Kalusugan mo, Ingatan Mo

Sofia's picture

I’m back!

Medyo nawala sa sirkulasyon ng mga ilang araw..kelangang bantayan muna ang aking tiyahin na may karamdaman..Malapit na rin syang operahan sa gallbladder, ang pagkakaroon pala ng gallstone ay ang sobrang pagkain ng maaalat at matatabang pagkain..Ganun pa naman ako minsan! Di nakukuntento sa pagkain ng walang asin  o patis…tsk…tsk..tsk…

Minsan tinanong sa akin ng kaibigan ko, bakit kailangang ako ang magbantay sa kanya samantalang may asawa sya at tatlong anak, pero ako ang buong tyaga na nagbabantay sa kanya..Kasi  may asawa nga sya ngunit maysakit rin naman…ang  tatlo nyang anak ay mga abala sa pagtatrabaho at meron rin syang anak na ooperahan naman sa kidney. Nakakaawa naman kasi wala namang ibang mag-aasikaso sa kanya.

Habang nagbabantay ako, napagmuni-muni ko ang mga bagay na ito:
1)    Na totoo talaga ang kasabihan na, Health is Wealth..mapera ka nga, ngunit may karamdaman ka naman, mababale- wala rin ang lahat. Di bale nang mahirap ngunit wala namang karamdaman…
2)    Anumang abuso ang gawin sa katawan, hindi ka nito sisingilin ngayon, kundi sa mga susunod pang taon ng iyong buhay
3)    Maging palakaibigan kasi walang dadamay sa yo sa panahon nang kelangan mo ng tulong o ng mauutangan, nyahahaha….

At higit sa lahat, matutong makisama sa ibang tao at maging palabati, para kung sakali man ikaw ay mamatay, aba, e may dadamay naman sa yo.


ilyana's picture

Health is wealth

Agree ako jan ng 101 %- Nung magkasakit si Marcos sa bato-hindi siya kayang buhayin ng kanyang mga kayamanan...

Yan din ang lagi kong sinasabi, kahit skint, wag lang magkasakit. Mahirap kasi yung wala kanang pera, magkakasakit kapa? Problema pa kung saan ka kukuha ng pambili ng gamot at pang Ospital.

OO dapat palabati tayo, kunin mo yung titulo na Ms Friendship, para madami makikipaglamay sa burol mo. Dadami pa abuloy, me pambayad ka na ng ataol..Solb!!!

 ♥♥-ILyaNah-♥♥

Sofia's picture

Hahaha! Salamat sa

Hahaha! Salamat sa pagdaan!

Nakagawa tuloy ako ng blog sa pagbabantay ko sa aking tiyahin.. Whew! Hirap ng maysakit..

Kaya kelangan nating mag-ingat, lalo na kung may mga umaasa sa atin.

Ingat!

 

jonsdmur's picture

sang ayon din ako

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

happy ako at di na ako nagkakasakit... at okay na medical ko... mahirap magkasakit lalo na kung walang pera hihihihihi

at dapat smile lang lagi... para dami rin prends... 

salamat!

jonsdmur

Sofia's picture

Kaya nga nung sinulat ko ang

Kaya nga nung sinulat ko ang katagang "Ingat" kay Ilyana, naalala kita, kasi ikaw ang mahilig magsabi sa commercial ng "ingat"...hehehe..tamang-tama naman, napadaan ka sa blog ko..

Salamat!

agree po ako sa mga nasabi

agree po ako sa mga nasabi ninyo

alagaan ang katawan wag abusuhin at maging masaya palagi

Sofia's picture

Salamat sa pagdaan sa aking

Salamat sa pagdaan sa aking blog...

 Kaya lagi tayong mag-ingat, lalo na sa panahon ngayon...

Allanjohn Andres's picture

SHAMELESS SELF-PROMOTION

Madam, kung may panahon kayo, sana makabisita rin kayo sa blog ko dito. Gayundin sa aking site sa http://www.allanandres.blogspot.com/

Nagpapaskel ako ng mga tula. Halu-halong orig, halaw, at salin. Salamat po.

Sofia's picture

Hayaan nyo at dadaan po

Hayaan nyo at dadaan po ako..

Mabuhay po kayo!