"Are you afraid to Die"????

dimples_whayne's picture

takot ka ba sa kamatayan??

Inaamin ko isa ako sa libo libong taong takot sa kamatayan......Fear of death ika nga...

Di ko matanggap na ipinanganak ang tao upang sa bandang huli'y mamatay din sya...Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kamatayan???Ibig sabihin ba nito ay pagkamatay ng kanyang katawang lupa???

Ano nga ang tipikal na sanhi ng kamatayan???Unang sanhi ng kamatayan ayon sa ilang pag-aaral ay aksidente, pagkitil sa buhay at pamamaslang, ikalawa ay ang pagkakaroon ng malulubhang karamdaman at ang ikatlo ay katandaan.....

Walang sinuman ang makakaligtas sa kamatayaan...Nakakapagtaka kung bakit isinilang ang tao,,,at sa dakong huli ay kamatayan ang naghihintay sa Sinuman....

Bakit nga ba ang ilan sa atin ay takot mamatay?Dahil nga ba takot tayong walang gagabay sa ating mahal sa buhay o takot tayo na mawala sa atin ang ating kagandahan at kayamanan...Aminin man natin o hindi isa ito sa mga dahilan kung bakit takot tayo sa kamatayan...

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit kay bilis ng panahon???Gayong ang nakaraan ay parang kahapon lang...??Hindi natin namamalayan ang paglipas ng panahon...hindi din natin namamalayan na unti-unti nang namamatay ang ating katawang lupa..

Kamatayan....bakit ba talaga natin kaylangang umiwas dito???bakit kaylangan pigilin??at bakit kaylangan agad nating wakasan???

 Hindi natin dapat katakutan ang kamatayan...Marahil ay takot ako noon, dahil iniisip ko na hindi ko kayang makita ang aking sarili na nakahiga sa ataul at inililibing sa ilalim ng lupa....

Ang kamatayan ay hindi nangangahulugang wakas na ng iyong buhay...ang tunay na kahulugan nito ay ang pagkakaroon ng panibagong yugto at buhay na walang hanggan.

Wag natin katakutan ang kamatayan...Dahil ito ang daan patungo sa ating Amang Maykapal....Isinilang tayo upang pagbayaran ang mga Kasalanan ng ating unang magulang..

Marapat na handa tayo ano mang oras...Ilaan natin ang buhay natin sa paglilingkod sa Panginoon...At kung sakali mang dumating ang araw ng ating kamatayan..Wala tayong anumang pagsisihan ...

dimples_whayne