Kanser

dyeppri's picture
| |

 

Magpapatingin lamang daw siya sa St. Lukes dahil sa pangangayayat at ng mabigyan na rin ng maayos na bitamina. Subalit hindi na siya pinayagan ng mga doktor na makakauwi pa sapagkat nangangailangan daw ng masusing pag-aaral ang mga simtomas na binganggit at nararamdaman  ni Mama.

Matagal na rin kasing iniinda ni Mama ngunit binabalewala ang madalas na pagsakit-sakit ng kanyang tiyan, kirot na umiistorbo sa kanyang mahimbing na pagtulog sa gabi. Ang dahilan daw noon ay takot siya sa sasabihin ng doktor. May pagkaduwag kasi si Mama kung tungkol sa sarili ang pag-uusapan ngunit kung sa mga anak niya ay ibang usapan na iyon. Si Mama lamang ang masasabi kong ganap na nakapiling namin ng kapatid ko kasama ng dalawang yaya dahil noon ay isang Engineer na OFW si Papa.

“Huwag kayong mag-alala dahil kakayanin ko ito” at kami pa rin ang inaalala ni Mama kahit siya itong nakaratay sa kama ng ospital “hala at samahan mo Jeff si Papa mo na kumain sa ibaba at parating na rin naman ang kapatid mo.” Tiningnan lamang ako ni Papa at alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon sumunod na lang kami kung ayaw namin si Mamang magtampo.

Tinapik ako ni Papa sa balikat at tumango sa kanya “Mama ano po ang gusto ninyong dalahin namin sa inyo?” tanong ko at sabay halik sa kanyang noo.

Isang siopao na bola-bola daw sa Chowking ang gusto niya. Mas gusto niya sa lahat ng tinapay ang sipao dahil sa kaputian daw nito. Makikita kung gaano kalinis ang pagkakagawa nito. Sobrang napakalinis kasi ni Mama sa lahat ng bagay at ‘ni isang hibla ng buhok sa marmol na sahig namin ay nakikita pa rin niya sa kumakapal niyang salamin. Hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya iyon napupulot.

Mas pinili pa ni Papa ang gumamit ng hagdanan kaysa mag-elevator kami papunta sa ibabang palapag ng ospital. Kinabahan ako dahil alam ko na sa bawat panahong hinihila niya ako sa isang lugar na may katahimikan at walang tao ay mayroong lihim siyang binubunyag. Tulad ng isang pagkakataong ipinagtapat niya na may babae siya at patuloy itong naghahabol sa kanya kahit aayaw na ni Papa. Natukso at natakam lang naman daw siya duon kaya niya iyon napatulan, ngunit wala siyang balak pakisamahan ito. Ngunit sa pagkakataong ito ay ibang takot ang nararamdaman ko, takot na baka tungkol sa kalagayan ni Mama ang sasabihin niya.

Bago pa bumuka ang bibig ni Papa ay  nauna ng bumuka ang mumunting daluyan ng luha nito sa kanyang mga mata, umiiyak siyang sinasabi ng pagaralgal na “Li--limang buwan na lamang sabi ng mga doktor ang itatagal ng Mama ninyo,” at tuluyan ng pumakawala ang pinipigil na pag-iyak ni Papa. Hinila ko ang ulo niya palapit sa akin at sinandal ito sa balikat ko bago tuluyan na kaming napaupo sa baytang ng hagdanan sa pangalawang palapag ng ospital.

“Papa, walang makakapagsabi niyan at Diyos lamang ang nakakaalam.” Matatag kong tinuran sa kanya dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Mama.Lahat ay kaya niyang gawin para kay Mama. Madali ko naman siyang nakalma sapagkat nauunawaan niya na may kakaunti na rin akong nalalaman sa sakit ni Mama. Ilang beses na naming natalakay ang ganoong karamdaman sa eskwelahan at wala talagang makakapagsabi kung hanggang kelan ang itatagal ng pasyenteng may kaparehas na sakit ni Mama.

“Pa—pano na tayo kung mawala ang Mama ninyo?” pagtatanong ni Papa sa mahinang boses nito “sana’y ako na lamang ang nagkasakit.” dugtong pa nito habang patuloy ang pangingilid ng luha sa magkabilang mata. Salahat kasi ng bagay ay si Mama ang nagdedesisyon at si Papa ay sa pinansyal na aspeto lamang nakakatulong. Masasabi ko na mas maabilidad talaga si Mama. Tulad noong nahihirapan akong magdesisyon kung ipagpapatuloy ko ba ang pag-aaral sa Medesina dahil ayaw ko namang baka nasa kalagitnaan na ako ay duon pa ako matitigil. Masasayang ko ang mahabang panahon at pera na ginugol nila para sa akin dahil ordinaryong pamilya lamang naman kami. Baka hindi magkakasya ang pinapadalang pera ni Papa galing Saudi o ang kinikita ni Mama sa pagiging guro nito sa pampublikong paaralan. At si Mama ang nagdesisyon nito para sa akin “mag-aral ka anak at pagbutihin mo, ako ang bahala at igagapang natin ‘yan,” isang pagsang-ayon muli ang ibinigay ni Papa. Wala na siyang imik at OO lamang siya.

“Kung kinakailangan po Papa ay titigil na lamang ako at magtratrabaho na po ako, tutal tapos naman na ako sa isang kurso ko,” Nagdesisyon na rin ako na kinakailangan na nga siguro na ako naman ang gumawa ng paraan para sa amin. Kailangan ako ni Mama at lalo ng kapatid ko dahil hindi pa rin siya tapos sa kurso niya. Kung susuwertihin ay itutuloy ko na lamang ang plano ko noon na isang pag-aabroad at ako na ang bahalang magpatapos sa kapatid ko. Alam ko rin naman ang gusto nito, ang maging isang doktor din “magtutulungan tayong apat Papa at may awa ang Diyos.”

Napansin ko na hirap sa paghakbang sa pagbaba sa hagdanan si Papa kaya’t inalalayan ko. Nahihirapan siguro siya dahil sa malamlam na ilaw sa madilim na lugar na iyon na marahil ay sa kokonti lamang naman ang nagtatangkang dumaan duon, iyon lang sigurong may mabibigat na problema na nais maikubli pansamantala na katulad namin ni Papa. Inalalayan ko siya sa paghawak sa kanang braso nito. Kakaibang kirot sa puso ang naramdaman ko ng sandaling iyon dahil ngayon ko lamang naman iyon nagawa sa kanya, ang alalayan siya sa isang oras ng panghihina nito.

“Apat na pirasong siopao at apat na coke nga Miss,” pag-order ni Papa. Apat na ang binili niya dahil paparating na rin upang dumalaw  si Tita Linda, ang panganay nila Mama. Isa siyang guro din sa elementarya at matandang dalaga, nasa edad sisenta na marahil at malapit ng magretiro. May itsura naman si Tita Linda at marami ring naging nobyo ito noong kadalagahan niya ngunit pinili nitong masmakatulong sa mga kapatid kaya iniwan ng mga naging nobyo nito. Nakulangan daw sa pagbibigay ng oras si Tita Linda sa kanila. Masasabi kong napakabait ni Tita Linda dahil sa lahat ng oras ay handa itong magbigay ng tulong kahit sa usaping penansyal ay okey talaga siya. Naitanim ko na nga sa puso ko na sa pagtanda ni Tita Linda ay ako ang bahalang mag-aruga sa kanya at ilang beses ko naman na itong nasabi sa kanya at isang halik lamang ang tugon niya sa akin pero syempre minsan ay may kasamang isang daang piso na pilit niyang isinisiksik sa bulsa ng pantalon ko.

Papaakyat na ulit kami ay pinili ulit ni Papa ang sa hagdanan maglakad. Kahit hirap ako sa mga pagkaing bitbit ay sumang-ayon ako muli. Hindi ito ang oras nang pakikipagtalo sa kanya ang sumagi sa isipan ko. Mukhang takot muli ang naramdaman ko ngunit nabawasan na ito ng konti dahil siguro naman ay wala na siyang sasabihing ikagugulat ko pa. “Ipagtatapat ba natin sa Mama mo ang kondisyun n’ya?” at napaisip ako ng malalim. OO ang tamang sagot, ang nasasaisip ko ngunit papano kaya, ayaw ko...hindi ako ang magsasabi dahil hindi ko kaya saktan si Mama.

“Pa, kelangan nating sabihin sa kanya dahil iyon ang tama at andyan naman tayo sa tabi niya na aalalay sa lahat ng oras para sa kanya. Kung hindi natin kaya ay mas mainam siguro na si Dr. Tan ang magsabi nito. Masasgot na rin niya ang gusto niyang malaman pa.” wala ng sinabi pa si Papa. Katulad ng dati ay iba nanaman ang nagdesisyon na dapat sana ay siya.

“Dok sasabihin na po ba ninyo sa akin ang kondisyon ko?” pagtatanong ni Mama. Alam niya na kaya naroroon si Dr. Tan ay ipapaalam na nito ang kalagayan niya. Likas na matalino si Mama dahil agad niyang naramdaman ito, marahil ay alam niyang hindi pa naman oras ni Dr. Tan para sa isang pagro-rounds nito.

