Kapag Laos Na Ang Mga Sikat

Adlesirc's picture
|
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Kapag 'di na gasgas
ang salitang "mahal kita"
sasabihin ko ito sayo
para di mo isagot
na masyado akong ma-"keso".
Saka na lang ako lalapit
kapag wala ka nang ka-Tweet.
Saka na lang kita tatawagan
'pag sa YM ay wala ka nang ka-chikahan.
Kapag ang Facebook ay hindi na "in"
at si Lady Gaga ay laos na rin...
siguro pwede na akong magpapansin
sa gayon masisiguro kong
sa akin ka na lang titingin.
Kapag hindi na uso
ang mga katagang "wrong timing"
saka ako magtatapat
para hindi mo sabihing
isa kong "malaking assuming".
Saka na lang,
kapag wala nang kaagaw sa iyong atensyon
kapag wala nang exciting sa Internet or MTV
'pag luma na ang Iphone o Blackberry.
Saka na lang
pag sawa ka na sa kaka-text
para di isiping ang sasabihin ko
ay ginaya ko lang
sa isang forwarded message.
Sa ngayon,
mananahimik muna ako sa isang tabi
at mangangarap tuwing gabi
na ako ang kasama mong nanonood
ng mga love story sa Imax 3d.
Iba-blog ko na lang muna
ang nararamdaman ko sayo
at maghihintay ng mga pictures
na naka-tag kasama mo
magpaparamdam na lang ako
'pag hindi ka na hooked
sa mga pinagkakabisihan mo

at wala nang uso sa paligid mo.

 

 

 

 

 

03.20.2010

Adlesirc

 


jonsdmur's picture

wow!

Mga Obra ni Jonsdmur

Balarila - Wastong Gamit ng Salita

Im happy at nakakapagsulat ka na ulit.... ako di pa gaano... maganda ang poem... inulit ko nga basahin heheheh... excited nga me basahin gawa mo-

Adlesirc's picture

salamat sa pagbasa Jon

 

Goodluck sayo, sana maging successful at happy ka don =)

 

 

gara ng tula ko noh, parang sabog lang. hehehe

neutron's picture

Hahahaha!

- I'd still walk a million miles for just one of your kisses.

Adlesirc's picture

tawa ka jan! whats that

tawa ka jan! whats that hahahaha! suppose to mean aber???

mara's picture

ahaha.. great sacrifice to

ahaha..

great sacrifice to wait!

natatamaan ako..

 

pero i believe that:

"No one will ever know, all the things we did will show - how lucky we are to be ignored, when we've reached the end of the road."  

 

That's my wall post in FB.

Adlesirc's picture

hehe

salamat sa pagbasa Mara =)

d-younker's picture

i've waited for

i've waited for this.

hehe.

parang tagal na din kasi nung huli akong makabasa ng gawa mo.

 

anyway, ang ganda ng pagkakaexpress mo ng message.:)

Adlesirc's picture

you waited? wow. thanks

you waited? wow. thanks Jean. madaya ka, di ka nagpunta nung poetry reading. hehehe

 

salamat ulit and see you again next time! =)

Yuco's picture

Galing.... lumabas ang

Galing.... lumabas ang emosyon mo dito anne... minsan pampagulo sa sistema ng tao ang pagunlad ng teknolohiya, mahihibang ka kung papadala sa mabilis nyang agos.

kaya dapat may tamang oras at panahon ang lahat... naku po! 1pm na pala hahaah

 

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko

Adlesirc's picture

salamat Ulz sa oras

salamat Ulz sa oras =)

 

minsan istorbo ang mga bagong discoveries e. hahaha.. lately naglalaro ako ng plants vs zombies.. hindi tuloy ako nakakagawa ng mga mas importante.hehe

 

 

Luca's picture

penge

naman ng tinitira mo!! heheh

 

pansin mo maraming nagtutugmang tula ngayon.

tara tugma naman tayo for a change, para may challenge, kakainis na kasi yung mga fumi-freeverse at pumopost-modern na mejo hazy naman ang pagka-deliver, kinukuwestion ko tuloy kung mapagpalaya pa ba ang porma, o pampa-basura na lang.

 

ahihi...

 

btw, gusto ko yung tula mo, ang Tweet Tweet. 

Matalino naman ako, mabait, may hitsura—masuwerte daw ang lalaking makakatuluyan ko.

Masuwerte at imaginary.

Adlesirc's picture

naubos ko na mare.

naubos ko na mare. hehe

 

salamat sa pagbasa. =) yaan mo, yung mga gagawin ko pang poem, sisiguruhin kong di ka malalabuan at yung tula na hindi lang ako ang may alam ng meaning. bwahahahaha!