kalokohan ng mundo

sinta isaac's picture
| |

noong bata ako, kapag nalalagas ang buhok ko, takot na takot ako, kasi iniisip ko na baka may cancer ako, iyon pala, hindi iyon senyales ng cancer, maglalagas lang ang buhok mo kapag nag u undergo ka na ng chemotherapy. kaya nga nung napanuod ko ang Pinulot ka lang sa lupa ni lorna tolentino, eddie garcia at maricel soriano'y natawa ako, kasi nung nagsusuklay si lorna at naglagas ang buhok n'ya, doon n'ya lang natuklasan na may cancer pala s'ya.

hairfall lang ang lahat.

noong napanuod ko dati ang una kang naging akin ni sharon at gabby, napaniwala ako na ganoon talaga ang mukha ng amnesia, kapag na aksidente ka, mawawala ang memorya mo pero 'di din pala magandang paniwalaan na kapag na aksidente ka ulit o naumpog ng matindi ang ulo mo'y babalik ang dati mong memorya. para tuloy sinasabing two accident is better than one. :') kasi ang totoo, hindi ganoon, pwede mong makuha ang amnesia sa resulta ng neurosurgery, brain infection at stroke, minsan naman psychological, iyong tipong dahil sa mga dinanas mong pait sa buhay, pinili mo na lang ang kalimutan iyon, short term memory, iyon ang mawawala sa'yo katulad ng nangyari kay drew barrymore sa 50 first date at kay dolly sa finding nemo. Iyong kaso ni dolly at yung character n'ya ang talagang nagpakita ng anyo ng amnesia.

pero masyado ng seryoso ang mga sinasabi ko, tignan naman natin ang mga kabaliwang nararanasan natin araw araw, na hindi natin maaaring iwasan. insan kapag nangyayari ang mga ito, pakiramdam natin niloloko tayo ng mundo...

Una, iyong kapag gumagamit ka ng masking tape, minsan, nahilo ka na at nagpaikot ikot na ang daliri mo sa kakahanap nung pinaka dulo ng tape, pero di mo makapapa kapa.

pangalawa, iyong tipong maaling madali ka na tapos biglang sasabit at tatama sa kanto ng upuan o ng cabinet o ng pintuan iyong hinliliit mo sa paa at mapapa aringkingking ka sa sakit at mapapamura, kulang na lang abutin mo iyong hinliliit mo sa paa at isubo dahil sa sobrang sakit.

pangatlo, iyong busy ka ng sobra at ayaw mo paistorbo tapos biglang iyong kailangan mong gamit ay hindi mo mahanap. sabi ka pa ng sabi na andito lang yon pero binaligtad mo na ang buong bahay mo pero hindi mo pa din mahanap iyon pala, iyong ballpen na hinahanap mo, nakasuksok sa tenga mo.

pang apat, nanonood ka ng TV. gugulo ang reception at wala ka ng makita sa screen kundi mga gamo gamong ligaw, lapit ka, aayusin mo ang antenna, maaayos at bigla lilinaw ang screen, tapos kapag umalis ka na at muling uupo, masisira ulit, paulit ulit ka hanggang sa tumayo ka na lang sa tabi ng tv, hawak hawak ang antenna para mapanoond mo ng maayos ang paborito mong tele serye.

pang lima, tulog na tulog ka, sarap ng tulog mo, bigla tutunog ang cellphone mo, may nag text. gigising ka para bsahin ang text para lang malaman na ang nag text lang pala ay globe para sabihing may reward na free text kung mag lo load ka ng 300 sa loob ng isang linggo.

pang anim, kung kailan naman late ka na para sa first subject mo sa school dahil sa kaka maryang palad kagabi, kung kailan naman minadali mo na ang pagligo at pagkain, tsaka ka bubungangaan ng nanay mo at sasabihing napakatamad mo at napaka bagal mong kumilos.

pang pito, hindi ka nakapag review dahil sa pakikipag tsismisan sa telepono sa bestfriend mong ubod ng kati ng dila noong nagdaang gabi, malalaman mo na lang na may suprise exam pala ang hinayupak mong teacher, kaya't mangongopya ka, ang problema, dahil sa antok at katamaran, di mo na narinig na ang exam pala ay may set a at set ba, set a ka at nangopya ka sa katabi mong set b, kasi naman di mo na binasa ang mga question, sagot ka lang ng sagot,hala kopya dito kopya doon kayat ng ibigay ang resulta ng exam, tumataginting na itlog ang nakuha mo.

pang walo, bakit ba kung kailan kalaliman na ng gabi ay tsaka pa nag tatahulan ang mga aso ng kapitbahay mo? gusto mo na tuloy lumabas at lasunin na lang ang mga kaawa awang mga hayop.

pang siyam, nakita mo si crush, nakatambay sa gilid ng cat walk, syempre, dadaan ka sa harap niya kaya ikaw naman itong si kerengkeng, mag papacute, nasa gitna ka na ng pagpapacute at paglalakad na parang kandidata ka ng americas top model, tsaka ka naman makikita ng kupal mong kaibigan at sisigawan na "hoy, kailan ka ba magbabayad ng utang mo, ang tagal na nun ah!"