“Opo Misis, nais ko pong ipaalam sa inyo na kumalat na ang kanser ninyo sa bituka at nadamay na ang importanteng bahagi pa ng inyong organs tulad ng Liver, Lungs at Kidney. Hindi ko po mairerekomenda ang operasyon o Chemo therapy dahil hindi na kaya pa ito, nasa stage four na po ang Cancer ninyo.” Ang stage 4 sa pagkakaalam ko ay ang nagmetastasize o kumalat na sa ibat-ibang organs ang cancer cells kayat mahihirapan ng puksain ito ng ibat-ibang pamatay na kemikal, ang mabilis na pumasok sa isipan ko.

Tumalikod sa pagkakahiga si Mama sa doktor marahil ay ayaw niyang ipakita sa aming lahat ang pagluha nito “ganoon ba?! salamat dok.” ang tanging tinuran nito. Nakakabinging katahimikan ang sumunod na eksena sa loob ng kwarto. Walang nais magsimula ng isang usapin at tumabi na lamang si Papa sa pagupo sa may binti ni Mama. Nagpaalam na rin ang doktor at nagsabing babalik siya bukas at ako ay nanatiling nakatayo at nakamasid sa kawalan sa may bintana. Naririnig kaya ni Mama ang lakas ng pintig na nangagaling sa puso ko.

 

“Jeff, gising,” at nagising ako sa tapik ni Mama sa balikat ko “Asan si Jonas at Papa mo?” tanong ni Mama.Halatang nagtulog-tulugan lamang ito sa buong gabing pagkakahiga dahil kitang-kita ko na namumugto pa ang kanyang mga mata ngunit tulad ng dati ay ayaw niyang ipakita sa amin ang kanyang panghihina at ayaw niya kaming panghinaan ng kalooban.

“Si Jonas po ay pumasok na sa eskwela at si Papa ay kausap si Tita sa labas. May ipag uutos po ba kayo?”

“Anak pakikuha mo nga ako ng mansanas at iyong rosarry na rin ha. Ano ba iyang librong binabasa mo?”

Pilit akong naghahanap ng mga kasagutan tungkol sa sakit ni Mama. Baka naman may lunas pa sa karamdaman niya? Baka naman may mali sa doktor o sa pagkakaalam ko sa ganoong sakit? Ngunit walang sagot akong matagpuan dito. Baka Diyos lang ang makakasagot ng mga ito. Baka siya lang at nagpasya ako na mamaya ay magsisimba ako sa chapel ng ospital.

“Huwag mo ng balatan iyan,” sa unang pagkakataon ay kakainin ni Mama ang balat ng mansanas “dahil gusto ko kainin ang kabuuan ng mansanas. Dibat parati ninyong sinasabi na an apple a day, keeps the doctor away. Kaya ikaw kakainin mo na simula ngayon ang balat upang ‘di ka matulad sa akin na nagkakasakit.” hindi na lamang ako kumibo at isang mahinang “oo” ang tinuran ko.

Hinayaan ko na lamang magsalita si Mama at nagsalita siya ng nagsalita...kwento ng kwento tungkol sa kahit ano, kabataan niya, pagdadalaga at buhay may pamilya. Masaya daw siyang mamamaalam sa amin dahil nagampanan niya ng buong pagkatao ang katungkulan niya sa kanyang buhay at sang ayon naman ako dito. Naging isang ulirang Ina si Mama at ulirang Asawa.

Ipinagtapat na rin ni Mama sa akin na alam niya ang ginawa kong paglilihim tungkol sa pagtataksil ni Papa sa kanya. Alam na daw niya iyon bago pa man malaman ko dahil isa daw siyang babae at “ilaw” ng tahanan. Alam daw niya ang lahat ng bagay na abot ng natatanglawan niya, katungkulan daw niyang alamin ang lahat ng pinaggagagawa namin dahil mahal niya kami. Hindi na lamang siya kumibo sa ginawa ni Papa tulad ng hindi rin pagkibo ng minsang sinubukan ko ang mag-droga. May tiwala daw siyang kaya kong lumabas sa bawat pinapasok ko. At duon ay tuluyan ko na siyang nayapos habang humahagulgol ako sa pagiyak tulad noong musmos pa ako nang unang pagkadapa ko.

Tapos na ang tungkulin ni Mama sa amin kayat ang parte ko naman ang nararapat kong pagtuunan ng pansin....Ako naman Mama..ako naman po.

dyeppri

dyeppri


dyeppri's picture

Paalaala po lamang...

