti,
na tila ba ang lahat ay isa lamang masamang panaginip
Isusunod ko ang pag bura ng Talong likha ng minsan mong pag kalimot
Saka itatanim ko pabalik ang matutulis na damong nag babantang umusbong
Upang muling mabuhay ang halimuyak ng rosas, sa hardin ng ating kaharian
Na siyang pina sa-sangsang,
ng iyong kataksilan.
SALAMAT SA MAG BABASA.
Sorry...
Sorry kong medyo magulo ang unang post ko nito,
Umiral na naman 'yong pagiging tantarerang ko,...malapit na kasi mag 1: 30, i pu-portray ko pa naman ang kinaiinisang kong propesor sa play namin ngayon.
Hehehe, salamat sa pagbabasa sinta, sa magulong tula ko na 'to,...mahahanap mo ang kasagutan sa bawat letrang nag sasayaw sa bulwagan ng aking tula, na sa sulok lang 'yan, maaninag mo rin, talasan mo lang ang iyong pandama't paningin.
Echuzzz, salamat uli,...excited na ako sa Play, e!!!!
may ganun pa hahaha
talaga ngang me talent ka ano p're? hehehehe. ayos na ayos tung tula mo, okay lan yan wag mo kinikiber yan nangchachaka mong titser. hehehehe. just believe in your self.
dream.
believe.
survive.
startstruck kids!
mam sinta
mam sinta,
dili tka kalimtan, hulatun taka hangtud sa tumuy.
kasi, baltok ka!
hahahaha. pinxu kung alam mo tagalog nyan hwag mo tatagalugin at sasakalin kita. hahahahaha.
mamatay na magtagalog nyan. hahahahaha
unti lang alam kong bisaya. hehehehe.
buhi murag kinabuhi
........
Freedom of speech!!! Mau di ko kasabot og baltok. Coz I'm not that good in bisaya,too.
Pero gets ko ang:
dili tka kalimtan, hulatun taka hangtud sa tumuy.
Dahil ang katumbas noon sa tagalog ay:
___________________________________
Pasalamat ka gud girl drama ko ngayon...
........
Empernezz lang discouraging mga reaction ng mga classmate ko matapos nilang marinig ang tulang isinulat ko di man sila pumalakpak, si sir speechless naman ang letse!!!
Hinihintay ko pa naman 'yong pangungureksyon n'ya tapos ma se-save by the bell lang ang mala nobelang interpretasyon na hinihingi ko sa kanya.
Tuloy bukas ko pa maririnig 'yong pang chachaka n'ya pati 'yong interpretasyon na hinihingi ko sa kanya.
Hehehehe
Hayop ang sagot! Hahahaha.
Ssshhhh! Joke lang naman yun sinabi ko. Hehehehe. Alam na ni sinta yun.
Baltok> waray kasi tong salita na to.
Kabalo ko musturya pero gamay lang.
buhi murag kinabuhi
hala
daghan diay bisaya diri! Pastilan! Party na ta!
ayo-ayo.
unsa man nang "baltok"? dili na ko kaayo makasabot kay dugay naman kong wa nagbalik sa cebu.
sturyahay na lang ta.
nindot ning poem mo day, makalibog lang.
wag kang pipikit...
hai luca kabalo d i ka'g
hai luca kabalo d i ka'g bisaya?yahahhaah...taralets party nata!
maganda ang indayog ng
maganda ang indayog ng sulating ito. ang sarap sa pangdinig kapag binabasa ng may puso... ang hapdi at kalungkutan ay nararamdaman!
nakita kong log-in ka kaya tiningnan ko ang iyong mga akda, matagal-tagal ka na rin palang di nagagawi dito. sana makapagbahagi ka pa ng mga tulad nito.
maharot, malikot titik sa aking tuktok!







...
Kalimbungan? anong ibig sabihin nito?
isa na namang obra na likha ng isang malalim na kaisipan mula sa iyo pinxu.
isa na namang tula na pinuno ng damdaming init mula sa buwan at pusong nilambungan ng lamig mula sa araw...
at hahalayin ang pusong nagpakatanga ng mga talang makasalanan.
Magaling.
Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, nais ko sanang sagutin ang tula mong ito...
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig