kanina sa room .. (07/14/10)
As usual, late na naman ako pagpasok ko kanina.. Lagi naman ganun eh.. Sanay na nga pati mga teachers namin.. Mula first hanggan ngayon.. Yun pa din, late.. Wala talagang pinagbago..
Nung nasa kalagitnaan na ako ng campus papuntang room namin, nakasalubong ko si Gee-anne, dati kong classmate, "uy, carms, may bago.. Gwapo nya.. As in.." Shocking naman nun, diba bawal nang lumipat pag fourth year na?? Hmm.. Pero naexcite pa din ako dun ah! "Ah, talaga? Pwede makipagkilala sa kanya?", sagot ko naman.. Eh akalain mong nginitian lang ako?? Ba, dedma ang bruha..
Ganun pa man, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad patungo sa room.. Hay, bat ba 2nd floor pa?? Bigat2 pa naman ng pasan ko.. At sa wakas! narating ko nang room namin.. Buti wala pa si sir.. At gaya ng dati, chika2 na naman sila.. Kanya-kanyang grupo.. "Uy, may bago daw??", tanong ko.. "Oo..", pasimpleng sagot ni Kristine.. "Gwapo??", tanong ko na naman ulit habang binababa bag ko sa upuan.. "Anong gwapo? Babae uy..", sagot na naman niya.. "Sabi kasi ni gee-anne gwapo eh.. Tara, samahan mo naman ako, gusto ko siyang makita.." At bigla na lang may sumabat. "Sus, wag ka na magpakita dun ah! Baka masabi pa niyang masasama ang mga dost pagnakita ka niya!" .. Hindi ko na lang babanggitin sinoyun, basta babae siya.. At yun, bigla2 akong nabadtrip.. P*t*** ina! Akala mo kung sinu magsalita! Eh mas H*nayupak pang mukha nun sakin ah! T*arantada yun! Buti na lang unli smart ko.. Giniem ko naman..At yun na nga, napagkamalan nila yung ibang tao.. Ahahaha.. Kakatuwa.. Wala lang.. Hay, mga klasmeyt ko nga naman.. Hmm..
Recess nun, sinamahan ako ni Alyssa na pumunta sa Delpi upang makipagfriends dun sa bago.. Mukha naman siyang mabait.. hehe.. At yun, yun na nga.. haha.. Nang biglang dumating yung subject teacher nila ng hindi man lang namin namalayan.. Haha..Bumalik na lang kami sa room ni Lyssa, tapos lumabas ulit para bumili sa canteen.. Hay, buhay..
At nagpatuloy ang araw ko.. Kakapagod.. Haha.. Bat kaya ang bigat ng bag ko?? Ay naku, walang kwentang tanong.. haha
.. Shhhhh ..