Mapapansin mo lamang daw ang isang bagay kung wala na sa'yo...tyCry 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

Very Nice DYepp

Bro maganda ang istorya, nakakaantig talaga. Maayos ang bawat tagpo, minsan dumarating sa atin talaga ang mga bagay na hidni natin kayang iwasan, mga pagkakataong mahirap takasan o kaya solusyunan. Ang kaya na lang natin gawin ay tanggapin at gawin pa ang maari pa nating gawin.

Bro sa kwnto na ilahad mo, maganda talaga, wala mang klarong mensahe sa mambabasa ,walang mang matibay na aral na makukuha, o hindi man ito paglalarawan ng buhay, masasabing kong mganda ang maikling kwento mo sapagkat nandun ang tamang emosyon, nandun ang damdamin at nakuha ng mamababasa ang nararamdaman mo. Palagay ko nagtagumpay ka sa naisin mo. At saludo ako sa iyo bro.

Bro, malapit na Ramadan, iniisip ko pa kung makakapunta ako dyan sa DUbai, o punta na lang ako sa Bharain. Basta kung matuloy ako dyan ikaw bahala bro!!Wala akong perang panghotel sa makikituloy ako!!Hahahaha!! Inuman na!!

Ingat bro

Spike

dyeppri's picture

sige...

ayos 'yan. send ko sa'yo ang phone ko sa private msge pra makontact mo ako kapag malapit n u punta dito. Inuman 'yan... 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Maganda ang pagkakasulat ng

Maganda ang pagkakasulat ng kwento...at wala kang kupas idol....

nakakalungkot ang kwento... Bilang isang anak minsan mahirap harapin ang ganyang kalagayan..

Nakaka-antig ng puso ang kwento mo...

Madradrama ang mga kwento ngayon hihihihihi

Ang galing mo... Smile

Ghostfox's picture

my mama past away because of

my mama past away because of cancer. We were  worst enemies during my adolescent years...but my dearest friend when i became a matured individual. It took me a couple of months para ma inject sa utak ko na patay na siya. Too late di ko man lang nasabi na mahal ko siya at sa kanya tlaga ako nagmana. Now i realize na dapat gawin at ipakita mo sa isang tao na mahal mo siya befor its too late for you to express it. Im deply touched with your work. Continue on inspiring other people. Keep it up. Galing!

kumusta po

masakit po talaga sa mga anak pag may dinaramdam ang kanilang mga magulang ano po? minsan hindi nila alam na alam naman natin na nahihirapan sila kahit itago pa sa atin pero ngayon naiintindihan ko na na kaya pala minsan nila tinatago ay pinoprotektahan nila ang mga anak at tama po kayo dumadating ang time na tayo naman na mga anak ang mag-aalaga at magpoprotekta sa mga parents natin yan din ang pangako ko sa sarili ko ang alagaan ang Mommy at Daddy ko pagbalik nya.

jonsdmur's picture

Nakakalungkot naman.. pero

Nakakalungkot naman.. pero tama ka... dapat talagang ipakita sa parents ang pagmamahal ng isang anak habang nakakasama pa natin sila....

 

dyeppri's picture

Hindi lang TLC...

Hindi lang sa TLC napaparamdam sa magulang ang pagmamahal ng isang anak... kasama dito ay ang pagiging ulirang anak mo at mabuting tao sa lipunan...kaakibat nito ang pagkakamit mo sa sariling pangarap na pinapangarap din nila para sa iyo---->sapat na iyan na maging tropeyo nila sa ginampanan nila sa kanilang buhay. Balang araw ay iyan din ang tropeyong hihingin mo sa iyong mga anak, ang maging matagumpay sila. Circle of Life.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

aireen's picture

para akong nachochokeD...

CryCryCry para akong nachochokeD... haist! ganun din me dyeppri. may mga kwento rin me na ganyan.. pero d ko pa kaya i-kwento... hindi ko na nga rin kinaya na tapusin ang mga sinulat mo... Frown

Basta Mahalin natin ang mga magulang natin.... Laughing

jonsdmur's picture

Tama ka diyan... marami pang

Tama ka diyan... marami pang magagandang kwento si pareng dyepri.. tulad ng star city at tree house.. sana mabasa mo rin...

Love our parents...

 

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha

aireen's picture

hahahahaha Cge po babasahin

hahahahaha Cge po babasahin ko..  Laughing

 

jonsdmur's picture

hihihihihi thnks talaga

hihihihihi thnks talaga sayo... kapag ako nagka baby at nag asawa kukunin kitang ninang....