pang sampu, kay tagal mo na siyang minamataan, kaya nga naman ng magkausap kayo at magkabigayan ng number, tuwang tuwa ka, iyon na ang simula, akala mo, kaya kinagabihan, excited kang nag text ng "hi." para lang makatanggap ng nakakaiyak at makapitpit pusong reply na "sino 'to? bakit ka nag te text sa syota ko? kapal ng mukha mo!"

sa mga kalokohan ng mundo, minsan nakakatuwa ding isipin na hindi lang pala tao ang masakit mag biro, kundi pati ang kapalaran. :)

s i n t a

blink blink


aireen's picture

Haist! sapul! bigla ko tuloy

Haist! sapul!

bigla ko tuloy naalala hanap ako ng hanap ng salamin ko sa mata.. isip ng isip kung saan ko ipinatong.. yun pala suot-suot ko lng .. haist!

kabaliwan o katangahan?

Sinta ang tagal mong nawala ah.. na-miss ko mga entry mo..:D

 I'm glad u're back!!! Laughing

cheers!

aireen

 

sinta isaac's picture

salamat

ganun talaga kasi tayo minsan, kasama na siguro sa human nature natin yong mga ganung kalokohan... :)

Oo nga eh, tagal ko nawala, cause i'm so busy being so damn inlove.

LOL.

salamat sa iyong pagbabasa aireen.

amaranta luna's picture

karelate

saya ng post...

CATWALK? parang pamilyar...

RJ Santos's picture

Sinta! Miss na miss na

Sinta! Miss na miss na kita! Buti naman at nandyan ka na ulit. :)

Na-miss ko ang paghabi mo ng mga salita. Tulad nitong post mo. Sana pag may na-publish ka nang libro, may autographed copy ako. Yung libre. :D

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

sinta isaac's picture

Promise

Hahahaha... Oo sige, kapag naplantsa ko na ang lahat ng story ko at napa notaryo ko na ang lahat lahat, maaaring mauwi ito sa isang Antolohiya...

Maari...

:)

Patrickman's picture

haha!

true to life ba ang mga ito? hehe... anshowbis, andaming artista! napaka-vivid... enjoy basahin. Ü 

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

noelablon's picture

Uy inlab siya! Sino yung nasa catwalk?

Mapalad siya o malaki ang palad? hehe! 

Marami ditong given ang nangyari na sa akin like yung  masking tape, yung hinliliit - madalas mangayari sa akin. mawawala ka sa ulirat talaga at halos mabanggit mo na lahat ng pangalan ng demonyo sa buhay mo. at yung pangatlo ay yung bagay na nawawala tapos nasa katawan mo lang pala naka-dikit. pati yung pagbu-bunganga ng nanay hehe!

Dagdag ko lang.

Busy ka sa trabaho, tapos tanong ng tanong kasama mo tungkol sa trabaho niya. As in natapos mo na halos trabaho niya ikaw hindi pa hehe. Mabait kasi ako eh.

May presentation sa trabaho. Kampante ka na sa trabaho mo, tested na gumagana tapos pagdating ng presentation biglang magloloko as in one after another ang problema. Halos mapa-mura ka na sa ginagawa mo kahit alam mong nandoon yung boss mo.

At huli yung tipong nag-iingat ka sa pag-handle ng hawak mo tapos biglang may malalaglag na isang piraso. Ang tendency ng kamay mo ay saluhin yun without thinking tapos malalaglag lahat ng hawak mo - hindi mo pa nasalo yung isang nalaglag.

Nakakatuwan-nakaka-inis. Nakakatuwa pag sa iba ng nangyari pero nakakainis pag sayo haha!

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Adlesirc's picture

haha

nakakatawa naman to. naranasan ko na ilang beses ang mabunggo yung hinliliit ko ng matindi. grabe talaga.. ang sarap manapak!

pwede ko bang isama dito ang binawian ka ng promotion kahit alam mong mas deserving ka kesa sa ibang napromotei pagkatapos ay ilipat ka sa team ng mga bagong hire para maging guide nila or person of charge? tapos sasabihan ka ng "its your time to shine!"

shit yon diba? kalokohan nga naman ng mundo.

 

 

 

 

it's your time to shine

it's your time to shine, ok lang yan.. kaya mo yan.. hehehe

kaya nga ikaw ang napili e, ibig sabihin magaling ka talaga... tiwala sila sayo, na kaya mo maturuan o mai-guide ng maayos yung mga bago.

'bout the promotion, siguro hindi pa talaga para sayo. makukuha mo din yan soon, malay mo mas mataas na position pa pala ang nakalaan sayo. Wag ka masyadong nega.. Kaya mo yan!!!!

 

Adlesirc's picture

advice appreaciated

but this post is not mine so as a courtesy to the one who posted it, I encourage you to reply on the thread and not on my comment. thank you.