Keep smiling! 

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha

aireen's picture

Sure thing! hehehehe Keep

Sure thing! hehehehe

Keep smiling? e lagi nyo nga me pinaiiyak eh... una yung gawa mo, ngyon naman yung kay dyp. haist! Smile

jonsdmur's picture

sure yan ha... para sa akin

sure yan ha... para sa akin kaibigan na kita... di bale comedy ang next novel ko hihihihihi para di ka muna maiyak sa kwento....

 

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha

dyeppri's picture

salamat po!

Salamat po sa pagbasa sa akda ko (kay aireen) at komento.

Salamat din kay tin2 at ghostfox>>>pati kay erap's spikew tenkU din...

salamat din sayo erap jonds (tinulungan mo pa ilathala mga gawa ko...ahihihi. kahit 'alang bumasa ay oks lang yun basta gawa lang ng gawa kasi hilig natin ito eh--->tulad ng pangchichiks mo na kinahihiligan mo sa ngayon...ahihihi! jok!((bukingin ba?!tama ba spikew?)) ingatz 'tol.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

dama ko siya...

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

 

ay nalungkot ako. ang ganda ng kwento.. para lalo ko tuloy tahasang sasabihin mahal ko ang mama ko..

good work dyeppri

dyeppri's picture

salamat po!

Talulot: salamat pow sa panahon ng pagbasa nito.Cool 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

I read this kagabi pa... sad

I read this kagabi pa... sad na sad ang kwento.. napaiyak ako... ang galing ng pagkakasulat dito.kuhang kuha ang emosyon

dyeppri's picture

salamat din sa'yo.

Cool salamat din agatha...medyo totoo kasi ito. kinulayan ko lang ng konti. konting-konti lang naman.ty ulit sa pagbasa.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Ailem23's picture

naiyak naman ako sa kwento

magandang kwento.... ramdam ko ang intensity ng emosyon... galing mo talaga kuya dyep... naku, hanggang mamayang gabi nasa utak ko pa kwento mo... naalala ko iyong star city... kahit comedy palabas sa TV...naluluha-luha ako kasi di ko maalis sa isip ko ung kwento...

tama ka kuya... saka lang talaga natin nakikita ang halaga ng isang tao kapag wala na siya... may kaibigan akong namatay sa kanser... ako ang huling taong nakausap niya noon... pagsara ko ng pinto ng silid niya narinig ko pa ang tunog na senyales na nag-flat line na siya... saka ko lang na-appreciate ng husto lahat ng kakulitan, kabaitan, at kasungitan niya sa akin nung namatay siya.

haay... nakakalungkot....

ingatski,

melay 

dyeppri's picture

salamat din sayo...

salamat din sayo...ingat ka lang kasi ang taong huli DAW nakausap ng yumao ang siyang unang babalikan nito. Dahil ang pumanaw DAW ay may short term memory na dala-dala niya sa kabilang mundo niya. ahihihi (manakot ba?!) ty ulit. 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Ailem23's picture

oo nga manakot ba?

Ay sus... sanay na ako... Ilang beses na siyang nagpakita sa akin... minsan nga inihahatid niya ako sa bahay kapag ginagabi ako ng uwi... ilang beses na rin akong milagrong naligtas sa aksidente kasi nakikita ko siya sa tabi ko..parang inaalagaan niya pa rin ako...

hehehe...

ganda talaga ng kwento mo...

ingats ka dyan,

melay 

jonsdmur's picture

mukhang ang sweet nyong

mukhang ang sweet nyong dalawa baka mangyari ang love team ng la traidora hihihihihi

maganda ang kwento... nakaka iyak at nakaka lungkot... Cry

jonsdmur

napansin ko nga melay at

napansin ko nga melay at eloisa karakter sa la traidora di ko pa nabasa pero nasilip ko na. totoong nagyari ba un. mukhang maganda ang kwento kuya. bukas ko na basahin kasi walang duty para isang basa na lang

siya ba ung love team sa la traidora hai naku chismosa talaga ako sensya na

dyeppri's picture

Sa Mama ko...

Happy Mother's  Day!!!Wink 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

jonsdmur's picture

happy mother's day

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

sa iyong mama at asawa Master....

jonsd

dyeppri's picture

*__*

salamat pre'Laughing                   

 

        http://dyeppri.wordpress.com/

                       

dyeppri's picture

:)

HAPPY BIRTHDAY SA MOM KO!!!

 

"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."

                        http://dyeppri.wordpress.com/